Chapter 2

125 4 6
                                    

"Julie! Julie!"  Huntikan nakong mapatalon sa gulat ng mag sisigaw-sigaw si Mira sa bahay namin. Umagang umaga nagtatatalak ang bunganga netong babae na'to.

"Julie! Alam ko na ang solusyon dyan sa problema mo." Tumabi siya saakin sa sofa habang nanonood ako ng tv.

"Problema? Ano?" Saad ko at hinigop ko ang kape ko.

"Eh, Kagabai ko lang kasi 'to nalaman, Kung gusto mo daw magka boyfriend, Mag register ka lang sa WWW. iDateMalandiKa.Com Dali julie! Try mo, Madami daw gwapo dun."  Saad nya.

"Ayoko nga! Hindi ako interesado dun. At tyaka, Kelan ko pa naging problema yun? Hindi ako malandi gaya mo!"  

"Asus. Kunwari ka pa. Alam mo nakakainis ka, Panget panget mo tapos ganyan kapa." Saad niya.

"Hay ewan ko sayo! Sumasakit ulo ko, kausapin mo na lang si ate, Magpapahinga ako."  Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ang pintuan at umupo sa kama. Kinuha ko ang laptop ko para mag GTA.

...After 30 minutes..

"Hay! Ang boring,  Ayoko na. Tapon ako ng tapon ng granada ayaw akong tantanan ng mga pulis. Bwisit."  Saad ko. "Pero teka, Totoo kaya yung sinabi ni mira na website? Hmm."  Ngumiti ako at binuksan ang site na WWW. iDateMalandiKa.Com Gumawa ako ng account, At naghanap na ng pwedeng ichat na gwapong nilalang dito. Hihihi.

"Ay! Shemas! Gwapo neto ha, Mestiso."  Saad ko habang tinititigan ang picture niya. "Machat nga. Hihi."  

On Chat:

Me: Uhm, Hello. 

Naghintay ako ng mga ilang minuto dahila ng tagal niyang mag reply.

Him: Typing... 

Ay, Ayan na. Shiz, Kinikilig ako! Err.

Him: e0wHhszz phUo. ^_^ 

Halos malaglag ang mga mata ko nung nag reply siya. 

Me: MAY ASAWA NAKO. MALANDI KA! KALALAKI MONG TAO NILALANDI MOKO! MAMAMATAY KA! 

Sabay ni log out ko at hinagis ko yung laptop ko sa sahig. Biglang pumasok si ate at Mira sa kwarto.

"Oh?! Anong nangyari?" Banggit ni Ate. 

"Wala. May virus na kumalat sa laptop ko." Bumaba nalang ako at nagpunta sa kusina para kumain.

"Oh anong nangyari? May instant boyfriend ka na? Ayiee! Malandi kang panget ka! Nakakadiri ka! Ayie!" Banggit ni Mira. Nabulunan naman ako sa iniinom kong juice. "Ikaw, Kahapon ka pa ah! Puro nalang panget lumalabas dyan sa bibig mo! Hindi tayo magiging magkaibigan kung hindi ka din panget!" Saad ko. Nakakainit talaga ng dugo tong babae na to. Pasalamat sya mahal ko parin sya. "Angat naman ako sayo. Hay nako. Bakit pa kasi kailangan mo pang humanap ng gwapo? Eh hanggang sa mga jejemon lang naman ang boundary ng kagandahan mo!" Tugon nya. "Ay sinabi ko ba yung word na 'Kagandahan' Eh wala ka naman nun eh. Sorry."

"Hay nako. Anti-Jejemon nga ako! Bahala ka nga dyan! Makaalis na nga lang!" umakyat na ko sa kwarto para magbihis.

Lumabas na ako ng bahay at nag isip isip ng pwedeng puntahan. Yung Mira na yun kasi! may nalalaman pang website! Azar. Habang naglalakad ako, nakita ko yung building ng Museum na pinagfieldtrip-an namin dati. Nag lakad ako papunta doon. Ewan ko ba kung anong trip ko ngayon. Nahawa na yata ako sa nanay kong mas malupet pa kay Dora. Lakas ng trip.  

Nang makapasok ako, nag ikot ikot agad ako sa loob ng museum. May mga porcelains, mga paintings etc. Pero huminto ako sa isang painting na nag-agaw pansin sa mata ko. Halatang lumang-luma natong painting na'to pero ang sarap parin tignan sa mata. Agad kong nilapitan ang painting na'to.

Isang lalaki na nakatayo, Kung titignan mo ang itsura niya, Totoong gwapong old version siya.

"Julie. Julie.. Julie..(echo)" Nagulat ako ng may biglang isang lalaking boses na bumubulong saakin. Agad kong hinanap kung sino ang bumulong saakin, Pero walang ibang tao sa likod ko.

"Konsensiya?" Tanong ko.

"Julie.. Julie.. Kailangan kita." Nagsalita nanaman ang isang boses na yun. Minumulto na yata ako. "Si--sino ka?! Bat aayw mong lumabas? Magpakita ka!" Sigaw ko.

"Julie julie julie. May kailangan ako saiyo. Julie. Julie..(echo) julie.." Nagsalita nanaman siya. Tinakpan ko ang tenga ko dahil paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ko.

"Ayaw mo ng Julie? Haime... Bartolome... Haime haime haime.. (echo) Haime.."  Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Pero nagulat ako dahil ng dumilat ako, Wala ng mga tao sa paligid, Nakakabingin ang katahimikan sa loob ng museum.

"Julie. Makinig ka." Bulong ng boses. "Arghh!! Tama na! SIno ka?!" Sigaw ko.

"Pagkatapos neto, Pangako, Di na kita muling gagambalahin pa. Honesto, Promise." Wow! Isang lalaki nag hohonesto?! Taeners. 

"Sure ka? A--ano ba gusto mong ipagawa sakin? Tantanan mo lang ako!" Sigaw ko kahit hindi ko siya nakikita.

"Lumingon ka, Tignan mo ang painting na yan." Agad akong lumingon pag ka banggit niya non, At ang painting na tinutukoy niya ay yung kaninang painting na may nakatayong lalaki na tinititigan ko.

"Nakikita mo yan? Mag drawing ka ng mga bling-bling diyan." Banggit ng boses.

"Ano?! Ba--bakit?"

"Mag drawing ka nalang! Dami pa sinasabi eh." Banggit ng boses.

"Eh kaso wa--wala kaong ballpen o lapis o kahit ano man." Saad ko.

"Yung laway mo, Ang laway mo ang gagamitin mo pang drawing kung wala kang pag-sulat." Banggit ng boses. Nag buntong hininga ako at inilabas ang dila ko at itinaas ang isa kong daliri, Ini-slide ko ang daliri ko sa dila ko, At nagulat ako ng maalala ko na nangulangot pala ako kanina kaya agad akong dumura sa sahig. Inihakbang ko ang paa ko para lumapit sa painting..

"Boba (echo) Boba boba boba boba.." Banggit ng lalaking boses kaya agad akong napahinto.

"Gagawin mo talaga? Bababuyin mo ang painting na yan gamit ang laway mo. Mag-sesend ako ng ballpen diyan, Wait lang wait lang wait lang wait langh (echo)" Nagulat ako na may biglang bumagsak na ballpen mula sa itaas. Sinimulan ko ng mag guhit ng bling-bling pero walang tinta ang lumabas.

"Wala tong tinta. Mag bigay ka naman ng maganda! Ang cheap kaya neto." Sigaw ko, "My Gel, Maganda!" At may bumagsak na mygel mula sa itaas. Nagsimula ko nang iguhit ang mga bling bling sa leeg niya, Pero Masyadong nagng simple ang drawing ko, Kaya nilagyan ko ng sumbrero ito pati narin ng domo kun sa leg at shades.

"Ta-ta--pos na." Banggit ko. Hindi ko namalayan na bigla nalang akong nawalan ng malay pagkatapos kong guhitan ang isang painting.

-----

Ayan lang muna! So Vote & Comment po. Chapter 3, Abangan niyo. Kapag nag vote and comment kayo ^.-  

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon