Bangungot

98 7 3
                                    

Dedicated to: Kpurple08

Heartstrings!! Super Duper Thank you para dito! Credits all to you! :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Kumusta ka na?” nagising ako sa isang pamilyar na boses na matagal ko ng gustong marinig. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, lumingon ako kung saan nanggaling ang boses.

Paglingon ko, agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa dulo ng kama. Pamilyar siya sa’kin.

“Sino ka?” tanong ko. Ang lalaking matagal ko ng hindi nakikita. Ang lalaking mahal ko.

“Huwag mong itanong sa akin yan, Mei. Alam kong kilala mo kung sino ako.” pahayag niya. Kung ganon, di nga ako nagkakamali. Siya nga yun.

“Anong..anong ginagawa mo dito? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita?” tanong ko sa kanya.

“Para sunduin ka na.” sabi nya. Tumayo siya pero nakatalikod pa rin siya sa akin.

“Ano bang sinasabi mo diyan, Mark? Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Masyado ka pa rin matanong. Wag kang mag-alala, pupunta tayo kung saan hindi na tayo maghihiwalay.”

Nakaramdam na ako ng takot.  “Pero..hindi ako maaaring sumama sa iyo.” Pahayag ko sa kanya ngunit nagulat ako nang bigla nalang nagbago ang tono ng kanyang pananalita.

“Hindi maaari! Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. Mas lalo akong nagulat noong nabasag ang salamin sa kwarto ko. May malakas na hangin akong naramdaman dahilan na rin ng pagbagsak ng mga bagay sa kwarto ko.

“Hindi ako pwedeng sumama sa’yo. Ayoko! Ayoko!” sigaw ko pabalik sa kanya.

“Hindi maaari!! Sasama ka!! Akin ka lang!!” at ngayon, binalutan ako ng matinding takot ng humarap siya sa akin. Sunog na mukha pati katawan.

“A-anong.... Ayoko! Demonyo ka! Lumayo ka sa akin!!” tumakbo ako papunta sa pinto upang lumbas na sa kwarto ko ngunit hindi ko ito mabuksan at alam ko kung sino lang ang may kagagawan nito. Walang iba kung hindi ang demonyo sa harap ko ngayon.

“Hindi ka makakalayo sa akin. Magsasama tayo. Isasama kita saan man ako magpunta.” naglakad siya palapit sa akin. Hindi na rin ako makatakbo sa sobrang takot na bumabalot sa akin. Ang alam ko lang, napakalapit na ng mukha niya sa akin.

Natatakot ako. Naiiyak na ako sa sobrang takot. Sana ito’y isang bangungot lamang. Sana ay hindi ko na hiniling na muli pa kaming magkita.

“Wag kang matakot Mei. Nandito na ako. Mahal mo pa rin naman ako diba? Sumama ka na sa akin.”

“Hindi! Ayoko..ayokong sumama sa’yo! Alam ko hindi na ikaw ‘yan! Hindi na ikaw ang Mark na kilala ko!” nakaalis ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. Ang mga hawak niya. Ang init ng mga kamay niya. Tila ito’y nakakapaso.

Wala ng iba pang paraan para makatakas. Nakita ko ang bintana sa harap ko. Ito na lang ang natatanging paraan.

“Hindi!!! Mei!! Hinding-hindi mo ako matatakasan. Akin ka lang!!” iyan nalang ang mga katagang narinig ko bago ako makatalon mula sa bintana.

--

“Mei, anak. Buti naman at gising ka na.” pagmulat ko ng aking mga mata nakita ko ang isang puting kisame. Nasaan ako?

“Anak, alam mo bang sobra kaming nag-alala sa’yo?” lumingon ako at nakita ko si mama.

“Ano po bang nagyari, Ma?” tanong ko sa kanya. Ang alam ko lang, mayroon akong panaginip. Isang nakakatakot na bangungot.

“Nahulog ka sa hagdan, Mei. Marahil dahil na rin iyon sa pagod mo sa iyong trabaho.” napatango nalang ako sa sinabi ni Mama.

“Mei, lalabas muna ‘ko ha. Hahanapin ko lang yung doctor mo.” tumango ako. Tumingin ako sa bintana. Gabi na pala. Naaalala ko muli ang panaginip ko. Parang totoo.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Siguro nga at dahil lang iyon sa pagod sa trabaho.

May narinig akong ingay mula sa labas ng bintana. Tumayo ako at dumungaw doon.

Ano..ano itong nakikita ko? May apoy. Nakakarinig ako ng mga iyak. Natatakot ako… Pero mas kinatakot ko ang bumulagang mukha sa harapan ko.

“Akin ka lang, Mei! Hinding-hindi ka makakatakas sa akin!! Akin ka lang!!”

“Aaaaahhhh~”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Credits to my best friend! Kpurple08! 

Purely Fiction po itey mga people! Para ito sa Literature part ng aming newspaper eh. Since, halloween puro horror muna ang genre. :))))) First time to kaya, di ko sure kung matatakot kayo or ewan. Basta. Salamat na lang sa babasa nito! :))

K P O P G I R L 1 2

102812

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon