Chapter 7 ( Kasi Type kita)
Fern Jade POV
Pumunta ako sa Internet caffee para tignan ang link na sinasabi nong ale na swert ko raw siya. Pagbukas ko, napahanga ako. Siguro ang gwapo ng Ace Alden Park nato? Pero wala naman siyang pictures? Ang gwapo niya siguro kasi ang nag a-apply kahit mayaman gusto siya maging boyfriend. May iba ganito 'yong pinost sa website: Gusto nila mamatay pag di ma hire.
Mamatay ka na ngayon pa man, wala ka namang pagpipili-an e. Pero nagulat ako sa kasunod na post.
*I don't have to hesitate to commit suicide if you don't hire me!* ganon ka desperada.
Jusko naman! Nahihibang na siguro tong mga taong 'to. Kahit mayaman na nag a-apply parin maging girlfriend lang niya. Gwapo ba talaga to at parang sikat o sikat nga talaga? Ako lang 'yong di nakakakilala. Akalain mo 'yon sikat siya saang sulok ng mundo? ba't di ko kilala? Nako Fern nahuhuli ka na sa balita.
Humagalpak ako ng tawa sa net caffee dahil sa mga post.
"Shhhh!" bawal pala maingay dito pero 'yong mga batang naglalaro nagmumurahan. Tumahimik na lang din ako.
Pagkarating ko sa dulo ng site nakita ko agad 'yong income per week at believe me or not, naglaway ako ng di oras. Nag sign up agad ako, nag fill up ng info at nag post.
'If you are seeking for a girlfriend here I am, I can be the one that you are looking for, I'm the best choice!' Kakapost ko lang may nag comment na agad.
Girl 1: Duh! Such a desperate
Girl 2: he's mine!
Girl 1: no you're not! he's mine!
At nagpatayan sila dahil sa kalandian.
Pinatay ko na ang computer. Ginawang boxing ring 'yong post ko kulang na lang maging referee ako eh. Nagbayad na ako at lumabas doon, nag text naman agad sa akin 'yong site na inapplyan ko.
*Good afternoon Ms. Tricco, we would like you to inform that you have an interview tomorrow afternoon. See yah and Goodluck!*
"Yes!!"
Nagtatalon talon pa ako sa saya dahil kaka a-apply ko lang tinanggap na agad ako! Ngayon pa man, naniniwala na akong pinanganak akong maganda dito sa mundo. Oo nga pala di pa ako tanggap kasi may interview pa pero positive ako na makukuha ko 'to.
"Talaga Fern?"
"Oo Rem! Siguradong pasok ako sa trabahong 'yon!"
Sinabi ko agad kay Rem tungkol sa kakaibang trabahong inapplyan ko. 'Yong maging girlfriend ng isang Ace Alden Park, lokong babae hindi din pala kilala kung sino yun pero sabi niya'y familiar daw. Kinakabahan ako pero todo na ito!
Napakamot naman si Rem ng ulo habang tumitingin sa taas.
"Paano pag yang Ace Alden Park ay isang matanda na di maka-anak? Maliit tits pero wild? O di kaya criminal,siga sa kalye, mafia leader, manyakis, kidnapper, holdapper, statcher?"di ko siya pinatapos ng pagsasalita ng nagsalita ako bigla.
"Teka lang? Kakasabi ko lang diba, gwapo siya! Ang daming babaeng gustong makuha siya atsaka tumigil ka nga sa sinasabi mo anung kidnnaper, holdapper ang pinagsasabi mo jan? Pangalan pa lang halatang big time na at mukhang mabait! ACE ALDEN PARK."
Ginuhit ko pa ang pangalan niya sa hangin. Excited na akong makita siya, ano kaya mukha ng taong 'yon? Siya na ba ang prince na parati akong binibisita sa panaginip ko?
"Ewan ko sayo Fern, susuportahan na lang kita jan sa trabaho mo. E ano pa nga ba kailangan kong gawin? Kaibigan ako diba? At para narin mabayaran mo 'yong utang mo sakin." sabi ni Rem sa akin. Niyakap ko lang siya at nagtatalon talon.
BINABASA MO ANG
NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)
RomantizmHighest rank #11 in Humor Category Ang ating bidang babae na nagngangalan Fern Jade Tricco ay tunay na nagmamahal kay Light na isang gwapong actor. Lahat susulungin niya mapasakamay lang ang puso ng binata. Kahit magkasugat sugat na sa pagiging ext...