"Ariaaaaaanne!! Happy Birthday!!" bati ni Celest. Ang close friend ko.
"Salamat."
"Uii, what's with the gloomy aura girl? It's your 18th birthday." Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bench.
"Buti ka pa, naalala mo birthday ko."
"Ohmy. Don't tell me nakalimutan ni Charles?"
"Oo.. Kung sino pa best friend ko since birth, tsaka nakalimutan ang batiin ako."
"Ariane naman. Chill ka lang muna. Maaga pa. Baka naman humahanap lang yun ng good timing."
"Eh Celest. Nakita ko na siya kanina eh. Sabay nga kaming pumasok sa gate eh."
"Malay mo hindi ka napansin."
"Nagkatinginan nga kami eh. Pero iniwas niya agad yung tingin niya tapos nagtuloy tuloy na siya."
"Baka bad mood."
"Kilala ko yung lalaking yun eh. Kapag may problema or kahit kagalit ko yun, nag-uusap parin kami."
"Ay basta! Chill ka lang muna. Baka naman stressed out sa mga school works."
"Ewan.. Nakakainis nga siya eh. Di ko naman matandaan na may ginawa akong di kanais nais sa kanya."
"Basta. Wag muna mag jump-into-conclusions."
"-sigh-"
"Er..Um.. Ariane, papasok na ko sa klase ko ah."
"Sige. Salamat ulit ah."
"No probs!" at tumakbo na siya papunta sa classroom niya.
"Nakakainis ka talaga Bes! Nakalimutan mo ba na birthday ko?! At sa debut ko pa ha. Ugh!"
Pumasok na ko sa mga klase ko and still, ni-anino ni Charles, hindi ko nakikita.
Last period na. 5 minutes na lang uwian ko na.
"Ms. Lopez, I heard it's your day today." prof
"Uhh.." saan narinig ni mam?
"Happy Birthday Ariane." prof
"Er.. Thank you po."
Nagpunta ulit ako sa bench bago umuwi. Gawain ko to kapag mag-isa lang ako.
-sigh- Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko ng panyo. Di ko alam kung bakit pero, naiiyak ako. OA ako eh. Ikaw ba naman, isang importanteng tao ang hinihintay mong batiin ka sa pinaka hihintay mong araw pero ni-anino niya wala.
Narinig kong may mga lagaslas ng damo. Naramdaman kong may pumunta sa likod ko at...
"Ahhh---" May nagblindfold sakin at tinakpan ang bibig ko.
Hindi ko alam kung dinapuan ng malas ang debut ko. Naiiyak ako dahil hindi ako makawala sa mga tao sa likod ko.
Lumalakad lang kami ng lumakad hanggang sa huminto kami.
Pina-upo ako sa may damuhan. Mahangin at tahimik ang lugar. Unti unting tinanggal nung nasa likod ko ang blindfold.
Narinig kong tumunog ang Main Clock ng University. Ibig sabihin 18:00 na at hindi kalayuan ang pinagdalhan sakin.
Pagkabukas ng mata ko. Tumambad sakin ang hinding hindi kong inasahang mangyari.
Nakita ko si Charles sa harap ko, at ang mga kaklase namin.
Naghanda sila para sakin.
Napaluha ako sa harap ng mga tao. Nakita ko din si Celestine. Kasabwat pala siya dito.
"Oh Bes. Ba't ka umiiyak?" itinayo niya ako.
"Bes naman eh. Di ko to ineexpect." tumutulo parin ang luha ko.
"Bes. Sabi nga nila, expect the unexpected."
"Kasi naman, di mo ko pinansin kaninang umaga. Ni-anino mo, di ko nakita kanina. Akala ko nakalimutan mo na birthday ko. Debut ko pa naman."
"Ang pinaka-importanteng araw sa buong buhay mo, makakalimutan ko? Seriously Arianne?"
"Pang best actor ka kasi Bes eh."
"Hahaha! Pero.. Bes. May gusto akong sabihin sayo eh."
"Ano yun?"
*Woooooooh*
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at nagsisisigaw. Bakit?
Sa hindi ko na naman inaasahang mangyari.. Lumuhod sa harap ko si Charles at inabutan ako ng rosas.
"Ch-Charles?" habang ako'y gulat na gulat pa.
"Arianne Lopez.. Since the day we've met, when we were still kids. I already planned my future with you. So I think I can't move on with my life without you. We've known each other for like 15 years now. And I think no one here knows you more than I do. Mahal na mahal kita Bes! More than just a best friend. I waited so long for this moment to happen. Hinintay talaga kita mag-18, cuz' that's what Tita Ara said. Hinintay ko na lang na makatapos tayo. Papasakasalan kita kahit ilang beses at kahit saang simbahan pa. Mahal na mahal kita. Gihihgugma namo Arianne! I love you!!! Will you be my girlfriend?"
Nanaginip ba 'ko? Kung oo, ayoko na magising pa.
"Charles Villaran. Yes. I will be your girlfriend!!!"
"Whoah?! Se-seryosong sagot yan bes?"
Tumango ako habang ngiting-ngiti.
"I love you Arianne!!!" niyakap niya ko at binuhat.
"Hahahaha!! I love you too Charles!!"
Magkadikit na ang mga noo namin at palapit na ang mga labi namin sa isa't isa... My first kiss... In 5...4...3...2...---
"Hep hep hep!! Mamaya na yan! Kain muna mga fre!" Celestine at Lemuel.
Ito talagang dalawang to. Love birds din tong dalawa eh. Hahaha! Kaso, torpe yung lalaki. Yung babae, torete. Kaya nganga silang dalawa for the meantime..
Nagtawanan kaming lahat at sa wakas. Naging kami na nga. Kami na ng Bespren ko. Ang pinaka mamahal kong bespren!
--------------------------------
© K P O P G I R L 1 2 :)
103012
