My Fixed Best Friend

108 6 0
                                    

Jamila's POV

"Huy babae! Kanina pa kita hinahanap ah! Langya, nandito ka lang pala sa bench." Val short for Valmira

"Bakit ba? Nakita mong nagsesenti yung tao dito eh." ako at oo nagpapakaloner ako.

Nandito kami ngayon sa bench, wala kasing pumapasok na teachers kaya lumabas muna ko ng classroom para magpahangin at magmuni muni.

"Gaga! May nalalaman ka pang senti senti jan eh. Iniisip mo lang naman si Brent."

"Masama ba?"

"Napaka mo kasi eh. Nako! Kung ako sayo mag move on ka na kay Brent. May girlfriend na siya Jam."

Umupo siya sa tabi ko.

"Wow ha, move on? Naging kami ba?"

"Tsss... Alam kong alam mo ang ibig sabihin ko."

"Oo na. Pero kasi di ako tulad mo na madaling makapag move on. Eh yung sayo nga boyfriend na eh. Ano pa kaya ako? Na nagkaka crush lang?"

"Well, alam mo naman charisma ko. Parang signal ng cellphone."

"Huh?"

"Kasi, it can't be reached."

"Walangya ka Val! Tumahimik ka na nga lang kung ayaw mo umalis. Ang peaceful peaceful ko kanina dito eh."

"Suus. Ay! by the way! Naalala ko na yung pinunta ko dito."

"Ano yun?"

"Since it's February na, your month, alam mo namang malapit na ang valentines day diba."

"Di ako pinanganak kahapon."

"Anyway, ibig sabihin nun, bago mag valentines party, darating ang fashion week."

"Bakit mo ba sinasabi sakin to?"

"Eh kasi, narinig ko kanina sa usapan ng mga teachers sa faculty na pagsasamahin na daw ang Valentines and Fashion week. Which means, sa modeling meron ka nang partner."

"Teka!! Anong partner ko? Sino ba may sabing sasali ulit ako?"

"Ako. Ako manager mo eh."

"Kailan pa?"

"Ngayon lang...."

Nagmo-modeling talaga ako, every year yun. Pero ngayong taon, ayoko muna. Pass muna ko jan. Lalo na, na heartbroken ako.

"Psh.. Wala akong balak sumali jan."

"Sure ka?"

"Oo."

"Kahit sabihin ko pa na si Brent ang magiging ka-partner mo?"

"O- Whaaat!?!"

"Hah! Sabi na nga ba eh, basta Brent eh."

"Tss.. Ano naman kinalaman ni Brent sa Fashion Week?"

"Napili siya ng president ng Mapeh Club. Since may itsura naman si Brent."

"Tsk. Ayoko! Magkaroon pa kami ng issue eh."

"Wag mong sabihin na natatakot ka dun sa girlfriend niya?"

"Hindi noh! Sino ba siya para katakutan ko? Kahit di ko siya kilala. Ang ayoko lang eh, gulo. Peaceful na buhay ko Val, ayoko nang masira pa to."

"Ang layo na ng topic mo dude. Sabi ko lang naman na pwede mo siya maging partner pag sumali ka sa Fashion Week eh."

"I was just foresighting."

"Suus, exage ka naman masyado mag-predict."

"Pwede mangyari yun noh, lalo na ngayon. Masyadong malisyoso yung mga kaklase natin. Madaling gumawa ng issue."

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon