3: it might be you...

236 12 12
                                    

Late na dumating si Chansung sa clinic nito at pagdating niya dun bumungad agad sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na sina Dr. Choi at Dra.Asis. Sila din ang katuwang ni Chansung sa mga operasyon na ginagawa nito sa clinic niya. Madalas on-call lang sila at binabayaran sila ni Chansung per operation na ginagawa nila. 

"Anong ginagawa niyo dito?" usisa nito pagkakita niya sa dalawa sa waiting area ng clinic nito.

"Lumulutang naman ang isip mo Chansung. Ngayon kaya ang schedule ng operasyon ni Ms.Layka" pagreremind naman ni Dra.Asis sa kaniya.

Natigilan nga si Chansung at nilingon si Nutella para kumpirmahin.

"Ngayon nga po ang schedule ni Ms.Layka, doc" pagkukumpirma naman ni Nutella.

"Hindi na yun dadating" tipid na sagot nito.

"Paano mo nalaman? Nagtext ba siya sayo?" usisa ni Dr.Choi.

"Tssk, watch the news and you'll know" tinalikuran na nga niya ang dalawa pero tumigil naman siya sa harap ng pintuan ng opisina niya. "Leave as soon as possible" 

Napailing na nga lang ang dalawang doktor sa kanya at ipinaandar nga ni Nutella ang telebisyon.

"He never change, Nutella hindi ka ba nababagot sa ugali ng boss mo?" usisa naman ni Dra.Asis sa dalaga.

"Nope, I'm immune to it already" napangiti naman siya sa dalawa pagkatapos niyang sagutin ang tanong.

"Aisht no doubt pareho kayong weird" napailing na nga lang si Dr.Choi. 

"Chansung mauna na kami!!" pamamaalam ng dalawa sa kanya

Umalis na nga ang dalawang doktor at naiwan naman si Nutella na nanonood ng balita.  

 

"Aalis ka doc?" usisa ni Nutella kay Chansung ng mapansin nito na lumabas ng opisina niya at hawak-hawak ang susi ng sasakyan nito.

"I'll be back in an hour" sagot nito.

Samantala si YiEun naman ay abala sa isang crime scene sa park. Nagbabalakid sila ng mga taong pilit na lumalapit sa crime scene. Madaming tao nakiususyo sa nasabing crime scene. Isang babaeng patay naman ang natagpuan sa ilalim ng tulay at tulad ng mga naunang krimen isang mahiwagang palatandaan naman ang iniwan nito. Ang pulang ribbon na itinali sa leeg ng biktima. 

 

"Shit, sino ba ang halimaw na gumawa nito sa kanya?" usisa ni Janus, ang kapartner ni YiEun.

"Ang taong pumatay din sa lima pangbiktima. Naidentify na ba ang biktima?" usisa ni YiEun.

"Hindi pa pare, hinahanap pa ang posibleng pagkatao ng biktima" ani Janus.

"Ano kaya ang motibo ng salarin sa pagpatay?" tanong ni YiEun sa kanyang sarili. Hinarap niya ang partner. "Pare sabihan mo ako kapag may balita na sa pagkatao ng biktima huh. May pupuntahan lang ako" pagpaalam nito at umalis na nga siya.

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon