chap9

21 2 3
                                    



"Ahhh, nakakamiss na magtrabaho. Bakit kasi isinara pa ang clinic?"himutok ni Nutella at isinubsob nito ang mukha sa bar counter.

"Nagtanong ka pa? Diba alam mo naman kung bakit?" sagot naman ng lalaking busy sa kakagawa ng kape na nasa harap naman ni Nutella. Napatingin ito sa kamay ni Nutellla, "ano naman kinababaliwan mo at nasugatan ka?"

Napatingin naman angg dilag sa kanyang kamay, "ito? Pamatay oras lang bro. Siya I'll go with the wind," tumayo na ito at lumabas ng café.


Napasunod naman ng tingin ang naturang lalaki sa paglabas ni Nutella.

Habang sa opisina naman nina Yieun, may pagpupulong na nagaganap.


"Men we already have the warrant of arrest, may karapatan na tayong arrestuhin si Dr.Chansung,"wika ng chief nila at samo't-saring reaksyon ang namuo sa loob ng opisina.


Napangiti naman si Yieun sa kanyang nadinig. Pagkatapos nga ng meeting nila inaresto na nila agad si Chansung bilang prime suspect sa Red Ribbon Massacre. Nasurpresa man pero kusang sumama naman ni Chansung sa kanila.


"Told you last laugh will be mine Dr.Chansung or should I call you Chansung the murderer?"pang-iinis ni Yieun kay Chansung habang tinitignan niya ito sa rear mirror.

Napacrook-smile naman si Chansung, "are you sure? I'm here to clean my name not to admit it."

"Nakakatulog ka pa ba ng mahimbing? Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan,"sagot naman ni Yieun.

"Waste your time efficiently Detective Yieun. Make it sure you have enough sources to point on me,"sagot naman ni Chansung.


Sa cafeteria ng forensic office...


*"Idinakip na nga ang bachelor surgeon na si Dr.Chansung Lee bilang isa sa mga prime suspect ng Red Ribbon Massacre Case. Mabibigyan na nga ba ng tuldok ang krimeng ito?"

"Grabe, sinong aakala na siya nga ang pumapatay?"kumento ng babaeng may makapal na eyeglasses.

"He is still innocent until he is proven guilty. Huwag kang bibigay ng conclusion kung chismis lang pinagbabasehan mo,"sabi naman ni Jin sa katrabaho nito.

"Ano pa bang proof kailangan eh halos lahat ng evidence pinopoint siya,"singit naman ng lalaking nasa 30's nito.

"Hindi lahat, remember the victim found in junk shop? Walang koneksyon doon ang suspek. Also the teenage victim, iyong gabi na pinatay ang dilag. Dr.Chansung was out of town,"pagpapaliwanag naman ni Jin.

"Paano mo alam?"usisa ng mga katrabaho nito.

"I have an eye with that case,"tipid na sagot nito at nagpaalam nang umalis.


Few days after...

Nasa interrogation room sina Yieun, Chansung at iba pang mga kasama nila na incharge sa binata. Nakaupo si Chansung sa isang stool habang nakapusas sang mga kamay nito sa maliit na mesa. Nasa harap naman niya ang isang matiponong lalaki at nasa gilid lang si Yieun at ang buddy nito. Habang ang matataas na opisyal naman nila ay nasa kabilang ng silid nakikinig sa pag-iinterogate kay Chansung.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon