My Childhood Sweetheart

79 4 0
                                    

Cassadee's POV

Habang na sa school, nakaupo kami ni Tri sa damuhan.

"Ui Cassy, natatakot na ko sayo, kanina ka pa ngumingiti mag-isa jan." sabi ni Dimitri, ang close guy friend ko.

"Eh kasi Tri, wala lang."

"Langya to. Sabihin mo na."

"Eh kasi, nagbubuklat ako ng mga gamit ko sa kwarto ko kagabi, tapos may napulot akong picture tapos nakalagay sa likod nun "My one and only future lifetime partner" kababata ko ata eh. Pero hindi ko na matandaan kung sino siya."

"Psh."

"Tsaka, siguro kasama niya ko dun sa picture. Punit kasi yung other half eh."

"Oh tapos? Dahil dun kinikilig ka na?"

"Grabe, OA mo. Hindi ako kinikilig, natutuwa lang ako sa sarili ko kasi may ganon pala akong ka-echosan dati. Hahahahaha!"

"Alam mo tawag sayo?"

"Ano?"

"Baliw. Patingin nga ng picture."

"Ayaw! Bleh!" :p

"So immature wifey."

"So what, hubby? Selos ka na nyan?"

Ganyan minsan tawagan namin. Pero hindi kami ha! Close lang talaga kami. Lambingan lang namin yan.

"Ugh, ba't ako magseselos? Tsaka baka mamaya pagtingin ko sa picture, hindi worth pag-selosan."

"Sus, baka pag nakita mo yung picture, mabading ka. Pogi kaya."

"Walang tatalo sa kapogian ko wifey."

"Hindi ah. Walang tatalo sa alaska, pero sa kapogian mo, meron!"

"Korny mo wifey. Halikan kita jan eh." bigla naman niyang nilapit mukha niya sakin.

"Subukan mo, kutos aabutin mo sakin." umakto pa ko ng kukutusan siya

"Okay lang. Basta ba, galing sayo eh."

"Yucky ka Hubby."

"Hahaha! Pumasok na nga tayo. Baka pagalitan pa tayo ni Binibining Prof."

"Tagal mo nang prof, di parin memorize ang pangalan." tumayo na kami.

"Syempre, yung sayo lang ang memoryado ko eh." inakbayan naman niya ko.

"Paano pangalan ni Tita?" (mother niya)

"Syempre pati yun. Wala akong palag dun."

After that, pumasok na kami sa kanya kanyang klase at tumagal hanggang sa mag hapon na.

Dimitri's POV

Haaay... Sa totoo lang, umaapaw na ko dito dahil sa selos. Ang korny ko talaga pagdating kay Cassy. Dati kasi, nung 4th year high school kami, bago mag graduation, nag-confess ako ng feelings ko sa kanya.

Di naman niya ko ni-reject pero hindi rin niya ko sinagot. Instead, sabi niya "Sasabihin ko ang hinihintay mong sagot ko kung makakapag hintay ka pa after college."

Kahit kailan pa, hihintayin ko siya. Marinig ko lang ang matamis niyang OO. Korny noh? Basta yun. Kaya ngayong 5th year college na kami, hindi parin nagbabago yun. Kaya naman ang swerte ko na may endearment kami sa isa't isa.

Ngayon, kailangan kong makita yung picture na yun. Pagmu-mumurahin ko, hehe joke lang. Pero hahanapin ko talaga yun.

Sa Library...

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon