Mag-Ingat Kayo

79 5 0
                                    

"Bespren! May bagyo ba?" tanong sakin ni Popoy. Nandito kami ngayon sa terminal ng jeep sa Baguio.

Pagabi na, pauwi na sana kami ng Maynila nang salubungin kami ng malakas na ulan.

"Bespren! Bukas na ng umaga na lang kaya tayo lumuwas? Hindi tayo makakababa ng Baguio nito." Sabi ko.

"Eh Basha. Mami-miss natin ang flight natin papuntang Palawan." Sagot ni Popoy. "Poy, ano gusto mo, mamatay ng maaga o dito tayo magpapalipas ng gabi?

"Basha naman. Mamamatay agad?”

"Oo.. Makapal ang ulap, madulas ang daan, at lubak lubak pa. Isa pa, jeep lang ho ang sasakyan natin. Sa tingin mo makakababa tayo ng Baguio nito ng buhay?" 

"Tch. Sige na nga.. Saan naman tayo magpapalipas dito?" habang pinagmasdan niya ang paligid."Magtanong kaya tayo noh." Pairita kong sabi.

Nagtanong kami sa mga taong kasama namin sa terminal. Pero ni-isa sa kanila walang sa irekomendang malapit na hotel.

Kaya napalayo kami ng kaunti mula sa terminal at may nahanap kaming dalagang babae na mapapag tanungan.

"Miss may alam ka bang malapit na hotel dito sa terminal?" tanong naming sa dalaga.

"Ah..Opo. Tutal dun naman din po ang punta ko, sabay na po tayo." Nagsimulang maglakad ang babae, kaya sinundan naming ito.

Di kalayuan ang hotel na pinuntahan namin. Nagmasid kami sa paligid at napasin ko na, parang ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ‘to.

“Um, Ate. Ano ho pangalan niyo?” tanong ni Popoy.  “Beth po, kayo ho?” tanong ng dalaga.

“Ako si Popoy siya si Basha.” Turo sa’kin ni Poy.

“Mauuna na ho ako. Mag-iingat po kayo dito.” Pagkatapos sabihin yun ni Beth. Paglingon naming sa kanya. Bigla na lang siya nawala.

“Basha.. Na-nasaan na yung babae?” sabay dikit naman sakin ni Popoy na parang isang takot na bata.

“Popoy! Umayos ka nga! Malamang, umalis na siya. Hello! Magpapahinga din yung tao.”

“Tao nga ba yun Bash?” pinalo ko naman si Popoy dahil sa mga kalokohang sinasabi niya. Pumunta na kami sa kwarto na ibinigay sa’min.

“Basha, bakit parang tatlo lang ang natira dito sa hotel? Haunted ba ‘to?” Dahil masyadong matanong si Popoy, nahiga agad ako sa kama at natulog.

Lumipas ang oras at nagising ako ng madaling araw. Pagtingin ko sa relo ko, saktong alas-tres na ng madaling araw.

Ginising ko si Popoy at nag-ayos na kami ng gamit para maka-luwas na ng Baguio. Magbabayad na sana kami sa may-ari ng hotel.

“Hello? Tao po?” katok ni Popoy sa pintuan ng kwarto ng may-ari. “Poy, baka naman tulog pa.” sabi ko sa kanya.

“Paano tayo makaka-alis dito Bash? Alangan naman na hindi tayo magbayad? Mas lalong magalit pa to.” Patuloy parin sa pagkatok si Popoy.

Bumukas ang pinto ng kwarto ng may-ari pero tumambad sa amin ang dalaga na si Beth. May hawak hawak siyang bagay sa likod niya at may sinabi siya samin.

“Mag-ingat po kayo.” Pagkatapos noon, tumakbo na siya palabas ng hotel. “Bash!!! Sabi ko sa’yo, kakaiba siya eh! Alis na tayo dito!”

“Magbayad muna tayo.” Pumasok kami sa loob ng kwarto ng may-ari. Hinanap naming siya pero wala kaming nakita. Isang parte na lang ang hindi naming napupuntahan. Ang banyo ng kwarto niya.

Habang hinalughog ang kwarto ng may-ari. Pumunta ako sa kwarto nito at si Popoy ay dumiretso sa banyo.

“Bashaaaaaaaaa!!” Nabitawan ko ang hawak kong mga gamit at dumiretso sa banyo kung nasaan si Popoy.

“Poy! Bakit? Ano---“ Hindi ako agad naka-imik sa nakita ko. Nakalambitin sa kisame ang katawan ng may-ari. At may nakadikit na sulat na ang nakalagay ay … “Mag-ingat po kayo.”

“Basha.. Tara na!” Kumaripas kami ng takbo hanggang sa nakarating kami sa terminal ng jeep. Nakasakay naman agad kami.

“Ba-Bash..” Nanginginig parin kami sa mga pangyayari. Kaya naman, nangako kami sa isa’t isa, na hindi na kami babalik sa lugar na iyon. Kahit kailan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Okaaaay. Ayoko na gumawa ng horror story. Last na to. Goosh! Kahit alam kong medyo corny yung ibang story, ako natatakot dito eh. ~(-___-)~

Last na to. I hope. Si Popoy at si Basha. I lololove One More Chance. :">

Matutulog na ko. KBye. 

K P O P G I R L 1 2 

102912

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon