chap8:

34 5 0
                                    

DMHS
CHAP8

Nagulat naman si Yieun sa biglaang nagsalita sa kanyang harap. Napakunot-noo naman ito sa biglaang pag-eeksina.

“Are you one of his diehard fans?”tanong niya at nginitian ito.

Napangiti rin ang kausap ni Yieun at yumuko para maglapit ang mukha nilang dalawa. “Stop messing Dr.Chansung smile, you wouldn’t like it,” sagot nito saka tinalikuran ang binata.

Npataas-kilay naman si Yieun at sinundan ng tingin ito palabas ng shop. “It’s my pleasure messing his life,”sabi niya sa sarili saka inubos ang kape.

Tahimik naman na nakasandal at nakapikit si Chansung sa loob ng kanyang opisina. Mahimbing itong nagtutulog. Napagpasayahan na magpahinga muna ni Chansung lalo pa ngayong madalang na lang ang pumupunta sa kanila dahil sa pagdawit ng pangalan niya sa naturang krimen.

Around 8pm
Sa isang mamahaling restaurant shop, may nag-uusap na dalawang babae

Alam mo ba mukhang tama nga ang sabi-sabi at balita tungkol kay Dr.Chansung.”sumbong ng babaeng napusod ang buhok sa kasama nitong babae na nakalugay naman ang buhok.

Nakasuot ang naturang babae ng kulay blue na dress habang ang kausap naman niya ay nakapeach dress. Nasa 30’s na ang edad ng dalawa at mukhang may angking yaman sila dahil sa mga alahas na suot nila.

Ano naman pinagsasabi mo? Ang hot nga ni Dr. Chansung eh,”pagtutol naman ng kausap nito.

Paano naman kasi girl, sinabihan ba naman ako itigil ko na raw ang pakikipagrelasyon sa tiyuhin niya?”sumbong naman nito.

“What?! Oh my gosh Jella pano niya nalaman?”shock na tanong naman ng babae.

“Hindi ko alam at alam mo mas nakakatakot ng sabihin niyang hindi ko magugustuhan ang kahahantangan ko,”sagot naman niya.

Humaba pa ang usapan ng dalawa hanggang napagdesisyunan nila na umuwi. Magkaibang daanan ang dalawa kaya nauna nang umalis si Jella sa kanyang kaibigan. Nasa isang madilim na kanto siya nagdadrive nang bigla siyang nahiyaw kadahilanang nabangga siya sa isang poste ng kuryente.

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon