1: THE DETECTIVE, THE ASSISTANT and THE DOCTOR

456 19 13
                                    

"Isang bangkay ng babae natagpuan sa bakanteng lote dito sa Sta. Ana at ayun sa pulisya tulad lang din ito sa krimeng nangyari noong nakaraang linggo kung saan ang biktma ay isa ring babae na sinaksak ng paulit-ulit. Iisang palatandaan ang iniiwan ng may sala ng mga krimeng ito at iyon ay ang pulang ribbon na nakatali sa bawat leeg ng biktima na may nakasulat na do't mess his smile" balita ng reporter sa telebisyon na pinanonood ni Nutella.

"Magandang umaga doc" bilang masayahing babae napaall-out smile na bati si Nutella sa kanyang boss.

Napatigil naman si Chansung sa harap ng mesa ni Nutella. Tinangka niyang hawakan ang kanang kamay ni Nutella pero bigla itong napaatras.

"Bawat tao may maitim na lihim. Takot ka bang malaman nila?" napacrook smile naman si Chansung. "Alam mo ba kung bakit pinapatay ng killer ang mga babaeng yan?" bigla namang napaseryoso ang mukha nito habang tinitingnan si Nutella.

"Ba-ba-kit??" naiilang na tanong ni Nutella.

"Dahil sa obsession Nutella" simpleng sagot nito saka tumungo sa kanyang opisina.

Naiwan naman si Nutella na nakanganga lang. 

Kahit mahigit sa limang taon ng magkakilala si Nutella at Chansung hindi parin sanay ang dilag sa kawerduhan ng boss at kaibigan na din. Lumaki si Nutella sa isang bahay hapunan dahil maagang namatay ang kanyang mga magulang sa isang krimeng siya mismo nakasaksi. Sa kabila ng pangyayaring iyon lumaki siya na positibo ang pananaw sa buhay. Hanggang tumuntong siya sa tamang edad at nagpasyang tumungo sa siyudad para hanapin ang saril. Nagtrabaho siya bilang personal na sekretarya ng ina ni Chansung na siyang kaibigan na din ng ina nito. Tinuring na rin siyang parang anak ni Mrs. Lee at doon siya pinatira sa baha nila. Pormal naman siya kung tratuhin ni Chansung pero never sila naging close dahil na din sa kawerduhan ng binata. Noong nakapasa na si Chansung sa pagiging doktor niya agad itong nagbuo ng sarili niyang klinika at simula noon naging sekretarya na nga niya si Nutella dahil sa request ng ina nito.

Samantala sa opisina ng crime investigation team. Halos kakadating lang din nila galing sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at kasalukuyang nagpupulong naman sila.

"Sa loob ng dalawang buwan nakalimang biktima na ang hinayupak na taong ito at tayo wala paring matukoy na suspek. Men wake up!!" singhal ng head nila.

"Eh sa mahirap hanapin ang suspek eh. Mautak at pinagplanuhan niya ng maigi ang bawat krimeng kanyang tatangkain sir" ani Kinith.

"Yun nga eh dapat maging mautak din tayo!" napahampas naman niya sa mesa ang files ng mga biktima. "Kung kailangan natin libutin lahat ng tindahan ng mga ribbon gagawin natin. "

"Ako na po sir bahala sa pagbisita sa mga tindahan" suhestiyon ni Yi Eun.

"Nagmamagaling naman." Parinig naman ni Jay sa kanya.

 

Hindi na nga umimik si Yi Eun sa mga pang-aasar ng kasamahan nito. Bilang isang junior detective madalas siyang pagtripan ng mga senior niya dahil sa inggit nila sa kagalingang ipinapapamalas niya. Ang krimeng lumalaganap ngayon ay isang hamon para sa kanya kung paano niya mahuli ang tao o mga taong pumapatay.

"Mama??" usisa ng batang lalaki ng madatnan niya ang kanyang ina na duguan at humahagulgol sa patio ng bahay nila. "Ano nangyari? Bakit duguan ka?"

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon