Chapter 7

67 2 0
                                    

Lumabas na kami ni mira sa room nami ng makapagpahinga kami. At nakita namin na naglalaro ng volleyball yung mga lalaki habang sina Amy, Shi at Beng naman ay nagseselfie.

"Hey!" Lumapit saamin sina beng at inikot kaming dalawa ni mira, "Bakit hindi ka naka formal? I told you na formal ang attire. Right girls? Hahahaha!" Banggit ni mira at humalakhak ang mga feeling mean girls.

"Uhm, Benj. Come here." Banggit ni beng at tumigil muna sa paglalaro ng vball si benj at agad syang lumapit saamin. Agad na kumapit si beng sa braso ni benj. Landing di mo inakala! "Si benj ang magiging escort ko ngayong kaarawan ko. And halos lahat kami may escort na. Eh ikaw julie?" Pag mamayabang niya.

"Ah, Tsk tsk. Sabi na nga ba eh. Wala ka pang escort. But don't worry julie. Alam ko naman eh, Kaya nga sinama ko yung TRUE LOVE mo kahit na labag sa loob ko." Saad nya kaya agad akong nagtaka kung sino ang tinutukoy nya, At biglang tumakbo papunta saamin si Miel. Ang nakakainis na nerd na feeling gwapo na negro na naghahabol saakin ng ilang taon na na kaklase namin. Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Nananadya talaga 'tong beng na'to eh, So sa tingin nya maganda na sya porket gwapo ang escort nya na si benj?

"Hi Julie! I miss you!" Saad ni Miel.

"Ayiee! Sabi na sayo bestfriend eh! Si Miel talaga ang nakalaan para sayo!" Bulong saakin ni mira.

***

Sumapit ang gabi at natapos ang pag-swiswimming namin. Kumain kami sa terrace ng room nila Beng pero pagkakuha ko ng pagkain ay agad akong bumaba at umupo sa buhangin habang nakatingin sa alon ng dagat habang iniinom ang juice ko. Sayang hindi bearbrand choco kaya sad ako eh.

Sa gitna ng pagiinarte ko o sakto sa pag-inom ko ng juice ko ay nakainom lang naman ako ng mga buhangin ng may sumipa mula sa likod ko ng mga buhangin kaya agad kong nilingon kung sino ito.

"Pwe pwe!! Lasang buhangin!" Saad ko. "Psh. Ano bang inaasahan mo na alsa sa buhangin?! Coffee?" Pag mamatapang na banggit saakin ni Benj.

"Eh bakit mo ba kasi sinipa yung buhangin papunta saakin?! Anong akala mo saakin, Si Gaara na nasa Naruto?" Saad ko at tinarayan ko.

"Hinahanap ko kasi si Jace! Nakita mo ba?" Saad nya.

"At bakit saakin mo hinahanap?! Mukha bakong cctv camera? Na malalaman mo ang lahat saakin?!" Pag mamataray ko rin.

"Tsk! Asaan ba kasi yung jace nayun! Tawag ako ng tawag di naman sumasagot. Hoy babae! Pag nakita mo yung jace nayun, Ireport mo agad saakin ha!" Saad ni benj.

"At bakit mo saakin sinasabi yan?! Mukha ba akong president ng classroom na kapag may kalokohang naganap sa klase irereport ko agad sa teacher?! Hoy benjamin barcero! Wag mo nga kong gawing alipin--.." Nahinto ang pagsasalita ko ng sumabat agad si benj.

"Mukha ka ng mukha! Palibhasa ang panget ng mukha mo! Makaalis na nga." Saad ni benj at naglakad na papalayo saakin. Ang sama talaga ng lalaki nayun, Gwapo nga, Panget naman ugali. Huhuhu. May halong mira 'yata ang dugo ng lalaki na yun. Ang hard talaga ng lalaki nayun. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa alon ng dagat. Maya't maya ay naramdaman kong may tumabi saakin sa pag-upo ko sa buhangin kaya agad kong tinignan kung sino ito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Banggit ko.

"Wala lang. Nag rerelax lang."

"Hindi kaba babalik doon," At tinuro ko kung saan nagaganap ang kasiyahan sa terrace na kinakainan nila beng and etc.

"Hindi naman ako interesado sa mga party o kasiyahan. Kung tatanungin mo kasi ako kung ano ang kasiyahan saakin, Hindi ganito." Seryosong sagot niya,

"Ay oo nga pala Jace, Kanina kapa hinahanap saakin ni Benj. Nananahimik nga ako sa pwesto ko, Binwisit naman ako ng antipatikong lalaki na'yun." Saad ko at nakita ko na ngumisi siya ng saglit, Pero diretso parin ang tingin ni Jace, Nakatingin lang din sya sa alon ng dagat. Dahil ba sa nandidiri siya sa itsura ko? Hmm.

"Paano kaba nakatagal sa ugali ng benjamin na yun? Matanong nga kita," Sineryoso ko syang tinignan pero hindi parin siya tumitingin saakin, Totoo ngang gwapo siya gaya ng sabi ni Mira. Napaka pula ng mga labi niya at napakatangos ng ilong. Ang kinis-kinis ng mukha niya.

"Anong itatanong mo?" At tumingin narin saakin sa wakas si jace pero agad din siyang humarap sa alon ng dagat. Hindi ko namalayan na tumagal na pala ang pagtitig ko sa mukha niya. "Ah-eh." Nakalimutan ko na ang itatanong ko, Napaka-ulyanin mong babae ka julie! Panget ka na nga, Ulyanin ka pa! Agad akong nag-isip pero wala akong isip.

"Itatanong ko lang sana kung menopause na ba si benj?" Seryosong pagtatanong ko, Dahil nga sa nakalimutan ko ay nag-isip ako ng bago. Hihihi im so smart! Nakita kong tumawa siya ng mahina pero panandalian lamang ito.

"You know what, Sa tingin ko may lihim na pagtingin sayo si Benj." Tugon nya. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon, "Sana nga jace. Pero alam kong napaka imposible nun. Jace naman, Lakas mo mang-trip alam kong pangit ako kaya--.." Napahinto ako sa pagsasalita ng agad na nagsalita si Jace.

"Pangit? Sino ikaw? Hahaha. Sabihin nanatin, Oo nga pangit ka. Pero bakit tinatangap mo agad yun? Hindi kaba naiinis kapag sinasabi sayo ng panget ka? Wow. Ikaw lang yung babaeng kilala ko na ganun. Pero julie, I swear, May gusto sayo si benj."

Napangiti na lang ako dahil ayoko ng umasa pa, Oo crush ko si benjamin. Pero wala siyang gusto saakin eh. Ang sakit kaya. "Ang sama nga ng dila saakin ng lalaki na yun tapos magkakagusto yun saakin? Hahaha. Malaking kasinungalingan 'yan jace. Utot lang yan jace. I-tae mo lang yan." Saad ko.

--------------------------------

HAHAHA. Napakasaya namin dahil nakapag-isip narin kami ng ilalagay sa story, Maraming salamat utak. Dahil meron ako kahit katiting. Naiiyak ako sa saya. Hahahaha! Joke. Wag nyong kalimutan mag vote & comment. Thankyou so much!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon