Admirer or Stalker?

79 6 1
                                    

ANNE'S POV

"Anne! Tara na, umuwi na tayo!" sabi ni Friend Joan.

"Aga pa." sagot ko

"Anong maaga pa? Hello?! 5:30 na ho. Lulubog na araw oh."

"Oo na, oo na, saglit lang. Hahanapin ko lang si Marj."

Mula sa pagkakaupo sa bench, pumunta kami sa Auditorium at pinuntahan si Marjorine.

"Paging Marjorine Dela Peña." sigaw ko.

"Problema Anne?" - Marj

"Nag-aaya na umuwi si Joan. Tara na."

"Eh may practice pa kami sa Speech Choir. Mamaya pa ko uuwi."

"Ayyy! Sige fine. Una na kami."

"K." -Marj

Lumabas na kami ng Audi, at umuwi na.

Sa kalsada...

"Oi! Iron woman, congrats nga pala, pasok daw kayo sa finals!" ako

Bakit Iron woman? Long story. Basta related sa plantsa.

"Tenchu. Kayo? Nakapasok kayo?"

"Ewan ko sa kanila, hindi ata eh."

"Kasi, sipag-sipag sumali sa speech choir. Sayang din points dun noh."

"Eh. Magmumukha lang akong tanga dun."

"Tssss.... Arte."

"Well!"

JOAN'S POV

Habang nasa daan, asaran lang kami ng asaran hanggang sa may lumapit saming dalawang lalaki at isang babae. Mukhang mga 4th year eh.

Nakayuko si Anne, habang may naka saksak na earphones at may dala siyang file case.

"Hahah! Hoy Anne Hahaha! Pikon ka talaga!" - ako

"Whatever."

"Hahahaha!"

Medyo nauna maglakad si Anne. Nang may biglang humarang sa harap niya.

"Miss.. Will you accept my heart?" habang nakaluhod, sabay abot ng isang malaking bouquet of flowers sakanya.

(*0*) nganga 'ko eh, samantalang si Anne ay...

(-__-) POKER FACE

"A-Anne?" bulong ko

Nakatingin naman sa'min lahat ng mga taong naglalakad doon. Nakakahiya naman to! Pero ang sweet. Di kaya, schoolmate to.ni Anne dati?

Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at iniwang naka luhod sa kalsada yung lalaki.

Sayang, may itsura pa naman yung lalaki. Hinabol ko si Anne.

"Anne! Huy! Ano nangyari dun?"

"Huh? Aba, malay ko. Di ko naman kilala yun eh."

"Ows? Akala ko naman kakilala mo. Ano yun, isang malaking trip?"

"Siguro. Pero tanginuuuuuuuuh. Di ko naman ina-ano eh. Sa dinadaming tao dun, ako pa! Langyuuuh."

"Hahaha! Havaaaaa ng hair! Pagupit nga!"

"Tse! Tara na nga, mamaya habulin pa tayo nun."

"Hahaha! Pero grabe ka Anne! Ako nga gulat na gulat eh, samantalang ikaw, poker face lang."

"Eh naka earphones ako eh. Tsaka nung una, akala ko magtatali lang ng sapatos."

"Pwahahahahahaha! Abno ka Anne."

"Heh! Tara na! Nagugutom na ko."

"May itsura pa naman yung lalaki."

"Sus, tatanggapin ko lang yung bouquet na yun kung siya si Adam Levine."

"AB-Normal."

At ayun! Dun na natapos yung napaka weirdong araw namin.

Kung ikaw ang magagawan ng ganon... Ano gagawin niyo?

Hahahahahaha!!!!! :D

----------------------------------------------------------------------------------------------------

© K P O P G I R L 1 2 :)

12-04-12

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon