Dedicated to : Nevermoretosmile
Ate! Habang under construction pa ang Crushlife (senior version) Ito muna! :)
God Bless po! And Happy Halloween! ~(-__-~)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Val, hindi ka pa ba uuwi? Mag-gagabi na oh.” Sabi ng kaibigan kong si Myra. “Hindi ko pa kasi tapos ‘tong book report ko eh. Pasahan na nito bukas.” sabi ko sa kanya habang tuloy ako sa pagsusulat.
“Sigurado ka? Sa bahay niyo na lang kaya tapusin yan? Malapit na magsara yung library.” Sabi ni Myra habang nag-aayos na ng gamit niya.
“Matatapos naman na rin ako eh. Sige na, mauna ka na. Kaunti na lang talaga, matatapos na ‘ko.” Thirty minutes na lang, eh magsasara na ‘tong library. Iilan na lang kami dito.
“O sige. Mauuna na ‘ko ha. Ingat ka sa pag-uwi.” Umalis na ng library si Myra. Limang minuto ang lumipas at isa isa nang umaalis ang mga estudyante sa library.
Napansin kong tatlo na lang kami dito. Ako, ang librarian at isang babae na nagbabasa sa dulong mesa ng library. Nang matapos ko ang book report ko. Ibinalik ko ang mga librong hiniram ko.
Tinitigan kong mabuti yung babaeng nagbabasa, hindi siya gumagalaw. Simula noong dumating ako dito sa library, ganyang ganyan ang itsura niya, hindi nagbago.
Inisip ko naman, baka siguro nakatulog siya. Habang nagbabasa. Nilapitan ko naman yung librarian para malaman niya na may tao pa sa library bago niya isara ito.
“Miss, meron pa pong tao dito. May babae pong nagbabasa doon.” Halatang takang-taka yung librarian sa mga sinasabi ko.
“Eh, Miss. Umuwi ka na. Baka pagod lang yan sa kaka-aral mo. Wala naman akong nakikitang ibang tao pa dito, kung hindi tayo lang.” Pairitang sabi ng librarian.
“Miss, meron po talaga. Doon sa dulong mesa. Nakayuko po siya. Pero may libro sa ilalim ng ulo niya.” Medyo natatakot na ‘ko ngayon. Hindi ko alam kung ginu-good time lang ako nitong librarian na ‘to.
Pumunta ang librarian sa tinuro ko kung nasaan yung babae. Pero, pagpunta niya doon.. Biglang itong nawala. Kinilabutan na ako.
Bumalik sa counter yung librarian. “Miss, sigurado ako, pagod lang ‘yan. Umuwi ka na. Magsi-CR lang ako.” Umalis na siya at dumiretso sa CR.
Hindi ako mapakali kaya sinilip kong muli ang babae. Limang hakbang na lamang ang layo ko mula sa kinauupuan ng babae kanina. Tumayo lahat ng balahibo ko at hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko.
“Valmira…” isang bulong na halos mahimatay ako ng marinig. “Aaaaaaaaah!!” napaupo ako at niyakap ang tuhod ko.
“Valmira…Valmira...Valmira…” paulit ulit kong naririnig ang mga bulong na iyan. Pagmulat ko ng mata, halos maiyak ako sa nakita ko. Pagkasilip ko sa harap ko, nakita ko ang mukha ng batang babae.
Umiiyak siya. Humihingi ng tulong sa’kin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya, dahil sa halo halong kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.
“Ano ba kailangan mo?” Lumakas ang hangin , nagsi-bagsakan ang mga libro mula sa salansanan, at namatay lahat ng ilaw.
Unti unting lumalapit ang babae sa’kin. Hindi ko na kinaya kaya, nagdasal ako. “I Believe in God the Father Almighty, Creator of Heaven and Earth….” Nang sabihin ko ang mga katagang iyon, tumigil ang hangin at ang mga libro lalo na ang pag-lapit sa’kin ng babae.
Naramdaman kong kumalma ang paligid. Kaya tumayo ako at nagmasid. Nakita kong muli ang babae, na nakatayo sa may bintana at nakatingin sa’kin. Itinaas niya ang kanang kamay niya at waring nag-papaalam sa’kin.
Nawala siya sa paningin ko at bumukas na lahat ng ilaw sa silid-aklatan. Hinimatay na ako doon at paggising ko, umaga na. Nasa clinic ako ng university. Nakita ko si Myra at ang librarian sa tabi ng kama.
“Myra?” umupo ako mula sa pagkakahiga. “Val, nakita ka na lang ni Miss Laroza na naka-himlay sa sahig sa Library. Ano ba nangyari?” tanong sa’kin ni Myra.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Myra ang mga nangyari noong gabing iyon. Baka hindi nila ako paniwalaan.
“Hindi ko maalala.” Sabi ko. “Valmira, nakita na lang kitang naka-bulagta sa sahig kagabi, pagkabalik ko. Basang basa ka ng pawis at naka-kalat ang mga libro. Kaya dinala kita dito sa clinic.” Sabi naman ng librarian.
“Wala po talaga akong maalala.” Umiling ako. “Sabi ko naman sa’yo, sa bahay niyo na tapusin yung book report mo eh. Hayaan mo, tinawagan ko na sila tita at pinaalam ko na nandito ka. Papunta na sila dito. Sinabi ko na din sa mga professor mo na excuse ka ngayong araw.” Sabi ni Myra.
“Salamat My. “ pagkatapos naman non, lumabas si Myra para pumasok sa klase niya. Naiwan naman sa kwarto si Ms.Laroza.
“Anak.. Huwag mo nang itago pa. Alam kong naalala mo ang lahat ng nangyari sa’yo kagabi.” Biglang nagsalita ang librarian.
“Alam niyo po bang may nagmumulto doon sa library?” “Oo..” Ikinagulat ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, nakita niya talaga ang babae kagabi. “Bakit hindi niyo ho sinabi?” Inis kong sabi. “Dahil, ayoko nang takutin ka pa. Tsaka, ang inakala ko kagabi, noong pagpunta ko sa CR, ay umuwi ka na.”
“Matagal na ho ba siya doon?” mausisa kong pagtatanong. “Oo.. Matagal na iyon. Hindi ko na lang siya pinapansin. Kaya hindi ko na rin binigyan pansin pa yung tanong mo kagabi.”
“Kaya po nagbagsakan ang mga libro doon, kasi po habang papalapit sa’kin yung babae, lumalakas ang hangin. Hindi ko na ho alam kung ano ang gagawin ko noon, kaya nagdasal ako.”
“Tama lang ang ginawa mo. Pero sa susunod. Wag ka nang magtatagal pa hanggang gabi sa library.” Tumango na lamang ako sa sinabi niya
“O Sya. Babalik na ako dun. Magtatrabaho pa ko. Hintayin mo na lang ang nanay mo ha.” Sabay labas ng pinto ng librarian.
Humiga ulit ako at tinitigan ang kisame. Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga pangyayari kagabi. Hindi ito mawala-wala. Lumipat ako ng pagkakahiga. Humiga ako sa kanan gilid ko
Paglipas ng ilang minuto. May narinig akong nagbukas ng pinto. Ang inakala ko, pumasok lang ang nurse. Naghintay ako ng ingay pero wala ni-isang kaluskos sa kwarto.
Pagka-harap ko sa aking kaliwa…
Nakita ko na naman ang babaeng bumabagabag sa isip ko, naka-higa sa tabi ko. “Valmira.” Bulong nito. Bumilis ang pintig ng puso ko. At hindi na rin ako makahinga. Kaya ang nagawa ko na lang ay sumigaw.
“Aaaaaaaaaaaah~”
---------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hindi naman ako mahilig sa line na "Aaaaaaaaah~" Noh?
Hindi talaga ko marunong sa Horror na genre. Nako! Anyway, salamat sa mga magbabasa! Last na siguro to for this night. :)) Siningit ko lang to. Basahin niyo na rin. Hahaha!
Happy Halloween Guys and Gals! ~(-____-~) (~-____-)~
K P O P G I R L 1 2 :)
102812
