Chapter 1 (Girl On Fire)

25.5K 401 24
                                    

Chapter 1 (Girl on fire)

Fern's POV

"This girl is on fire!" napiyok ako nang kantahin ang parte ng kanta.

"Cut!" sigaw ng Director na ikinagulat ko.

Lumapit si direk sa akin na nanlilisik ang mga mata, may dalang folder na nakatupi at ibinatok niya ito sa akin. Napakapit naman ako sa ulo ko, bruhilyang bakla ito! kanina pa niya ginagawa sa akin yan eh!

"Extra extra ka na lang nga, hindi mo pa magawa ng maayos? Okay! you're fired!" Sabi niya sabay talikod sa akin, humarap naman ako sa kanya atsaka lumuhod.

"Parang awa niyo na, last na ito! Gagalingan ko na ang pagkanta! Promise!" pakiusap ko habang nakaluhod.

"Hindi! Hahanap na lang ako ng iba pang extra na magaling kumanta! makaka-alis ka na! chupe!" Pagtataboy niya sa akin. Ang atensyon naman ng lahat ay nasa amin. Ilang beses ba ako mapahiya para makakuha lang ng magandang oportunidad?

"Okay, magsimula ulit" Aniya sa lahat ng staffs na para bang walang nangyari.

"Friend, better luck next time." Ani ng isang kasama kong extra rin. Hindi ko naman nagustuhan ang pag kokomporta niya sa akin, kinikilabutan ako sa ngiti niya. Te, wish you luck din sana sumikat ka sa ka i-extra. Magiging taong bangkay ka sana sa susunod na pag ganap mo sa ibang pelikula.

Kinuha ko na ang mga gamit ko atsaka umalis, pero bago ako tumalikod sa kanila'y may binulong ako sa direktor na sinungitan ako kanina.

"Isusumpa ko! Hindi magiging box office hit itong pelikula mo, walang manunood!" Atsaka ako tumawa na para bang isang dakilang kontrabida ni Cardo Dalisay.

"This girl is already fired!" Pasigaw kong kanta, nagpaparinig. Aalis na nga lang ako, hindi pa ako nakakaganti? Aba'y walang taong bumabato ng matigas na bato na binabato nang pabalik ng malambot na tinapay. Naramdaman ko ang pag tama ng isang softdrink can sa aking paa, hindi ko na pinuna iyon at umalis na ng tuluyan.

Ako si Fern Jade Tricco. Kasalukuyang nag aaral sa Notre Dame University sa Quezon City. Wala na akong mga magulang, namatay sila noong sampung taong gulang pa lamang ako sa isang Aksidente. Kaya ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. May binilin ang mga magulang ko ng kaunting halaga bago sila namatay at property nasa pansamantalang kustudiya ang mga ito sa isang kamag anak ko at hindi ko alam paano mababawi. Kaya eto ako, kayod kalabaw.

Unang raket ko ay pagiging double artist. Yun yung pag ang artista sasampalin, eh, ihihinto muna at palit kayo sa pwesto ng artista at pagka flash ng camera, ay ikaw na ang masasampal. Hindi lang sampalan, pupwede ring sabunutan, bugbugan, suntukan, kaya nga tinitiis ko 'yon para lang magkapera, pero sa huli bumitaw ako. 'Yong huli kong subok kasi tatalon ako mula sa mataas na palapag nang nakatali ang dalawa kong kamay at paa. Naiyak ako noon kaya kinabukasan nagtago ako at di na bumalik sa set.

Pangalawang raket ay ang pagiging stunt man. Pinagaralan ko pa yung taekwondo at karate para lang rito! Pero hindi rin ako nagtagal, bukod sa maliit lang ang sahod, bugbog sarado ka pa.

At ang pangatlo at pinakahuli, eto na sana yung permanent job ko kaso tinanggal ako nang direktor. Eh hindi nga dapat siya ang may karapatan na sumesante sa akin, pero parang napikon na yung staff kanina sa akin. Hindi kasi nila sinabing ganito klaseng kanta ang kakantahin ko, ang sabi'y kakanta lang daw ako doon sa likod ng mga artistang uma-acting edi sana napakaghanda ako.

Kung tatanungin niyo kung bakit ganitong trabaho ang pinasukan ko at hindi ang pagiging katulong, baby sitter, waitress, janitress, etc. Ang totoo niyan ay gusto ko sanang mapansin ako ng lalakeng pinakamamahal ko na nagtatrabaho ngayon sa nasabing indutriya.

NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon