4: PROOF

234 10 10
                                    

Sa opisina ng Crime Investigation Team...

Nagdidiskusiyon ang buong team sa kasong nagpapatwist ng kanilang utak. Ang kasong pinangalanang  "The Ribbon Crime".

'"Men ito ang mga posibleng suspect natin sa krimen na ito" inilantad nga ng head nila ang mga litrato ng posibleng killer.

 

Pinag-aralan nga ng buong team ang mga naturang files ng mga posibleng files. Seryoso namang pinag-aralan ni YiEUN ang mga litrato at may hinahanap siyang litrato na hindi niya makita.

"Sir bakit hindi kasali si Dr.Chansung sa listahan niyo?" usisa nito.

Natuon naman ang tingin ng lahat sa kanya. "Yung sikat na plastic surgeon ibig mong sabihin? Kumukuha ka ba ng bato para ipokpok sa sarili mo?" pang-iinsulto naman ni Jay sa kanya.

"Porke't sikat hindi ba pwede maging suspek?" tigang na sagot ni YiEun.

 

Nagsimula na ngang magbulong-bulungan ang mga kasamahan nito.

"Hindi niyo po ba naisip ang mga koneksyon ng biktima sa doktor na yan? Una si Jena, ayun sa manager niya ang huling paalam nito ay magkikita sila ni Chansung at ganun din sa tatlo pang biktima. Mas malakas ang posibilidad sa doktor na iyon" todong pagpapaliwanag naman ni YiEun kaya napaisip din ang mga kasama nito.

"Pero kilalang doktor ito at galing sa marangal na pamilya YiEun" ani ng head nila.

"Ibig niyo bang sabihin dahil mahirap ang mga ito at may mga krimen na nagawa kaya sila ang may mas malaking posibilidad na maging suspek?! Yan ang mahirap sa bansa natin eh walang hustisya ang mga taong mahihirap laban sa mga mayayaman!" hindi na nga napigilan ang kanyang emosyon.

 

Nagula nga ang lahat sa inasal ng binata. Naging tahimik ang buong opisina nila sa nangyari.

"Kwenikwestiyon mo ba ang kapabilidad ko detective YiEun?!" nagagalaiting wika ng head nila. "From now on hindi kana kasali sa operasyong ito! Dismiss!!" dugtong niya sabay walk-out.

"Bibida-bida kasi.." banat naman ni Jay sa kanya saka umalis.

"Pare dahan-dahan ka lang kasi" dugtong naman ni Mar.

 

Napasuntok na nga lang si YiEun sa mesa ng makaalis na ang kanyang mga kasamahan. Lumabas na din siya ng opisina at umalis.

Samantala, abala naman sina Chansung sa isang operasyon na kanilang tinatahak ngayon habang si Nutella ay busy naman kakaasikaso sa ibang kliyente nila. May bigla ngang pumasok klinika nila.

"Nasaan si Doktor Chansung?" dali-daling usisa ng matandang babae pagpasok nito.

Natuon naman sa kanya ang atensyon ng tao dun kaya napasugod sa kanya si Nutella.

"Lola, may operasyon po si Dr. Chansung. Ano po maililingkod namin?" mahinahanong usisa ni Nutella sa matanda at ipinaupo niya ito sa bakanteng upuan malapit sa pintuan nila.

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon