5:clue or clueless

201 8 2
                                    

After 3 days…

Naisugod na nga si YiEun sa malapit na ospital matapos siyang tumamo ng sugat sa tagiliran. Kakalabas nga lang niya ng ospital at kasalukuyang bumalik na din siya sa kanyang trabaho kahit inabisuhan siya ng kanyang boss na magpahinga na muna.

“Tol magpahinga kana muna. Hindi pa magaling ang sugat mo” wika ng kapartner nito na nasa tabing table naman niya sa opisina nila.

“May balita kana ba sa sumaksak sa akin?” usisa ni YiEun habang nakasandal naman sa swivel chair niya.

“Nahihirapan ako tol, sabi mo nakahood na jacket, may sombrero pa at nakamask. Ayun sa mga kasamahan mo dun wala silang napansin na ganung tao. Mahihirapan tayo dahil walang CCTV ang apartel mo pare. Lumipat kana kaya?”

Napahampas naman si YiEun sa mesa nito na siyang ikinagulat ng ibang kasamahan nila. “Humanda sa akin ang hinayupak na yun”

“May suspek kana ba? Sa dami ba naman ng nakasalakay mong taong tol”

Bigla na nga itong tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. “May pupuntahan lang ako”

Nagulat naman ang kapartner niya sa biglaang pag-alis niya. “Saan ka pupunta?! Tssk, tigas ng ulo talaga” napailing na nga lang ito.

Abala naman si Chansung sa pagsusuri ng mga pasyente niya. Habang si Nutella naman ay kakadating lang din dahil inutusan ito ng doctor.

“Doc, ito na po ang pinabibili niyong Americano” inilapag na nga ni Nutella ang binili nitong Americano sa mesa ng doctor.

Natigilan naman si Chansung at napatingin sa cup ng Americano at biglang nakakunot-noo na tinignan si Nutella. “Nutella what’s with red ribbon?”

Inosente namang tinignan ni Nutella ang styro-cup.  “Style po ng bagong shop diyan sa harap natin”

“Ayy oo doc, pogi nga ng bagong owner diyan” sumingit naman ang pasyente nito.

“Nasa 40’s na yun, pogi pa yun sayo?” pagsusungit ni Nutella sa babaeng pasyente ni Chansung na  parang sasabog na ang dibdib nito sa laki.

Taas-kilay naman niyang tinignan si Nutella. “Age doesn’t matter in love”

“Enough, Nutella lumabas kana” pang-aawat naman ni Chansung sa kanila.

Itinuloy na nga ni Chansung ang kanyang ginagawa at palabas na si Nutella ng natigilan ito pagbukas niya ng pintuan ng office ng doctor.

“Mr.YiEun?” ani Nutella.

Natigilan naman si Chansung at napatingin sa pintuan nito. Nakita nga niyang nakatayo dun sa gilid si YiEun at nakapamulsa pa ito habang nakatingin ng masama sa kanya.

“Miss Saysay bumalik na lang po kayo next week para sa sched ng operation niyo. thank you, Nutella please lead Miss Saysay outside” ani Chansung.

Sinamahan na nga ni Nutella ang binibini sa labas habang pumasok naman si YiEun saka isinara ang pintuan bago lumapit sa binata at biglang hinila nito ang lab gown ng binata.

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon