2: clueless

276 14 11
                                    

"Next stop is Kikay's hand gift shop" wika ni YiEun sa sarili saka ipinaandar ang kanyang kotse.

Nakailang labas pasok na din si YiEun sa mga school supplies, gift shops at accesories shops para magtanong-tanong tungkol sa pulang ribbon. Iyong listahan ng mga bumili nun, oras ng pagkabili o anu pang dapat malaman. Busy siya kakausap sa may-ari ng tindahan ng may tumawag sa cellphone niya kaya nagpasya muna siyang lumabas.

"Kaya pala ganun na lang siya kawerdo dahil sa nangyari sa kanyang ama. Kaya pala masama ang trato niya sa akin. Sige partner magkita nalang tayo at salamat sa info." Matapos kausapin ni YiEun ang partner niya agad siyang bumalik sa loob ng tindahan.

"Detective!!" palabas na sana si Nutella ng tindahan ng mapansin niya si YiEun na papasok sa isang silid kaya tinawag niya ito.

Napatigil naman si YiEun at hinanap nga ang tumatawag sa kanya hanggang napatuon ang kanyang pansin sa dako ni Nutella. Nilapitan naman niya ang dilag nakangiting tinitingnan siya.

 

"Ano ginagawa mo dito detective?" usisa sa kanya ni NUtella

"May tinitingnan lang ako" tipid na sagot ni YiEun.

"Ahh,sige mauna na ako" pagpapaalam naman sa kanya ng dalaga.

'Teka, pwede ba kitang makausap?' tanong ni YiEun sa kanya.

Napatingin muna si Nutella sa kanyang relo. "Sige, may isang oras pa akong natira."

"Salamat, sandali lang kausapin ko lang ang may-ari babalik din ako agad." Umalis na nga si YiEun para tumungo sa opisina ng may-ari.

Nagpasya naman si Nutella na sa labas na lang maghintay. Napabunot naman siya sa kanyang bulsa ng kanyang teleponong selular dahil may tumatawag.

 

"Nandito pa ako sa gift shop at mamaya pa ang balik ko sa opisina" iritableng sagot niya sa kausap sa kabilang linya at agad niyang binaba ang tawag.

"Let's go" yaya ni YiEun sa kanya.

 

Napangiti naman ito sa binata. Umalis na nga sila at tumungo sa isang maliit na restaurant malapit lang sa klinika na pinagtrabahuhan ni Nutella. Madaming tao kaya sa labas na sila puwemesto at kumain. Nag-order lang sila ng halo-halo.

"Ganun talaga ang boss ko maraming weird things nalalaman at sinasabi" kumento ni Nutella habang sarap na sarap sa pagkain ng halo-halo.

"May napansin ka bang espesyal na turingin ng boss mo at ni Ms.Ho o sino man sa mga kliyente niyo?" usisa naman ni YiEun sa kanya.

Napatigil naman sa pagkain si Nutella at tiningnan ang binata ng seryoso. Hindi rin kumurap si YiEun sa pagtitig sa kanya habang naghihintay ng nakakathrill na sagot.

"Puff! Hindi type ni Doctor Chansung ang retokada" napahalakgak naman ito.

Napapigil si YiEun na magmura sa inis nito sa dalaga. "Bakit pa siya nagtayo ng ganung negosyo at nag-aral kung ayaw naman pala niya" supladong wika nito.

don't mess his smile...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon