After 10 years of searching for the right guy... Hahanapin mo parin ba siya kahit sampung taon na ang nakararaan?? At kung tinadhana nga talaga kayo para sa isa't isa, paano kung isang araw pinagtagpo kayo? Makikilala mo parin ba si Mr.Destiny??
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mapag-laro talaga ang tadhana noh?
May mga taong dadating sa buhay mo. Sila yung nakasama mong matagal nang panahon. Pero.. isang araw, nawala din sila.. Kumbaga, napadaan lang dapat, kaso medyo nagtagal lang ang stay?
Pero may tao din na, nakilala mo siya.. Oo, pero once lang. Nawala din 'to pero, pagkatapos ng ilang taon, magkikita muli kayo. Ang weird noh?
Bakit kaya ganon? Ang lakas ng impact sa'yo ng mga taong aalis din.. Iiwan ka. Masakit nga, hirap mag-move on. Pero ano nga ba ang inihanda sa'yo ni Mr.Destiny?
-----
Hi! Ako si Leanne Mendoza. Isa akong fresh graduate at naghahanap ng trabaho HRM ang course. 22 years old. Pero batang bata ang itsura! ^_^
Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Ako kasi oo.. Kasabay sa pag-hahanap ng trabaho, may hinahanap din akong lalaki. Classmate ko siya nung elementary. Pero after ng graduation, nag-transfer siya sa ibang school.
Ni-minsan sa buhay ko nung elementary, hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Oo, sabihin niyo nang maypagka-tanga ako, pero.. Nakakahiya kasi eh. At laging wrong timing. Umaalis kasi siya bigla kapag paparating ako.
Aaminin ko, crush ko siya nung grade 6. Ni-minsan hindi kami naging magkaklase. Pero katabi lang ng classroom ko ang classroom nila.
Napapansin ko sa kanya, mahiyain din. Laging mag-isa. At lagi siyang may dalang gitara. Minsan, narinig ko na din siyang tumugtog. Ang galing nga niya eh. Pero patago lang akong nakikinig. Baka kasi umalis agad siya eh.
It's been 10 years since graduation namin. Bago siya umalis nun, naglakas loob akong kuhanin ang telephone number niya. Nagulat nga siya nung lumapit ako bigla sa kanya eh. Binigay naman niya sa'kin agad. After nun, umalis na siya agad. Nilagay ko yung number niya sa loob ng bag ko.
Sa kamalasan nga naman ng buhay ko noon, naiwan ko yung bag ko sa loob ng jeep. Nagco-commute lang kasi ako noon. Napansin ko na lang na nawala yung bag ko nung naka-alis na yung jeep. Eh nandun pa naman yung number niya. Malas nga eh.
Kaya hindi ko alam kung saan siya hahanapin ngayon.. Sana man lang, magkaroon ng himala.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi! Ako si Lorrence Cruz. Fresh graduate lang. 22 years old na 'ko at naghahanap ng trabaho.
Magaling ako mag-gitara. Kaya Music and arts ang tinapos kong course. Habang naghahanap ako ng trabaho, may hinahanap din akong tao. Kaklase ko siya nung elementary.
Hindi ko alam ang pangalan niya pero tanda ko ang itsura niya. It's been 10 years since nung nagkita kami. Sa pagkakatanda ko, graduation namin yun. Hiningi niya yung telephone number ko. Binigay ko naman pero, walang tumatawag sa amin. Baka naman, mali yung nasulat ko doon o baka nakalimutan na niya akong tawagan.
Gusto ko siyang makita ulit. Kahit isang beses lang ulit. Aaminin ko, naging crush ko yun dati. Pero hanggang ngayon naman. Ninenerbyos ako pag lumalapit siya sakin. Di kasi ako socially active noon eh. Lalo pa kapag babae ang lumalapit sa'kin. Kaya tinatakbuhan ko siya. Nag-sisi nga ako hanggang ngayon eh.