Chapter 1 *Fern
We got it!
Malaki ang ngiti ko nang makuha namin ang loob ng mga investor at lalong lalo na ang CEO ng Park group of Companies. Sobrang nasiyahan ang matandang Mr. Morda sa aking performance. Aniya'y isa akong dakilang blessings sa kanilang Team. Well, para sa akin naman, di ako ipapadala rito kung wala man lang mapapala ang team ni Mr. Morda sa akin.
"Eve! Drinks?" itinaas ni Aikhu ang kanyang baso na naglalaman ng inumin. "Kahit isang baso lang!" pag pupumilit niya. Umiling agad ako at nag pout siya bilang pagsuko.
"Di ako umiinom." napatingin silang lahat sa akin. "...ng isang baso lang." naghiyawan ang buong team sa sofa at sari saring drinks ang nilahad nila sa akin. Nilantakan ko iyong isang matapang, at di ko inexpect na umalon agad ang aking paningin.
Mahigit sampo kaming lahat nasa Sofa, purong mga single at may karelasyon lang. Iyong may mga asawa na't anak ay nauna nang umuwi. Nauna doon si Mr. Morda dahil tinawagan ng Misis niya. Kasalukuyang Lima na lang kami, halos nagsisigawan kami habang nagkukwentuhan.
Maya maya pa'y inopen ni Nyl ang tungkol sa masungit na boss dati, si Ace Alden Park. Kaya lumipat siya ng George Commodities, kung saan ang director ay si Mr. Morda pero di niya inakala na mag ku krus ang landas nila ng kanyang dating amo.
"Gwapo nga masungit naman." Umirap sa kawalan si Jenny.
"Paano kaya yun pinakasalan ng asawa niya?" Ani Aikhu. Bigla akong natigilan sa pag inom.
"May asawa na si Sir?" Tanong ko. Hindi makapaniwala. Akala ko'y successful na umarried man ang lalakeng iyon. Hindi pala.
Tumango si Belle. "Yun ang sabi ng nagtatrabaho sa kanila, pero hindi na daw nagpapakita iyong misis niya sa opisina nila matapos ang trahedya sa pamilya nila."
"Trahedya?" tanong ko ulit. Bakit ba ako na cucurious? Ang chismosa ko talaga. Tumango si Aikhu at umiling iling na ngumisi si Nyl.
"Na bankcrupt ang PGC 9 years ago, napilitan ibenta ang Park International Airline para masalba. Yun ang alam ko pero meron pang personal na problema eh, yun ang di ko alam." sabi ni Jenny.
Tumango ako sa kanilang mga rebelasyon. Marahil ganun makitungo si Ace Alden Park dahil may ginagawa siyang boundary in between sa sarili niya at sa kanyang mga empleyado. Ayaw niyang panghimasukan ang buhay niya. Naiintindihan ko siya, pero hindi dapat iyon ang dahilan para magpatuloy siya sa kanyang ugali. Business is a business, kung paano makitungo ang nakakataas sa kompanya, rason iyon para mananatili ba o aalis ang isang taong nagtatrabaho.
"Yung anak niya----" nalunod ang sasabihin ni belle nang magsalita si Aikhu.
"Speaking of the devil." Napatingin kami sa direksyon na tinitignan niya. Nanliit agad ang mata ko nang makita si Ace na
nakikipaglampungan sa isang sexy'ng babae. May hawak itong baso ng inumin. Tumunga siya ng isa at pinatakan ng halik sa leeg ang babae. Tatawa tawa naman ang babaeng kasama niya.
"Yan ba ang asawa niya?" tanong ko sa kanila. Sabay silang umiling. Halos mabali ang leeg.
"Kahit di ko pa nakikita ang wife niya, sigurado akong hindi yan. Ang sabi'y simple lamang iyon at hindi bitchy ang ugali. Di katulad niyan." ani Nyl. "Hay, ewan. Wag na tayong manghimasok!" dugtong niya at nag iba ang kanilang kinukwento.
Habang ako ay hindi mawala ang kinuwento nila. Supplier ang George Com. Inc, ng PGC (Park group of Companies) kaya marahil marami silang alam tungkol sa big boss. Tumagal ang kanilang usapan at naglaho si Ace sa baha ng taong nagsasayaw. Si Nyl at Aikhu medyo lasing na rin. Nagpa alam ako na mag C-CR muna pero sa ibang direksyon ako napunta.
Sa gitna ng nagsasayawang mga tao. Hinahanap ng mata ko ang imahe ni Ace. Ewan ko, pero may nag udyok sa sarili ko na hanapin siya. Nag-aalala sa aroganteng pagmumukha, na cucurious kung bakit ganito ang ginagawa niya sa likuran ng kanyang asawa.
Hindi sinasadyang nasiko ako ng babaeng nagsasayaw. Medyo napainda ako at gusto ko siyang sabunutan pero parang wala siyang alam na may nasaktan siya. Kaya pinawalang bahala ko na.
Maya maya pa'y mag isang brasong pumulupot sa aking beywang kaya napatalon ako sa gulat. Ni hindi ko magawang tignan kung sino ito sa aking likuran.
"Wanna dance with me?" Naamoy ko ang hininga niya papunta sa aking leeg. Lumayo ako ng kunti para makita kung sino. Halata sa mukha ni Ace na lasing na siya. Ngingiti ngiti pa siya habang nakatingin sa akin.
"Uh.. S-sir, lasing ka na. I uuwi na kita." bigla kong sabi.
"Oh? You're concern?" aniya at inamoy ang aking buhok. Tumindig ang balahibo ko sa kanyang ginawa. Maharas kong inalis ang kanyang braso at humarap sa kanya.
"I don't dance. Wanna go somewhere else instead? Yung tayong dalawa lang?" hindi sa nang aakit ako pero ito minsan ang naririnig ko sa babaeng makakati pag gusto nilang humiga sa kama.
"Sure." ngumisi siya at sumama sa akin.
Tinext ko ang mga kasama ko na uuwi na ako. Naguguilty ako kasi hindi ako nakapagpa alam ng matino pero sana maintindihan nila. Nasusuka, nahihilo, inaantok na ang aking rason kahit di pa naman.
Pumasok siya sa kotse niya at ganun din ako. Maya maya pa'y bumaba kami sa isang High Class Hotel. Dito marahil dinadala niya ang kanyang mga babae. Naaawa ako sa asawa niya pag na iimagine ko na nag aantay iyon sa kanilang bahay. May naka reserve na na kwarto para sa kanya at doon niya ako dinala.
Pagkapasok ay bigla niya akong tinulak sa kama at pumaibabaw sa akin. Agad akong umalis. No! If he can do it to his wife, I can't do it to my boyfriend. I won't cheat.
"Akala ko ba.." aniya mapupungay ang mga mata.
"Ano na lang ang iisipin ng asawa mo pag nalaman niyang pinag gagawa mo?" tanong ko sa kanya. Kaka meet ko pa lang sa kanya kanina, who I am really? Tumaas ata ang pagbubuhat ko ng bangko at kahit CEO ng Client Company ay nagawa ko ng himasukin ang personal na buhay.
"Go home Mr. Park, you're wife is waiting for you." ani ko.
Umayos siya ng upo sa pinaka dulo ng kama. Nakayuko at maya maya pa'y humalakhak. Halos lunurin ang buong kwarto ng kanyang pagtawa. Kumunot ang noo ko. Nag jo joke ba ako? Hindi naman ah!
"My wife is not in our home. She won't wait for me. She will never be.." aniya sa malungkot na boses. Tumingin siya sa akin ng seryoso. May kung ano sa kanyang mga mata. Para bang nakapaloob dito ang matagal na kalungkutan at pangungulila.
"Kung ganun. Hanapin mo siya! Marahil iniwan ka dahil sa pangloloko mo!" bigla kong sigaw. Napatakip ako ng bibig. Ano ba itong pinagsasabi ko?! Eveny! Nakakalimutan mo na bang magiging boss mo siya sa susunod pang mga araw?
Ngumisi siya at umiling. "Eveny.." Unti unti siyang tumawa. "...You're Eveny. Right?" tanong niya. Kumunot ang noo ko pero agad ding tumango.
"Are you happy?" Ba't niya ako tinatanong ng ganito? Syempre naman! Kahit may problema ako araw araw, hindi ako mawawalan ng pag asa na ma reresolba ko ito. Kaya walang rason para hindi maging happy!
Tumango ako sa kanyang tanong. Tumayo siya at bumugtong hininga. Inayos niya ang kanyang sarili at humiga sa kama. "Go home then." Husky ang kanyang boses nang sabihin niya ito.
"It's not my intention to insult or to advice you, sir...or whatever you call it. Concern lang po ako sa inyo at sa asawa niyo. Sana magkabati na kayo. Uhmm.. feeling close lang po, sorry sir. Sana makalimutan mo ang gabing ito." Total lasing ka naman.
Pumikit na siya pero alam kong hindi pa siya tuluyang natutulog. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng pinto ay narinig ko ang pagkabasag ng kanyang boses.
"Are you there?" mahina ito pero narinig ko parin. Unti unti kong sinarado ang pinto habang nakatingin ako sa nakahigang Ace. Ang postura niya habang nakahiga ay parang nakaharap sa pintong nilalabasan ko pero hindi ko alam kung nakatingin ba siya rito o nakapikit na. Habang ako'y hinahantay na lunurin ng pinto ang aking paningin.
"Fern..."
*To be Continued...
May sarili po itong book next update. Keep in touch! For Better not for worse ud will be tomorrow. Same time.
BINABASA MO ANG
NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)
RomanceHighest rank #11 in Humor Category Ang ating bidang babae na nagngangalan Fern Jade Tricco ay tunay na nagmamahal kay Light na isang gwapong actor. Lahat susulungin niya mapasakamay lang ang puso ng binata. Kahit magkasugat sugat na sa pagiging ext...