Chapter 6

79 1 0
                                    

Sobrang lalim na ng iniisip ko. Lumilipad na yung isip ko kakaisip kay benj about sa painting dito sa kwarto ko. "Hoy panget!" Agad akong napatingin kay mira na kanina pa daldal ng daldal. Ay shunga ka julie, Bat tumingin ka? Panget kaba? "Uy! Umamin ka rin. So anggap munang panget ka? Hahaha. Salamat bestfriend. Pinanindigan mo rin." Dagdag pa niya.

"Nakakahiya talaga sa mukha mo." Bulong ko at umupo sa kama. "Eh kasi naman kanina pako nagsasalita dito, Eh hindi ka naman nakikinig! Nakatingin ka lang sa bintana! Ano ba, Gumagawa kaba ng music video?!" Saad niya. "Ano ba kasi 'yang iniisip mo?! Ha?" Dagdag nya.

"Ah-eh. Wa-wala." Anong wala julie?! Siguradong magbubunganga na naman 'yang si mira kapag wala kang sinabi! Think! Think! Think kahit walang utak!, "Iniisip ko lang kasi kung anong susuutin ko sa Beach party ng birthday ng ka-klase ko." Tugon ko.

"Aba ang lupet mo naman julie! Bakit may balak kang mag wedding-gown sa Beach party?!" Saad ni mira. "Aba shunga. Syempre magswiswimming kayo doon, mag swim suit ka!" Pag tatalak nya.

"Eh sabi kasi ni Beng, Formal daw ang Beach party niya." Saad ko.

"Jusme! Akala ko ba ako lang ang dakilang tanga sa storya na'to? Bat pati ikaw?! Nakakita kana ba na may nag beach party na naka formal?! May naka gown?! Bakit, May balak kang lumangoy sa dagat na naka gown? Aba malupet!" Saad nya. "Tyaka si beng? Yung balyena na yun inimbitahan ka?! Eh diba kontra-bida ng buhay mo 'yun?! Tyaka nag pa-loko ka naman? Naniwala ka na formal yung attire sa beach party nya? Eh sya pala yung shunga e. Mag-iisip na lang sya ng pang pahiya sayo sa party nya, Obvious naman masyado." Dagdag nya.

"Oo nga ano," Kumamot ako sa ulo at napaisip, "Sira ulo yung babae na yun ha. Pero sa tingin mo ba dapat ako sumama sa party nya? Pero gusto ko rin eh. Kasi andoon si baby benj ko." Banggit ko.

"Ah alam ko na! Isasama na lang kita mira!" Tugon ko at ngumiti.

"Ayoko nga! Mamaya kugn ano pa ibalak saakin ng mga hampaslupang mukhang alipin na mga babae nayun." Tugon nya habang nakatutuok sya sa panonood ng tv, "Mag-ingat ka nalang julie. Baka mamaya mabalitaan ko hinuli ka ng mga mangingisda don." Saad nya.

"Hipon ka pa naman." Kahit pabulong nyang sinabi ito, rinig na rinig parin ng mga tenga ko. Binato ko nga ng stapler na naka patong sa cabinet ko, Sayang nga lang dahil tumama sa leeg nya. Hindi sa ulo.

"Hoy! Maganda ako! Hindi lang ako sexy, Pati mukha ko maganda! MAGANDANG MAGANDA AKO. PERIOD." Pag-sigaw ko.

"HOY! JULIE! BINABANGUNGOT KA NANAMAN! GUMISING KA NGA!" Narinig kong sigaw ni ate mula sa baba ng hagdan, Pag sumigaw ako ng maganda ako, Binabangungot agad ako? Bat ba ang sasama ng mga tao dito saamin. #JulieIsSad

"Basta, Hindi ako sasama sa kalandiang party na yan." Saad ni mira

"Edi wag, Kasama pa naman sina Jace dun." Bulong ko. May mga 15 seconds na katahimikan at nabigla ako na may humampas saakin na malmbot na bagay. "Aray!" Lumingon ako at nakita kong hinampas ako ng unan ni mira. At tumalon sya sa kama at tumabi saakin.

"Hindi nga best. Kasama si jace?" Kitang-kita ko ang pagpula ng buong mukha nya kasama ang nakakainis na ngiti ni mira.

"Oo nga! Malamang, Kung kasama yung mean girls, Kasama na ang buong gang."

"O sige! Bye best! Mag-online ka later, Mag usap tayo bye!" At bigla syang tumakbo sa pintuan upang umalis pero pinigilan ko sya, "Uuwi kana agad? Eh kaka dating mo lang sa bahay?" Banggit ko.

"Eh diba bukas na yung beach party nyo? Syempre, Mag iimpake nako. Mag-impake ka narin."

"Walang-ya ka! Binaggit ko lang yung pangalan ni jace, Sasama kana. Ang sama mong kaibigan sakin." Banggit ko at nag puppy eyes ako.

"Binihag ako ni jace best. Eii! Kinikilig tuloy ako!" Saad nya.

"Malandi ka! is it real? is it real?" Pagkanta ko, Napa Nesfruta tuloy ako.

"Real na real!" Dagdag ni mira. At umalis na. Umiinit nanaman ang dugo ko ngayon dahil sa Mirabalde na 'yan. Kung makapanlait akala mo kagandahan! Pasalamat sya humble ako! Paano ko ba natagalan 'yang mira na yan? Walang araw na hindi ako nilait nyang balasubas na 'yan!

-----

Ngayon ang araw ng Beach party namin. Dahil nga sa kontrabida ang role sa story dito nina Beng, Amy at Shi. Hindi nila kami sinabay sa van nila papunta sa paparoonan namin, Kundi yung Gang lang nila. Overload na daw kasi sa van kaya hindi na kami pwede. Nakakainis hindi ba? Kung totoong overload sa van nila, Malamang siya ang nagpa-overload doon dahil nga sa balyena siya. Kaya ayun, Nag taxi nalang kami ni mira, 2 hours ang byahe.

"Mira, Bat ganyan naman yang outfit mo? Wala pa nga tayo sa beach ang lakas mo na maka pang ootd." Saad ko nang nasa taxi na kami. Paano naman kasi ang lakas makapang suot ng malaking hat, Pink na tube, Mahabang palda na color green, Naka-heels, Andaming mga nakasabit sa leeg na kwintas.

"Syempre! Andoon si labidabs jace ko ano! Syempre dapat mapansin nya ang kagandahan ko."

"Eh ang tanong, May kagandahan kaba?"

***

Nang makarating na kami sa beach ay agad kaming pumunta sa room namin sa resort. Libre lahat 'to ni Beng dahil kaarawan nya. Alam ko namang lapastangan yung ugak na yun, Alam kong may binabalak yun saakin. And so? Hindi naman ako yung babaeng basta-bastang nagpapatalo. Wala akong pake kung libre nya ang lahat! Kung makiki-pag gerahan nya saakin, Game na game ako.

"Huy! Tara na! Magbihis na tayo. Im ready to swim ne!" Banggit ni mira. Kakahiga ko palang sa kama, Magswiswimming na? Pagod na pagod ako. Para akong inambush sa taxi.

"Maya't maya na. At teka nga pala, Anong susuutin mo?" Tanong ko.

"Mag one piece ako!" Saad nya. "Patingin nga!" Saad ko at nagmadali syang inilabas ang swimsuit nya sa bag nya. "TADAA!" Pag-sigaw nya pagkalabas nya ng panty na pang swim-suit niya.

"Oh eh, Asaan yung bra nyan?" Tanong ko. Pero nagulat ako ng batukan ako ni mira. "Shunga ka talaga best! One piece nga lang ako diba?! So ito lang susuutin ko." Saad nya.

Agad kong hinatak ang buhok nya. "Ano ba yan Mira! Pwede ba ha, Magbigay respeto ka naman sa pag ka babae mo!" Seryosong sagot ko sa kaniya.

"Shunga! Malamang! Binibiro lang kita. Sa tingin mo lalabas ako na ganito lang?! Nag bibiro lang ako. Two piece ako." Saad nya, "Eh ikaw best? Ano swimsuit mo?"

"Ah-eh. Dahil sa pinalaki ako ng tama nng magulat ko. Shorts at T-shirt lang ako." Banggit ko.

______________________

Akalain nyo yun? Nag function yung isip namin? Wahahaha Late na late na pag update namin, Kasi hindi kami maka-isip ng shorcut sa story. Wahahaha sorry! Kanina talaga todo isip ako ng ilalagay sa story, leche. Salamat naman gumana. Kalandian kasi ni mira eh hahaha. @iamCheskyy & nuttellove here! Hahaha. Mababait po kami. Hehehe. Follow follow! ^-^

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon