Chapter 8 ( How Naughty you are)

13.6K 219 32
                                    

Chapter 8 ( How Naughty you are )

Rem's POV


"Uy? Andito ka na pala?" sabi ko kay Fern habang di tumitingin sa kanya. Ganyan ako bumati ng kaibigan, o diba ang sweet? Umupo sa tabi ko at tumingin sa T.V.

Di man lang ako binati? Ang sweet niya din ah. Atsaka? nakatulala lang siya sa T.V.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. Pero mukhang wala siya sa wisyo niya. Nakatulala parin siya.

"Hoy! Hoy!" tawag ko ulit. Pero gaya ng dati, di parin umiimik. Baliw na nga siguro ito.

"Pambihira! type niya daw ako. Type niya ako." mahinahong sabi niya at dahan dahang humarap sakin na hindi man lang kumukurap.

"Ano? Sino?" type daw siya, pero nino? Sinuswerte siya ah. Lumalovelife na si bestfriend. Di man lang ako hinintay? loveless ako e.

"Yong boyfriend ko." wala sa sariling sagot niya.

"Talaga besh jade! may boyfriend ka na?" tumango lang siya pero wala padin sa sarili. Nakabalik lang siya sa wisyo niya nung tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Teka? bakit naka bra at panty ka lang?"

Tumingin din ako sa sarili ko. Aw, nakalimutan kong mag suot ng damit. Bagong ligo kasi ako. Buti na lang kahit paano naka bra't panty ako, Paano na lang kaya kung wala akong suot? Ano kaya magiging reaksyon nitong si Jade?

"Nahabasan ka naman ba?" tanong niya .

"Hindi ah, lumalabas lang 'yon pag red alert ko na. Nakalimutan ko lang mag suot ng damit." sabi ko. Tinignan niya ako with matching poker face atsaka siya umiling. Maya maya pa'y biglang may kumatok sa pintuan.

"Ako na magbubukas." sabi ni Jade at tumungo sa pintuan. Narinig ko pang binuksan niya ang pinto.

"Hai, Fern. Maniningil lang ng utang." sabi nung familiar na boses ng lalake sa pinto. Teka? Parang kilala ko 'yon.

"Tamang tama, may pambayad si Rem, pasok ka muna." sabi ni Fern. Napalingon ako para makita kung sino yun.

"Hai re---" di natapos ng pagsasalita ang pinagpapantasyahan kong lalake at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang makatayo na ako. Ngumiti lang ako sa kanya, sino ba di kikiligin kung kaharap mo na ang adonis ng buhay mo. Napansin ko siyang lumunok ng laway habang hindi niya parin inaalis ang tingin sa.....

"Malaki din pala cleavage mo," bigla akong natauhan. Nakalimutan kong naka underwear lang ako. Niyakap ko ang sarili ko at dali daling tumakbo sa kwarto ko at nilock ito. Nag suot agad ako ng damit at lumabas na.

"Pasensya ka na sakin ah." nahihiyang sabi ko sa kanya. Awkward atmosphere, umalis ka sa ulo ko. Umalis ka!

"Okay lang, ang cute mo nga e." sabi niya at ini-abot ni Fern sa kanya ang baso ng juice.

"Eto Brake oh"

"Uy, mag bayad ka na ng renta." bulong sakin ni Fern. Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ako?"

"kasi ikaw ang may pera ?" sabi niya nang nakangiti.

"Anak ng..." napakamot ako ng ulo.

"Wag kang mag-alala, dodoblehin ko ang utang ko sayo pag naka income na ako."

Na-alala ko na. Nasabi pala sakin ng babaeng to na magiging girlfriend siya ng isang big time na lalake. Si Ace Alden Park 'yon diba? Kaya pala, tulala siya kanina pag pasok. Baka na hired na? edi big time!. Sa susunod ako na ang manghihingi ng ipanglilibre niya sakin.

No Choice. Bumalik ako ng kwarto at kumuha ng pera. Napansin ko naman na nag-uusap si Fern at Brake sa salas kaya lumapit ako sa kanila at pumagitna.

"Ang type kong babae?" sabi ni Brake at nag-iisip. Ang ganda ng topic nila ah, tamang tama para sakin. Gagawin ko ang lahat maging bagay para sa kanya. Oh my brake! Sayo lang talaga ako lumalandi ng ganito ka tindi.

"Hmm.. sexy, seductive, pretty. sabi niya. Kung ganon man lang, parati na ako mag papanty at bra tuwing pupunta siya dito sa apartment.

"Yong ugali naman." tanong ulit ni Fern sa kanya. Lokong babaeng to, pinagpapantasyahan din ba si Brake? Ang alam ko ako lang may gusto sa kanya e. Nagpapa cute pa siya kay Brake oh! Remind me later babatukan ko to mamaya.

"Ugali? Siguro mas prefer ko 'yong sweet at mahinhin." ani ni Brake. Teka? sweet ba ako? kung oo, di ko na kelangan magpakasweet. Mahinhin ba ako?

"Late na, uwi na ako ha," sabi ni Brake. Kumaway siya kay Fern. Pano ako? dedma?. Ako mismo 'yong humatid sa kanya pinto. Ayaw ko na si Fern ang humatid, maglalandi-an lang sila.

"Bye!" malanding sabi ko sa kanya at ini wave ang buhok ko back and fourth. Seductive daw dapat ako. Yan, kinareer ko na.

"Uhm.. Rem, pwede bang doon mo na lang ako ihatid sa hagdan? May sasabihin lang ako." sabi ni Brake. Ano kaya sasabihin niya? Na ako ang nawawala niyang prinsesa? Di na ako nagpaligoy ligoy pa at hinatid nga siya doon.

"Uhm, Rem, may ipapakausap sana ako." nang makaabot na kami ng hangdan.

"Ano 'yon?" pacute kong tanong sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin, hanggang sa makalapit na siya ng tuluyan sa akin, yung mukha niya naman yung nilapit niya sakin. Eto na ba tong pinapaginipan ko? hahalikan na ba ako ng taong pinagpapantasyahan ko? Kung oo, pwede na akong mamatay this time.

Ang akala ko, hahalikan na niya ako pero bumulong lang pala. Ang binulong niya, ang ikinaguho ng mundo ko. Panaginip nga 'to pero nightmare matatawag to.

" gustong gusto ko si Fern to the point na gusto ko siyang ligawan. Pwede mo ba akong tulungan?"

Fern Jade POV

Day 1 as a girlfriend

First duty ko ngayong araw. Ang lalakeng 'yon, tinawagan ako ng napaka aga para lang tanggapin 'yong delivery dito sa apartment. Pagbukas ko, school uniform lang pala ng Moustone University! Isang napakagandang unibersidad sa Pilipinas.

"Rem! makakapag-aral na ako ulit." balita ko ka agad kay Rem pero ngumiti lang siya sakin sandali at hindi man lang umimik.

"Rem, makapag-aral na ako, di ka ba masaya?" tanong ko ulit.

"Masaya syempre" Ngumiti siya sakin.

"May letter pang kasama oh." may nahulog sa isang papel. Kinuha ko ito ang binasa.

'Hoy Fern Jade Tricco, suotin mo yan mamaya bago ka pumunta sa bahay ko. First day of class, I shall introduce you to all. Wag kang umangal! pakipot pa eh. Yan lang, F*ck you'

Aba! Sira ulo talaga 'yon ah, para tuloy akong minumura neto. Ang sweet niya to the hell na muntik ko na siyang bugbugin.

As what he said, ganon 'yong gawin ko kaya currently riding with him in a motor papunta sa School daw niya. Akala ko de-kotse pero hindi pala. Naka helmet ako at nasa likod niya. Ambilis niyang mag drive, pag nag be-break siya napapadikit ang dibdib ko sa likod niya, buti na lang hindi masyadong malaki yung hinaharap ko kaya siguro hindi naman siya natutusok.

"Andito na tayo" but my mind shut for a while. Mukhang nag enjoy pa ako sa motor ride, wala pa ako sa sariling bumaba. Naka back hug parin ako sa kanya, ewan ko ba pano nag start yung pagyayakap ko sa kanya ah basta I just find myself hugging him at his back. Nagkaroon ata ng sudden freeze sa katawan ko. Wala pa ako sa kondisyong bumaba.

"Hoy!" tawag niya sakin.

"Oh?" walang ganang sagot ko.

"Aray naman!" Kamuntik na akong mapadapa sa sahig, buti na lang nakahawak ako sa inuupuan ko kaya di natuloy. Pano ba naman kasi, bigla siyang umalis. Maryosep na lalakeng to! tawagin niyo lahat ng santo di parin babait to.

Tumayo na ako at inalis ang helmet na sout ko. Napatingin ako sa kabubuang lugar ng nasa harap ko. Namangha ako sa sobrang laki ng loob.

'Mouseton University'

"Dito mo na tatapusin ang course na sinumulan mo sa walang kwentang dating school mo. Napa enroll na kita dito, may gamit ka na rin. Ah oo nga pala, ipapasunog ko na 'yong apartment mo." sabi niya at nagsimula ng lumakad at iniwan ako doon. Teka? pinapasunog ang apartment?

"Hoy! Bakit mo naman pinapasunog yun? Gago ka ba?" tawag ko sa kanya. Walang gana siyang lumingon sa akin at nakapamulsa pa.

"Naglilinis lang ng dumi mo. Ayaw ko kasi may masamang background ang girlfriend ko daw. Baka pagkamalan akong cheap. Ayaw ko naman mabahidan ng kacheapan mo so better to do it then" Hambog na sinabi niya at lumakad ulit. Kinuha ko yung sout kong sapatos at tinapon sa kanya. Sumapol naman ito sa ulo niya kaya napahinto siya ng paglalakad.

"Ano ba?!" galit na galit niyang sumbat sa akin. Di ako kumurap, duwag lang ang masisindak sa sigaw ng lalakeng to. Lumapit ako sa kanya at sinuntok siya ng malakas sa tyan.

"Ughhh" pag iinda niya.

"Ipapasunog mo sige ituloy mo pero wag ka ng magpapakita sakin! Kahit mamulube pa ako, wag lang maging girlfriend mo!" Galit kong sumbat sa kanya.

"Oo na! tang-ina! hindi na!" kinuha niya yung phone niya at may dinaial. Buti na lang umadar yung pikon radar ko sa lalakeng to. Tumango lang siya sakin at ang sabi'y okay na ang lahat.

Nagsisidatingan na ang mga iilang studyante. Di naman maalis ang tingin nila sakin. Sino ba naman kasi ang di titingin sakin kung may naka akbay na Ace sakin habang tinutour niya ako sa buong school?

"Eto ang magiging locker mo." tinuro niya sakin yung locker ko daw. Binigay niya sakin ang susi at binuksan ko naman.*Ace's girlfriend property. Keep your hands off or else your dead* Yan yong nakasulat sa papel na nakastick sa loob ng locker.

"idikit mo yan sa labas ng locker mo para madaling marecognize." sabi niya.

"Ayaw ko nga, pinapahiya mo ako e." nakangusong sabi ko.

"Kinakahiya mo ako? dapat nga ipagmalaki mo ako eh, kasi naging boyfriend mo ako " nakangising sabi niya sa tenga ko. Kinalibutan naman daw ako don.

"Maghunas dili ka nga." aalis na sana ako doon nang may humarang na apat na gwapong lalake ang humarang sa harapan ko. Lumalandi na ako? Kay light lang ang puso ko kahit nilinlang ko siya ng kaunti.

"Ow bro!" sabi noong andaming peircing na lalake. Mukhang ang sama ng aura ng lalakeng 'to.

"Hermen." sabi ni Ace.

"Musta?" tanong nong gwapong nerd. Mukhang matino naman ang isang ito.

"Okay lang Owen." sabi ni Ace. Ah 'yon si Owen, ang gwapo at ang tino niya tignan.

"Parati naman." Sabi nong isang lalake na may nakasabit na headset sa leeg niya. Sa tingin ko may pagka babaero to.

"Yes Vien." Ace Smirk at him. Inarapan lang siya netong si Vien.

"So eto yong girlfriend mo?" atlast pinansin din ako ng isang kaibigan niya siguro to. Ngumiti lang siya sakin, What about that smile? There's something na parang ang sama ng smile na yon.

"Fake girlfriend." pag i-emphasize ni Ace. Sinabi niya sa mga kaibigan niya? di na yon nakakapagtaka. Sinabi ko nga kay Rem e sa kanila pa kaya?

"Nice to meet you, I'm Froze Emparial." inilahad niya ang kamay niya sakin para makipagkamay. Iniabot ko na sana yong kamay ko kaso inunahan ako ni Ace. Siya yong nakipagkamay kay Froze.

"Ace bro. Ace." pagpapakilala pa niya sa sarili niya. Ang bastos lang talaga. Ako 'yong gustong makilala siya 'yong tumanggap ng kamay. Binitawan ni Froze ang kamay niya at tumingin sa akin.

"Ace is so luck to have you, youre pretty." sabi ni Froze. Nako! Ang cute niyang ngumiti. Mas gwapo pa ata to kay Ace e.

"Malas ko nga e, siya yong napili." litanya ni Ace. Kung makapagsalita naman akala niya siya lang yong malas e ako din kaya pero swerte na rin kasi may benefits din naman ang maging girlfriend niya.

"Mas malas ako." bulong ko sa sarili ko. Mukhang nahalata ata yon ni Froze kaya tinignan niya ako ng seryoso sa mukha. Maganda ba ako para titigan niya ng matagal? edi ang ganda ko nga! natulala pa siya oh. Uy! wag kang masyadong tumingin sa akin, nakakabaliw ang kagandahan ko, baka bukas nasa mental ka na' kaso may Ace sa tabi ko baka mamaya e, e-ta-trashtalk na naman ako kaya nevermind na lang.

"Hoy! gumala gala ka sa buong campus, wag kang bubuntot buntot sakin. Gagala lang kami mang huhunting ng pwedeng pagtripan. I tetext lang kita mamaya magkita tayo, sige bye!" sabi ni Ace at sumama sa mga kaibigan niya na pumunta sakung saan. Ako naman naiwan doon.

Napansin ko naman na ang sasama ng mga tingin ng mga ibang studyante. Halos mga babae, may iilang din nagbubulong bulongan. May mga lalakeng tumitingin sa akin pero inaalis agad nila ang tingin nila di gaya nung mga babae, hea-to-toe, eye-to-eye, with matching taas kilay pa kung tumingin. Nakakatakot naman dito, makaalis na nga.

Wala dawng pasok kasi special day today. Students only roaming around. Nasabi na rin sakin ni Ace na hindi pwedeng lumabas ng campus pag schooling season. Boarding school pala to, may mga dorms sa dulo ng school at doon daw ako matutulog mamaya. Loko walang siyang sinabing ganun ah edi sana napaghanda ako ng gamit ko.

Gumala gala lang ako sa boung campus. Medyo na familiarize ko na yong iilang buildings pero may iilan ding hindi. Ang laki talaga sobra!. Nakaraan pa ako sa VH1 building. Hanep! de-AC lahat ng Rooms at 7 stories building din 'to. May elevator din papunta sa taas, gumamit nga ako nun eh para makapunta sa 5th floor.

"Ace"

May narinig akong boses ng babae na tinawag ang boses ni Ace sa isang room. Medyo na curious ako kaya nilapitan ko ang room na 'yon. Dinikit ko pa yung tenga ko para marinig ng husto ang pinag-uusapan nila.

"Bakit?" boses ni Ace yon! Sure na sure ako! Ang tahimik sa loob ah, wala akong naririnig na boses ng iba.

"I still love you." sabi nong babae. Na curious ako sobra kaya binuksan
ko ng kaunti ang pinto para sumilip.

"Ex fiancee kita at di kita mahal, may mahal na akong iba, sorry cattleya." sabi ni Ace. ang ganda ng babae tapos ganyan siya makipagsalita. Kung yan pa sinyota mo edi ang daming maniniwala na nagkagirlfriend ka na. Teka, ex fiancee? Pero paano naging ex? Hihiwalayan ba ni Ace ang ganyang kagandang mukha?

"Sino siya?! Di ako naniniwala sayo Ace!" nakasigaw na yong babae.

"Di daw naniniwala pero umiiyak na, Jan ka na nga! aalis na ako." ang talino din ni Ace. Alam niya kung naniniwala ba yung babae o hindi. Pero nakapa ungentleman niya, dapat hindi siya ganyan makipagsalita sa babae. Ang sama niya talaga.

Natigilan ako nang niyakap yung si catleya si Ace sa likod. Di ako nagseselos ah, di ko nga siya gusto eh. Ganun ba talaga ka inlove ang babae sa kanya? Ang malas ng babae, nainlove sa sa isang worst na tao. Inalis ni Ace yung kamay niyang nakayakap sa kanya at tumungo na sa pintong sinisilipan ko para lumabas na.Nagtago naman ako sa isang liko, para di ako makita ni Ace. Nalagpasan lang ako ni Ace pero hindi niya ako nakikita. Hindi umalis yung babae sa silid kaya sinundan ko na si Ace at nagkunwaring hindi niya ako nakikita. Sumunod lang ako sa kanya ng palihim.

Napansin niya ata na may sumusunod sa kanya kaya huminto siya at tumingin sa likod. Nang makita niya ko kumaway lang ako sa kanya at ngumiti.

"I miss you, saan ka ba nagpupunta?" sweet voice kong sabi sa kanya. Kung alam niyo lang gaano ako nangdidiri sa sinasabi ko. 'Yong mukha niya priceless! Namumula pa siya, kinikilig na siguro. Pero nawala yon nang tinignan niya ako nang nakakaloko sa mukha. Ngumisi siya at nagsalita din.

"I miss you too, alam mo ba hinahanap kita? pakiss nga." Lumapit pa siya sakin para halikan daw ako at yumuko para maabot ang lips ko. Mukhang naging yelo ata ako sa kinatatayuan ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Tinulak niya ang mukha ko gamit ang malaking palad niya. Na amoy ko pa yong kamay niya, ang bango! Pero parang lumubog ata ang kamay niya sa mukha ko, buwiset na lalakeng to.

"Asa ka naman hahalikan kita, edi nakaganti ako, akala mo ikaw lang marunong niyan" atsaka siya tumawa. Sabi na nga ba e! Kaasar!. Pumunta kami sa isang maliit na stage sa baba ng building. Naka tayo ako doon at ganun din si Ace. Marami rami na ring studyante sa baba. Nag-aantay na lang sa sasabihin ni Ace.

"This girl besides me is my girlfriend, don't dare to hurt her physically and emotionally if you don't want a living hell,understand?"

"May Gf si Ace?!"

"What the! akala ko hindi siya mahilig sa mga babae?!"

"infairness ang ganda niya ah, pero mas maganda ako."

Naririnig ko pa yung bulong bulongan nila. Nahihiya talaga ako kasi naman kung ikukumpara ako sa kanila, walang wala ako. Ayaw ko talaga na may tumaas ang kilay sa akin, yong tipong minamaliit ka. Feeling ko andaming ganyang studyante dito.

"At yung mga nagtatanong kung sinong mahal ko, so alam niyo na kung sino." dugtong ni Ace. Nakatingin siya sakin niyan ng seryoso. Alam ko namang uma-acting lang yan para maging makatotohanan ang pagiging girlfriend ko sa kanya. Naki ride na rin ako sa drama niya at ningitian na lang din siya. Ngiting kay Light ko lang sana ibibigay kaso nagawa ko sa kanya.

Tumingin ako sa baba, halatang gulat na gulat sila sa narinig nila.Napansin ko yong si cattleya na tumakbo palayo matapos niyang marinig ang sinabi ni Ace. Uh, didn't meant to hurt her.

"That's all." sabi ni Ace. Matapos niya akong ipakilala, hinatid na niya ako sa dorm ko.

Pagdating namin doon, ang laki ng room ko at isang bed lang ibig sabihin ako lang yung matutulog sa ganoong kalaking Room. Nadatnan ko rin ang mga gamit ko na naka ayos na. So, pinakuha niya?

"Dito tayo matutulog." sabi ni Ace.

"Teka? Akala ko ba area ng mga babae to dito?" tanong ko sa kanya.

"Bawal nga pero pag decision ko walang bawal. Sige subukan mong pumalag, sesesentahin kita." sabi niya.

"Di na." nilalaro ko lang yong fingers ko. Bawal na umimik Fern, baka mamaya eh ma girl on fire ka na naman.

"pero di nga, dito ka matutulog?" nagtanong na naman ako. Tinignan niya ako ng masama.

"Bakit? Awkward para sayo? Ano ba iniisip mo?" Pang-aasar niya sakin.
Lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako. Hanggang sa wala na akong ma-artrasan at nahiga na ako sa kama. Pumaibabaw naman siya at hinawakan ang magkabila kong kamay at hinarang ito para makasiguradong hindi ako makakagalaw sa posisyon na yon.

"Bakit? Ano ba iniisip mo?" ang sweet ng boses niya. May halong pang-aasar din kasi ngumingisi siya ng nakakaloko sakin.

"Gusto mo naman to?" tanong pa niya. Sino sabi?! sino?! Akala niya gusto ko tong ginagawa niya? Di lang ako makagalaw pero once na makakagalaw na ako, pagpasensyahan tayo. Mas malala pa jan ang kinahahantungan mo!

"Talaga lang ha?" sabi ko at nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya. Mukhang di siya nauuto kasi ngumingisi pa siya sakin.

"Ah ganon ha" sabi niya. At lumapit din 'yong mukha niya sakin.

"Oo ganon nga. Ha! Akala mo ha." sabi ko naman. Naaamoy na namin 'yong hininga ng isa't isa. Nag toothbrush naman ako kaya wala akong dapat ikakahiya.

May isang umubo sa aming likuran kaya nahinto kami ng asaran. Naka tingin kami pareho ni Ace sa nakabukas na pinto. Naknang! Bukas pala 'to tapos kung ano pa 'yong ginagawa namin. Ano bang ginagawa namin? Nag-aasaran lang naman kami e at wala ng iba.

Naka uniform yong lalake.

"Jade?"

Teka kilala niya ako? Di ko masyadong maaninag ang mukha niya kasi madilim doon sa pwesto niya. Pero nang makita ko kung sino ito.

Muntik ko nang mailuwa ang puso ko!


Bakit siya andito? Dito din ba siya nag-aaral?

"Light?!"

NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon