Chapter 2 (Meet Mr. Worst)
Ace Alden Park's POV
"Dance! I want you to dance!! Dance!"
Pakiusap ng walang hiyang, walang galang na batang ito. Ilang beses ko ba sabihing ayaw kong sumayaw, Damnit! Bakit kasi sa akin to iniwan ng napakagandang kapatid ko. Kaya ayaw ko ng mga bata. Sakit ng ulo! Napunta sa akin ang unanong ito dahil pumunta ang mga magulang neto sa ibang bansa para mag honeymoon at yung baby sitter nito nag date sa syota niyang walang ligo.
Napagkamalan rin kami ng magnanakaw ng babaeng mukhang paa kanina dahil sa makati ang kamay ng batang ito. Bumaba lang ako para bumili ng Ice Cream tapos pagbalik ko, nasa sasakyan nga 'yong bata na may dala namang bag na ewan ko kung kanino. nakuha niya daw doon sa waiting shed.
"Quiet! I will sell you to old man if you insist. Go to sleep!" pagdidisiplina kong pasigaw sa batang kanina pa talon nang talon dahil gusto akong pasayawin. Tumahimik naman siya at pagkatapos ay umiyak. Oh, holy god. Kaya naman ay tinawag ko 'yong isang katulong.
"Marda!" pasigaw kong ani. Nakadamit siyang katulong na sobrang ikli nang pumasok at lumapit. May nakikita na akong maitim na kutis sa ilalim ng saya.
"Uh, yes sir?" halatang pinilit iyang paakitin ang boses niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Patulugin mo ito, kung ayaw mong papatulugin ko ang buhay mo." Nababadtrip kong sabi. Biglang nanlaki ang mata niya marahil ay sa akot atsaka siya lumapit sa bata. pero 'yong bata ayaw sa kanya pero alam niyang wala siyang magagawa. Ano gusto kong gawin niya ay dapat ginagawa niya. Narinig ko pa siyang bumulong sa sarili niya bago ako lumabas ng kwarto.
"Okay lang sana patulugin moa ng buhay ko sir basta ba'y katabi kita."
Pumasok ako sa kwarto at nanood ng palabas. Maya maya biglang tumunog ang akin telepono. Sinubukan kong abutin ito gamit ang aking paa pero hindi ako nagtagumpay. Inis akong tumayo at hinablot ito.
"Hindi ba uso ang hello, mahal na kaibigan?" ani ng kaibigan kong si Froze sa kabilang linya.
"Tang*na naman, ano ba kailangan mo?" sagot ko sa kanya.
"Want to hang out?"
"Para saan?"
"Let's celebrate! Nanalo ang Miami heat bro!"
"'Yon lang ba?"
"Bakit ayaw mo? Takot ka ba sa pustahan? G*gong to, narinig ko pa siyang nag smirk.
"Sira ba 'yang utak mo, ba't ako matatakot. Pupul ka."
"Good, so Im hangi-----"
Inunahan ko na siyang ibaba ang phone. Isa sa mga ayaw ko na inu-unahan akong binababaan ng telepono. Sakay ng Mercedes benz nakarating agad ako sa bar na tinatambayan namin. Pagpasok ko may narinig akong bulungan at kaunting tilian ng mga babae.
Sa lahat ng ayaw ko ang mga tili ng babae. Nakakarindi. Dahil sa ingay ng mga nakaka isyuso, pinasara ko na 'tong bar at kami na lang ang natira ngayon.
"F*cker! Andaming chick kanina, ba't pina-alis mo!" pagmamaktol ng kaibigan kong babaero---si Vien.
"Tsk! andaming gago kanina! Ang sarap sanang mambugbog!" sabi naman ni Hermen na basagulero kong kaibigan.
"Nagsasaya ang tao dito, pinaalis mo na lang basta basta" kalmadong sabi ni Owen, ang pinakatahimik kong kaibigan.
"Di na kayo nasanay sa kaibigan natin." tawang sabi ni Froze.
![](https://img.wattpad.com/cover/14522934-288-k9434.jpg)
BINABASA MO ANG
NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)
RomanceHighest rank #11 in Humor Category Ang ating bidang babae na nagngangalan Fern Jade Tricco ay tunay na nagmamahal kay Light na isang gwapong actor. Lahat susulungin niya mapasakamay lang ang puso ng binata. Kahit magkasugat sugat na sa pagiging ext...