Chapter 3

82 5 3
                                    

"Miss, Okay ka lang? Miss."  Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, At nakita ko ang isang lalaking naka white t-shirt at pants, Bumangon ako sa sahig.

"Asan ako?" Saad ko. Tumingin ako sa paligid at andaming taong nakatingin saakin, Nasa museum pa pala ako. Nakita ko ang isang kamay na bumungad sa mukha ko. "Tulungan na kita miss."  Sabi ng lalaki. Iniabot ko ang kamay ko at bumangon na sa sahig.

Isang Napaka gwapong nilalang, Napaka tangkad, Napaka tangos ng ilong, Mapupula ang mga labi, At chinito. Na sa kaniya na ang lahat. Hindi ko na malayan na nakatulala na pala ako sa mukha niya.

"Sa tingin ko okay kana. Salamat nga pala sa tulong mo."  Banggit niya, Paka lalim ng boses ng gwapong nilalang na ito.

"Tulong? May nagawa bakong tulong sayo?" Saad ko.

"Sa painting."  Tugon niya. Oo nga pala! Yung painting, Bigla kong naalala. Agad akong lumingon at tinignan ang painting. Pero halos malaglag ang panga ko ng makita ko na wala na yung lalaki na dinrawingan ko sa painting, Kundi background na lamang ang natira. Agad kong nilingon yung lalaki na kausap ko. 

"Wag mong sabihin, Ikaw yung lalaki sa painting!?!"  Saad ko at nagbuntong hininga.

"Oo. Ako nga."  Saad niya, "Salamat dahil dinrawingan moko ng mga bling-bling para makalabas sa painting." Dagdag pa niya. Halos hindi ko mabuka ang bibig ko para magsalita dahil sa mga nangyari.

"Aalis nako. Tulad ng pangako ko, Hinding-hindi na kita gagambalahin pa muli." Lumingon na siya at nagsimula ng humakbang papalayo saakin. 

"Sandali!" Sigaw ko. Pero hindi siya huminto kaya tumakbo ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya at iniharap siya saakin. "Ah-eh, Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo na wag mo nakong gagambalahin pa, Joke lang yun! Mahilig ako mag joke! Sige gambalahin mo lang ako, Kahit araw-araw mo pa akong--.." 

"Hindi ako sumisira ng pangako julie, Ang pangako, Ay pangako."  Tugon niya at umalis na siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Binanggit niya ang pnga lan ko, 'Julie' Huntikan nako mag split sa museum ng marinig ko yun.

***

Umuwi man lang ako ng bahay ng hindi naitatanong ang pangalan niya. Nanghihinayang, Nanghihinayang ang puso ko. 

TOKTOKTOKTOKTOK!!!

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko habang nag iisip ako sa kwarto ng may kumalabog ng pintuan ng kwarto ko.

"HOY PANGET! KUMAIN KA NA DAW SABI NG ATE MO! KANINA PA KAMI TAWAG NG TAWAG SAYO SA BABA HINDI KA MAN LANG SUMASAGOT HALOS MAPAOS NA KAMI SA KAKATAWAG SA PANGALAN MO!! AKALA NAMIN NAG LASLAS KANA KAYA INAKYAT NA KITA AYUN PALA NANDITO KA LANG!! HIND MO ALAGFLDALDHAJD"  

"Oh Tumahimik kana, Dami mo pa sinasabi eh."  Pagkadaan ko sa direksyon ni mira nilagyan ko ng papel ang bunganga niya habang sinesermonan ako at bumaba na.

"Oh, Ayan na pala ang bruha eh. Oh tara na mira, Kumain na tayo."  Saad ni ate at umupo na kami.

"Wow Sinigang na hipon!" Saad ni mira at umupo siya sa tabi ko. Sabay-sabay kaming humigop ng sabaw. 

"Asim kilig!"  Sabay-sabay kaming napakanta ni ate at mira, Hindi ko alam mays ariling utak ang bibig ko at biglang lumaabs ang mga kanta na ito.

"Asim kilig!' Pag higop ulit namin. "Asim kilig!"  Pero huminto na ako sa pag-kanta ng narealize ko na mukha na pala akong baliw at tinignan ko ang mukha ni mira. Aba! Hayup! Nung hinigop yung sabaw tapos kumanta ng asim kilig, Nagmukhang sugpo ang bruha. Anong akala niya, Maganda siya sa ginagawa niya?

"Knorr?"  Agad akong napatingin kay ate, Nakatayo na siya sa kinauupuan niya at nakita ko na hawak niya ang mga Knorr cubes sa kamay niya, Pero ang mas nakakahiya may magic sarap pang nasama sa hawak niya.

"Asim kilig~~" Sabay na kanta ulit nila. Ano ba 'tong mundong napasukan ko? 

------------------------------

SAKSAKAN NG CORNY! Sorry. Babawi nalang kami sa Chapter 4. HAHAHAHA. Vote & Comment! Thankyou! 

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon