Chapter 5

79 6 4
                                    

Tulad ng sabi ko, Hindi ko tatantanan si benj hanggang hindi niya pinapatunay saakin na siya yung lalaki sa painting. Tatlong araw ko siyang kinulit.

"Oh? Andito ka nanaman?! Tatanungin mo nanaman ako about sa painting?! ANG KULIT MO HA."  Saad niya, Andito kami sa canteen at hininto ko siya sa paglalakad niya habang hawak ang tray. 

" Oo. Eh ikaw nga ang makulit diyan eh. Ano na nga ikaw yung lalaki sa painting? Pwes ipatunay mo saakin." Banggit ko at nag crossed arms pako. " Fine. Fine. Abangan mo yung itetext ko sayo mamaya, Siguraduhin mong wala kang kasama or else, Pupugutan kita ng ulo." Saad niya at umalis na siya. 

Biglang lumapit saakin ang Negro kong kaklase na nerd habang hawak ang tray, Si Miel. Ang lalaking negrong dugong na nagahabol saakin, Okay lang sana eh, Pero pangit siya. Oo pangit siya. " Uhm, Julie. Hehe."  Kumamot siya sa ulo halata nag pagpawis niya, At tinaasan ko siya ng kilay. " Na--nabalitan ko kasi na mahilig ka daw sa bearbrand choco? So binilhan kita. Hehe sana magustuhan mo, Ako nagtimpla niyan." Saad nya habang inaabot saakin ang chocolate drink.

" At kanino mo naman nalaman yan?! Napaka stalker mo."  Saad ko. 

" Kay mira." Banggit niya. Psh napakadal-dal talaga ng bruhang panget nayun. Well, Si mira lagi niya kong pinagtutulak kay miel dahil alam niyang wala akong loveteam, Kung tutuusin mas bagay sila ni miel. Parehas silang mukhang talampakan.

" Ah, Julie ayaw moba? Ano ba gusto mo, Choco na gatas o Gatas na choco?" Tanong niya.

" AYOKO. AYOKO. AT MAS LALONG AYOKO ANG ISANG TULAD MO. ISANG CHOCO NA TAO O TAO NA CHOCO! HEH!"  Pag sigaw ko at nagsimula nakong lumayo papaalis sa kaniya. Ang sama ko ano? Ganito talaga pag-maganda. 

Buong hapon ako naka-abang sa cellphone ko, Hinihintay ko ang text ni Benj. pero kahit isa wala. Sinilip ko ulit ang cellphone ko hanggang sa narealize ko na wala palang sim. Hihihi, Nakalimutan ko ilagay yung sim ko, Lagi kasing nasa wallet ko yun, Eh wala naman akong ka-text kaya hindi ko nilalagay ang sim sa phone ko. Natatakot kasi akong manakaw ang phone ko kapag andoon ang sim, Kasi sa number ko may 69, Simula bata ako favorite number ko na'yan. Lucky number daw kasi nila mama at papa yan kaya syempre, Dahil mahal ko ang parents ko, Favorite number ko narin siya.

Nang ipasok ko na ang sim, Lumabas na ang message ni Benj. 15 minutes palang naman ang nakakalipas ng itext nya to saakin.

( Text Message:

From: Bh0sxz chRiim3 chiinHit0_19 (Benj)

mamayhUa s4 gYm nunG scul nt3n .... kiT4 tayuu.. baGu mag haTing g4b3ee ... p4 plUg nrIn t3nks mrami !!! )

Grabe, Bago mag hating gabi?! Hindi ko yata kaya yun. Pero ginusto ko'to, Paninindigan ko. Kung magpa sama kaya ako kay mira..

Flashback:" Fine. Fine. Abangan mo yung itetext ko sayo mamaya, Siguraduhin mong wala kang kasama or else, Pupugutan kita ng ulo." Saad niya at umalis na siya. 

Ay oo nga pala, Bawal. Huhuhu. Sige na, Inaamin ko na, Panget naman ako eh kaya walang mag tatangka gahasain ako -_- 

11:45 pm

Nandito ako ngayon sa Gym ng school namin. Medyo nakakatakot, Dahil wala ng tao at ang lawak lawak pa ng gym nato, Tapos ako lang ang nakaupo dito. 

"Hay nako. Ang tagal naman ng lalake nayun. Kinikilabutan na ako eh. Asan na bayun. Text ako ng text hindi naman nag rereply." Bulong ko at biglang nagvibrate ang phone ko kaya kitang kita ang malapad kong ngiti sa mukha.

( Text Message From: Global Warming 

You do not have enough load to complete this. )  Wala akong load?! Eh kaka load ko lang last year ha, Hindi ko pa nga ginagamit yung load ko na yun. Nag try ulit ako at nag text ako ng tatlong beses kay benj.

After 5 minutes.

( Text Message From: Global Warming 

You do not have enough load to complete this. Makulit? ) Argh! Asan na ba kasi ang benj nayun?! Nagulat ako ng biglang sumara ang mga ilaw sa gym.

"Hello?! May tao ba diyan ha?! Paki usap! May tao pa dito! Wag nyong patayin ang ilaw! Please."  Pag-sigaw ko sa gym, Pero walang sumagot, Tanging Liwanag lang ng bwan ang nag bigay ilaw sa gym nato mula sa bintana ng gym. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang 11:57 Pm na. Pero Wala pa siya.

Nabigla ako na may biglang gumulong na barbell papunta saakin kaya agad akong tumayo para tignan kung saan nang galing ito. At meron annamang mga barbell na gumulong papunta saakin. Tumatayo na ang mga balahibo ko sa takot. Pinaliligiran ako ng mga barbell ngayon, Aba, Iba na talaga ang kagandahan mo julie. Pati barbell pinag nanasaan ang mukha mo.

Sumapit na ang hating gabi ang 12:00. Pero kahit anino ni benj, Hindi ko makita. Nabigla ako ng biglang may naglabasan na usok sa gym. At biglang lumabas si Benj sa kadiliman. Napatulala ako sa ka gwapuhan niya, Pero nung nakaapak siya sa liwanang ng bwan sa gym, Bigla biglaang lumabas ang mga bling bling sa leeg nya pati narin ang shades at sumbrero niya. Bigla kong naalala ang dinrawing ko sa painting, Ganyan na ganyan nga ang itsura. Tama nga siya, Siya yung lalaki sa painting. Si Benjamin ang lalaki na nasa painting.

-------------------------

Hi Guys! Chapter 6? 10 more votes dito, Para sa chapter 6 ^_^ Nagmamakaawa kami HAHAHA.

Note: Inspired kami sa My girlfriend is a gumiho, Hindi namin ginaya yung isang author dyan na sinasabi na parehas daw? Eh hindi nga namin siya kilala. Lol. SO thankyou ito lang muna. :)

My Boyfriend is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon