Chapter 10 (You might enjoy my game)
Cattleya's POV
May pasok ako pero wala ako sa mood para pumasok. Tumatambay lang ako dito sa rooftop, nag mumuni muni. Wala akong kaibigan dito sa school. Alam niyo kung bakit? Noong tumanggi si Alden pa pakasalan ako two years ago. Nawalan na ako ng kaibigan, ang sabi nila di na daw nila ako kailanganan maging kaibigan kasi nga di na ako parte ng buhay ni Alden. Some students want to get close to Alden, maybe because para makaiwas na rin sa pambubully niya.
Wala kasi siyang patawad, kahit sino na lang ang binubully niya basta ba'y mapagtripan niya pero kahit ganoon siya, minahal ko siya and up until now, my feelings doesn't change. Even he has already Ms. Tricco, I keep on hoping that someday, his feelings will shift from her to mine. World constantly changing, alam ko di rin magtatagal ang nararamdaman niya sa current girlfriend niya.
Naka upo ako dito sa railings na may napansin ako sa baba. Si Alden, kumakain kasama si Ms. Tricco. Lucky girl, natutunan siyang mahalin ni Alden pero palaisipan para sa akin kung paano nangyari 'yon. Alam ng lahat na mahirap makuha ang loob ni Alden, but why he easily falls for an ordinary girl? Kinuha ko yung violin sa tabi ko at nagsimula na akong magpractice. Kasama ako sa orchestra group, pero umalis ako noong nakipag hiwalay sakin si Alden. Ewan ko ba! ang lakas ng impact noon sa akin e, even the songs that I used to play was also changed. Kaya kailangan kong ibalik 'yon, para makasimula na akong mag move on.
"Ouch!" I yelled. Biglang na out of tune. Parang nabasag 'yong eardrums ko. Di ko talaga siya makuha kuha. Tinatry ko ang Maybe by yiruma, violin version pero gaya ng sinabi ko, hindi ko makuha.
"Ang sakit sa tenga ah." May biglang boses na sumulpot kaya lumingon ako para makita kung sino ito.
"Froze." Tawag ko sa kanya. Sa lahat ng kaibigan ni Alden siya ang nagpalakas sakin ng loob. Siya ang nagsabi na hindi dapat ako mag give up kay Alden. Though my mind was already given up.
Bahagya kong binaba ang violin ko atsaka siya lumapit sa akin sa railings. Di siya umupo, tinignan niya lang ang nasa ibaba habang naka sandal naman ang kamay niya doon.
"Di ka ba natatakot mahulog?" sabi niya habang naka tingin parin sa baba.
"Why would I?" tanong ko naman.
"Hmm?" pagtataka niya.
"Ba't ako matatakot mahulog? Sanay na nga akong mahulog nang di sinasalo." I smile bitterly.
"Hugot naman. Alam mo namang lahat ng nahuhulog, nababasag." ngumiti siya ng nakakaloko. "Siya parin pala hanggang ngayon." di ako umimik, silence means yes.
Natanaw niya si Alden pati na rin si Ms. Tricco. Nalaman ko yon base sa reaksyon ng mukha niya.
"Kilala mo ako Cat, everything I do is always for you, you're my friend and Ace is my friend too, di ko kaya na wala siyang paki-alam sayo, na wala kayong kibuan sa isa't isa." he sounds so desperate.
Anu kaya binabalak niya? I know him a lot. Every plan he do is always effective.
"What do you mean?" Nakakunot kong noo na tanong sa kanya.
Mga ilang minuto siya bago makapagsalita. I know him for being kind and angelic but when he's about to smile, an evil formed on his eyes.
"Gusto mong mainlove si Ace sayo, diba? Then Cat, trust me. Let me do the move. Tutulongan kita."
Fern's POV
"Grabe! busog na busog ako Ace! Thank you! Bukas ulit!" nasandal ako sa isang upuan sa isang room na teritoryo daw ni Ace habang hinihimas ko 'yong tyan ko na busog na busog. Kami lang dalawa dito, siya naka upo din at nakapikit ang mata. Mukhang inaantok yata?
"Paano kang hindi mabubusog? E ang takaw mo!" sabi niya habang nakapikit parin. Tinapunan ko siya ng unan pero hindi parin siya gumagalaw.
"Minsan napapaisip ako kung halimaw ka o halimaw ka nga ba talaga?" sabi ko. Kumunot yung noo niya pero nakapikit parin.
"Anong kaibahan non?"
"Ang halimaw ay may puso pa pero ang halimaw nga talaga, pure halimaw talaga. Saan ka ba doon?" Tanong ko.
"Wag mong isipin na naging mabait ako kasi nilibre kita kaya mo sinasabi ang mga bagay na yan. Tandaan mo miss Fake, minsan kailangan ko rin umacting para maging makatotohanan ang pagpapanggap natin". sabi ko nga e, wala lang yung libre na yon. Asa pa ba ako na magiging mabait ang isang Mr. Worst? Gugunaw na lang siguro ang mundo hinding hindi mangyayari 'yon.
"Pero bakit mo ako pinagpanggap na girlfriend mo? Alam ko may dahilan yun e." di ko parin kasi alam kung bakit siya naghahire kung sino maging Gf niya. Sigurado naman kahit sinong ligawan niya sasagutin siya, hitsura pa lang pati stado ng buhay eh. Wag mo lang talaga isama ang ugali. May dahilan ang lahat ng bagay kaya gusto kong malaman kung ano 'yon.
"It's nothing to do with you. Wag mo ng alamin, para mo na rin pinake-alaman ang buhay ko. Diba nag sabi ko, wag mong kang magtatanong tungkol sa personal life ko? Isa pa Fern, isa pa, gagahasain kita." pananakot niya sakin pero nakapikit parin siya.
Ayan na naman siya e. Parati niya akong tinatakot ng ganyan, nalaman niya kasi takot ako sa mga ganyang bagay kasi alam niyo na one of the crime yan diba? Buti pa siya may alam sa personal life ko pero ako wala.
"Hindi na!" sigaw ko. Ngumisi lang siya.
Nanood na lang ako ng T.V at siya naman mukhang tulog na. Humihilik na kasi.
"Paano malalaman kung mabait ang isang tao?" sabi nong host sa Psycho expert na kasama niya sa T.V show niya.
"Kung ang hintuturo mo ay umabot sa dulo ng forehead ng tao at yun thumb mo ay umabot sa chin naman." atsaka nila dinemonstrate. Ganon pala yon? Ngayon ko lang nalaman 'yon ah. Nahagip ng mata ko si Ace.
Masubukan nga sa kanya, kung papasa ba siya sa test na yon.Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Ini-angat ko naman yung kamay ko at pinagmasdan ang hintuturo at thumb ko atsaka ko dahan dahan nilagay sa mukha niya. Hindi umabot ang hintuturo ko sa dulo ng noo niya. Hindi siya mabait! Confirm!
Naramdaman kong humawak siya sa beywang ko at dahan dahan niyang minulat ang mata niya. Napahawak na lang ako sa dibdib niya kasi nilapit niya ako ng kaunti sa kanya.
"Kung gusto mo akong halikan, sabihin mo lang ibibigay ko naman eh, wag yung mag nanakaw ka na lang." medyo antok niyang sabi.
Sino sabing gusto ko siyang halikan? Kapal ng mukha ng lalakeng to, ang hangin!
"Hawig mo ang libro, kapal mo." mahinahong sabi ko habang ganon parin yung posisyon namin.
"Gusto mo naman." ngumisi pa siya. Maya maya pa'y may biglang bumukas ng malakas ang pinto.
"Uy may naghahalikan pala, tara labas muna tayo." Sabi ni Hermen. Pumasok ang mga barkada niya bigla at sinipa pa ang pinto. Tinulak ko siya at napabitiw naman siya sa kakahawak sa beywang ko at tumayo na ako at ngumiti sa kanila. Si Vien lang at Owen ang ngumiti, si Hermen dirediretso kay Ace at si Froze tumingin lang saglit at di na ako pinansin.
"Hanep ka Ace! Tindi mo na sa chic ah. Ano kamusta? Nag Enoy ba kayo?" binatukan ni Ace si Hermen. Kahit na ano kasi ang sinasabi e. Di naman kami naghahalikan muntik lang.
"Walang halikan ang naganap." sabi ko para malinawan sila.
"Huh?! eh ang slow mo pala!" Dagdag ni Vien. Porket ba magnet siya ng chics ganyan na siya magsalita, pero wag niyang ikukumpara si Ace sa kanya, Ibang ibang sila.
Di umimik si Ace at nag de kwatro siya ng upo.
"So saan na ang pag titripan natin? Kanina pa ako nabobored e." Humikab pa siya.
"Pwede ka ng pumasok!" nakangising sigaw ni Hermen sa pinto. Teka? Anong meron?.
May pumasok naman sa pinto. Isang lalake na nakayuko.
"Ricky!" sigaw ko ng mapuna ko siya. Ngumiti ako sa kanya pero siya tinignan niya lang ako ng malungkot.
"Pumosisyon ka na." Sabi ni Ace. Naglakad naman si Ricky papunta sa Isang malaking Dart board at pumosisyon doon.
"Sinong unang titira?" pasigaw na aniya ni Hermen.
"Ako na siguro." pakanta namang sabi ni Vien. Kumuha siya ng dart at pumwesto sa harap ni Ricky.
Teka? Baka matamaan si Ricky! Ano bang ginagawa nila? Masama yan ah. Nong Titira na sana si Vien ay pinigilan ko ang kamay niya.
"Baka matamaan siya." Sabi ko kay Vien. matulis ang Dart at baka matamaan ang ulo niya. Ngumiti lang si Vien sa akin kasabay ng pag hila ni Owen sa aking kaliwang kamay atsaka niya tinira yong Dart kay Ricky. Napapikit ako, natatakot akong makakita ng namamatay sa harap ko. Ano ba naman kasing trip nila? kasama pa ang buhay ng tao!
"See? Hindi siya natamaan, don't worry Darling, We are all professional when it comes to dart Game." sabi niya a. Tinignan ko si Ricky, nakapikit siya at namumutla. Bahagya kong nilipat ang tingin ko kay Ace,
Nakangisi lang siya habang tinitignan si Ricky tsaka siya kumuha ng dart. Ibig sabihin, siya na yung titira. Nang maka posisyon si Ace, naghanda na ako. Alam ko kahit anong sasabihin ko, hindi niya ako pakikinggan.
Tinabig ko na ang kamay ni Owen na nakahawak sa Braso ko at dali dali akong lumapit kay Ricky atska ko siya hinawakan sa kamay at sabay kaming tumakbo palabas.
"Fern!" narinig ko pang sumigaw si Ace, galit na galit siya base sa narinig kong boses pero wala akong pake sa kanya. Sobrang sama ng ginagawa nila. Hindi kaya ng konsensya ko ang may ganitong tao ang nasasaktan, dahil sa pagiging dominant nila.
Hinihingal kaming huminto sa isang field. binitawan ko naman ang kamay niya.
"Ba't mo ba ako tinakas doon?" Tanong ni Ricky. Tinignan ko siya ng masama.
"Gusto mong mamatay?!" sinigawan ko siya sa tenga. Napalayo naman siya at kinapa ang tenga niya.
"Ako din naman ang may kasalanan kung bakit napunta ako sa ganoong sitwasyon." yumuko siya at naguguilty. Maya maya pinunasan niya yung pisngi niya, siguro dahil sa luha. Oo, umiiyak siya.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Kasi.." Nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya pero tinignan ko siya ng masama kaya in the end sinabi na niya.
"Binenta ko kasi yung mga pictures niya sa mga girls dito sa school" kahit ako siguro bubug bugin ko ang taong ito pag nalaman kong binenta niya pictures ko.
"Kumita ka naman?" Tanong ko. Tumango naman siya at lumuwa yung mata ko. Aba't pwede ko rin pala ibenta pictures ni Ace?
"Anong mga pictures naman?" tanong ko.
Inisip niya muna bago sinabing "May naka Topless, Naka upo, nakadamit pambabae, ah hindi bakla boyfriend mo, dare lang yun ng mga kaibigan niya, at yung kumakain siya ng lollipop nung bata pa siya pero yon lang ang hindi kumita, medyo maliit lang kasi na pictures ang na scan ko kaya di ko nalang binenta, nasayangan kasi ako, ang cute pa naman si Idol. Gusto ko nga pag nagpagawa ako ng museum, siya yung iveview ko."
Grabe ang lalaking to, ano bang meron kay Ace na Idol na Idol niya? Gusto niya pang magpagawa ng museum dahil kay Ace? Ano ba si Ace? Santo ba yan at ngayon ko lang nalaman. Ba't wala sa kanya kung i bully siya ng taong iyon.
"Saan ba yong mga pictures na bata pa si Ace?" tanong ko. Alam niyo kasi, gusto kong pagtripan si Ace. Gusto kong mag-alburuto yung mukha niya dahil sa akin at gusto ko rin ipagtanggol si Ricky sa kanya. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya! Alam niya bang masama yon? Buhay ni Ricky ang nakataya doon.
"Bakit?" Pagtatakang tanong niya.
"Wag ka ng magtanong! kung ayaw mong ako ang magbibigay sayo ng empyerno! Akin na!" utos ko sa kanya. Oh diba? phobia na ata ng mga studyante dito yong pagiging dominant ni Ace kaya kahit marinig nila sa iba natataranta sila gaya na lang netong si Ricky. Dali dali lang naman niyang may kinuha sa bag niya at nong nakita na niya binigay niya sa akin.
"Eto oh." napangiti naman ako. At mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko ang mga pictures ni Ace. Ang cute niya, para siyang nawalan ng brief sa mukha niya sa pictures.
"Salamat." sabi ko.
"May bayad pala yan."
"Bugbog o pera. Mamili ka." pananakot ko sa kanya.
"sabi ko nga eh, libre na yan, hehehe"-Ricky.
Nagtaka ako kung paano niya nakuha ang mga litrato pero di ko na pinansin. Siguro dahil sobrang moderno na ng mundo kaya madali na lang makuha ang mga bagay na akala mo imposibleng makuha.
Biglang tumunog ang bell. Nagpa-alam na siya sa akin. Tamang tama! vacant time ko ngayon, mapagtripan nga si Ace.
Ace POV
"Fern!"
Tumakbo na lang silang dalawa. Violation ang ginawa niya sa mga rules ko ah, hinawakan lang naman niya yung kamay ni Ricky. Diba nga bawal makipag kamay sa kanya? It means bawal din siya makipaghawak kahit sino. Lagot sakin yang babaeng yan mamaya!
"Ang tindi talaga mag isip ng fake girlfriend mo Ace." sabi ni Owen na natatawa.
"Gusto ko rin ng ganyang girlfriend, nakakainggit ka naman." sabi ni Vien.
"Shut up both of you." Sabi ko. Napansin ko si Froze na tahimik lang nanonood sa amin, wala man lang ka emo-emosyon yung mukha niya. Para bang ang lalim ng iniisip niya.
"Napano ka?" finally, nagawa ko rin magtanong sa kanya.
"Huh? Napano ba ako?... Wala naman." sabi niya at umupo sa sofa atsaka naglaro ng Phone niya. May kakaiba sa kanya e. Bilang kaibigan alam ko yon. Bakit kasi ang hilig niyang maglihim sa amin.
"Kuya Ace!" May babaeng pumasok sa room ko. Kuya Ace? Seriously?
"Oy! Rika! bakit?" Si Icy pala, kapatid ni Froze. Ahead ko ng isang taon sa kanya. Hinihingal pa siyang pumasok at hinihila yung kamay ko.
"Ano ba!" ayaw ko ng hinahawakan ako e. Baka kasi ma infect ako ng dumi niya.
"May ipapakita ako sayo! Bilisan mo kasi!" hingal pa niyang sabi. Tinabig ko ang kamay niya sabay sabing 'kaya ko sarili ko'.
Sumunod ako sa kanya at ang mga mokong sumusunod din sa akin sa likod. Papunta kami sa isang bulletin board? F*ck! ano naman kayang meron? Pinagguguluhan kasi ng mga iilang studyante doon e. Anong meron?
**
"Ang cute ni Ace!"
"KYAAHH!! Ganito pala mukha ni Ace nung bata pa?"
"Naka brief pa siya o tsaka kumakain ng lollipop habang umiiyak, ang cute."
Nasa likod pa ako ng mga viewers ng picture ko pero tanaw na tanaw ko na yung pictures. Isang pictures lang, isa lang pero nakakainit ng dugo.
"Sinong naglagay niyan dyan?" malamig kong sabi pero sa kaloob looban ko, galit na galit na ako. Binigyan naman ako ng daan ng mga tao sa harapan ko tsaka ako lumapit sa bulletin board at tinignan pa ito ng husto. Kinuha ko ito at pinunit.
"Sabihin niyo! Sinong naglagay neto dito!" sigaw kong sabi. Natakot ata yung mga tao doon kasi napa-atras sila, pero wla akong pake-alam. Gusto kong malaman kung sino ang naglagay doon ng pictures ko.
Maya maya may nagtaas ng kamay sa likuran. Ah, gustong gusto talaga ng Ricky na ito ang mabugbog e.
"Ang alam ko ang girlfriend mo." sabi niya ng pautal utal.
Bumalik na kami ng teritoryo ko. Gago talagang Fern na yan! Siya lang nakaka pag init ng ulo ko ng sobra. Nilibre ko siya kanina pero ganito ang gagawin niya sa akin? Papahiyain niya lang ako? Walang utang na loob na babaeng yon. Sana pinutok na lang siya ng tatay niya sa bedsheet para wala ng sakit ng ulo.
Kanina pa ako mura ng mura dito. Nakaka-asar talaga ang topaking babaeng yon. Saan na ba yon? Siguro nagtatago? Matakot na siya sa akin! Hindi ko papalagpasin yung ginawa niya.
"Ano kaya pwedeng kabaliwan na pwedeng gawin kay Fern?" tanong ko kay Hermen. Ayaw kong sumumbat sa kanya, gusto kong gumanti sa paraan kagaya ng ginawa niya.
"Bro, diba ayaw ni Fern sa mga beauty pageant kasi wala siyang sexy body, petite at hindi katalinuhan?" sabi ni Hermen. Nasabi ko na rin pala yon sa kanila. Nag Scan kasi ako last time at nakinood na lang din sila sa akin.
"Oo bro bakit mo natanong?"
"ba't di na lang kaya magkaroon ka ng campus activity na ganong pageant at isali mo si Fern doon?" sabi niya. Magandang idea yun ah! Kung ganon kailangan niyang paghandaan ang susunod na mangyayari sa kanya.
"Bigla ka atang tumalino ngayon." sabay tayo ko at timing naman kumidlat at kumulog sa labas. Nakisabay din ang panahon sa nararamdaman ko. Makakaganti na ako, sa wakas!
**
***WHAT: Mouseton Pageant Night"
WHERE: @Mouseton University's Gymnasium
WHEN: Saturday evening
The Following are the candidates:
1.Santisima, Maria T
2.Basangsisiw, Erika M.
3.Longga, Nisa R.
4. Boo, Ang S.
15. Tricco, Fern Jade***
Sila yong nag volunteer na sumali, sinali ko na din si Fern. Kakatapos lang mai-print yung mga posters maya maya lang ipapamigay na 'to. May malaking poster din na nakasabit sa bulletin board may kasama pang mukha ng mga kandidata syempre andon din yung mukha ni Fern.
"Ready?" sabi ko sa mga mokong. Tumango silang lahat.
Nasa hagdan kami at inihulog lang namin ang mga posters at makukuha na ng mga iilang studyante na naglalakad sa baba.
Ano kaya magiging reaksyon ni Fern pag nakita niya 'to?
Fern's POV
"Jade, gusto mong kumain?" tanong pa niya.
"sige." Tinanggap ko naman yung pagkain na binigay niya sa akin. Grabe lang kinikilig talaga ako sa kanya pero he acts like a friend nga lang.
"Akala ko talaga Light galit ka sakin ,noong nakaraang araw." Sabi ko at kinagat ang burger.
"Ba't naman ako magagalit?"
"E, kasi di mo ko pinansin noon." nagtatampong ani ko. Ginulo niya lang ang buhok ko at tumayo na kami.
Habang naglalakad di naming maiwasan na magkwentuhan.
"Di ako galit, di lang talaga ako showy, mahirap na baka kasi may mga paparazzi dito"
"Kaya pala.. Uh, Light?" nahihiya ako kung itatanong ko sa kanya o huwag na lang.
"Hmm?"
Lumunok ako ng laway bago magsalita.
"Paano kayo nagkakilala ni Ace?" mali! Mali natanong ko! Gusto ko lang sana itanong kung mahal niya ako o hindi. Nauutal talaga ako pag kinakabahan kaya anong nasasabi ko.
"Hmm.. ganito kasi yan Jade, noo--"
"Fern! ang sweet talaga ng boyfriend mo, akalain mo yon, sa sobrang pagmamahal niya sayo, sinali ka niya sa beauty pageant." di natapos ang pagsasalita ni Light nang may biglang sumulpot na babae. Kaklase ko siya sa literature pero nakalimutan ko yung name.
"Huh?" Pagtataka kong tanong.
"Eto oh." may inabot siya sa akin papel at binasa ko naman ito.Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Lokong Ace na yon! Alam niyang di ako mahilig jan tapos isasali niya ako? Pero kung akala niya nagtagumpay siya sa mga plano niya, akala niya lang yon. May maganda akong plano. Planong maganda kasing ganda ko.
Mr. Worst, you might enjoy my game.
BINABASA MO ANG
NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)
RomantikHighest rank #11 in Humor Category Ang ating bidang babae na nagngangalan Fern Jade Tricco ay tunay na nagmamahal kay Light na isang gwapong actor. Lahat susulungin niya mapasakamay lang ang puso ng binata. Kahit magkasugat sugat na sa pagiging ext...