BOOK 2

1.4K 10 2
                                    

Now Hiring: Girlfriend for Mr. Worst II

THE GIRL ONCE HE HIRED

Prologue

"Welcome back to the Philippines, Ms. Eveny Quiraff." ani ng aming director, Mr. Morda. Ngumiti ako at nakipag beso bilang pag tanggap ng pagbati nila sa akin. Sa likuran niya'y kanyang team na makakasama ko sa malaking project na ito.

Nag-iisa lamang ako'ng pinadala ng aming Kompanya para sa gaganaping proyekto. Although there are almost 50 Sales officer in Mahathna Holdings, ako lamang ang pinayagan dahil ako'y may dugong pinoy at higit sa lahat may talentong maipapakita.

"Thank you, Mr. Morda. Tama ka, ngayon lang ulit ako nakabalik." Mr. Morda was my mentor during my training in his Company. Nang umangat ang aking Career, some of their sister companies offered me a better job, I chose Mahathna Holdings because of its huge disposition worldwide.

Ang mga kasama niya sa likuran ay binati rin ako. May naglagay pa ng bulaklaking necklace bilang pag welcome sa akin. Tumawa ako at medyo nakiliti dahil doon. Sumakay kami ng SUV para sa chineck ing hotel ni Mr. Morda para sa akin. Ang sabi niya'y doon muna ako magpahinga at parang jetlag pa rin ako. Hindi na ako tumangi.

The old man finally went home and his team after they accompanied me here. Tinanggal ko ang aking Stilettos at humiga sa kama. I'm still wearing my body con black dress, at parang tinatamad ako mag ayos. Pagod na pagod ako sa mahabang byahe.

Tumunog ang aking phone at alam ko na agad kung sino ang tumatawag.

"Eveny." His voice was husky. Marahil ay kakagising lamang ito. "How was your flight?" pangangamusta niya.

"Okay naman. Hmm, bagong gising ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Maliligo na ako para sa trabaho." aniya. Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya, marahil ay bumabangon na siya.

"I miss you! Wala pa nga akong mahigit isang araw dito. Paano na lang kaya sa loob ng anim na buwan?" para akong batang gustong bilhan ng kendi. Kung pwede lang sumunod siya rito.

"I'll visit you then pag hindi na hectic ang schedule ko. Tapos aayusin ko na rin ang kulang natin para mag tuloy tuloy na." sabi niya. Tumango ako kahit hindi niya kita.

"Okay." Maligayang ani ko.

"Tatawag ako bukas, kakamustahin kita ulit. I love you.." aniya.

"I love you too, Rand. See you soon.'

Tsaka na niya pinatay ang tawag.

NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon