Chapter 2
ARAYA'S POV (SPECIAL)
"Hoy Probinsyana, umalis ka na nga dito." sabi sakin ni Iko habang naglilibot ako sa sala nila. Eh kaganda naman kasi ng bahay nila! Nakakatuwa pa yung mga anghel na palamuti. Nakakatuwang tingnan para kang nasa langit! tapos yung sahig ang kintab kintab! Nakakahiya tuloy yung tunog ng bakya ko kaya binitbit ko na lang...
"Wag kang mag aalala Iko. Kakausapin ko lang naman ang mga magulang mo... ipapaaalam ko lang sa kanila ang tungkol sa karamdaman mo. "
"Psh." at nagdekwatro sya ng upo. Muli kong binalik ang atensyon ko sa bahay nila. Nakita ko yung mga pictures. May mga family pictures saka may mga pictures din na may nakalagay na pangalan. Isa isa ko iyong binasa.
ANGELICO ARAGON... eh kacute naman pala nya noong bata sya! kahit na hindi nakangiti, ang taba ng pisngi!
ANGELO ARAGON... hmm magkamukhang magkamukha talaga sila. ang pinagkaiba lang, nakangiti sil Elo. nakakagiliw!
MIYU DALE ARAGON... aww ang cute ni Miyu wala halos naiba sa mukha nya noong bata pa sya. Liban na nga lang sa ngayon eh dalaga na sya.. ke gandang bata nire..
Napakunot noo ako ng masilayan ang isa pang litrato..
"MAYU ASH ARAGON?" nagtatakang sambit ko. Aba eh diba si Miyu din ito? Bakit dalawa ang litrato niya pero magkaiba yung pangalan?
"Araya.." napalingon ako ng tawagin ako ni Ma'am Asha.
"Hello po Ma'am."
"Please sit down." saka nya tinuro ang upuan sa tabi ni Iko.
Naupo naman ako at natuwa ako sa lambot ng kutson. Animo higaan ng anghel! Bakit ba pakiramdam ko para akong nasa langit pag pasok ko pa lang sa bahay na 'to? Hindi kaya patay na ko?
Kung hindi ko pa nakita ang nakamamatay na tingin ni Iko ay hindi ako magigising sa reyalidad na nasa mundong ibabaw pa din ako at tila awtomatik na natigil ako sa pag testing na lambot ng kutson.
"Pasensya na po.." hinging paumanhin ko kay Ma'am Asha.
"Tawagin mo na lang akong Tita tutal pinsan ka naman daw pala ni Venus? Her Family is a friend of our Family kaya hindi ka na din naiiba samin.."
"Ay sige po, Tita.." kahit na nakakailang eh sinunod ko na din.
"Maiba ako. may sasabihin ka daw samin tungkol kay Iko? Pagpasensyahan mo na at sadyang masungit talaga yang anak ko."
"Ok lang ho iyon sakin. Ang totoo nyan, sa tingin ko kailangan nyo pong patingnan si Iko sa Doktor." medyo kinakabahan pa akong napasulyap kay Iko na masama pa din ang tingin sakin pero para sa kanya din naman ang ginagawa kong ito.
"Huh? What's the problem Anak? Are you not feeling well?" puno ng pangamba na tanong ng Nanay nya sa kanya.
"Nay, it's up to you if you will believe this woman. Simpleng iPhone5 hindi nya nga kilala! She also accused me of using drugs because I was talking to Mayu's photo. She's such an idiot." napatingin na lang ako kay Iko ng tumayo sya.
Napalunok ako't nahihiyang tumingin ako kay ma'am Asha.
"Pagpasensyahan mo na si Iko.''
"You don't need to say sorry to that naive girl Nay."
Patayo na sana ako para umalis ng pumasok sina Venice at Elo magkaholding hands.
"Araya! Kanina ka pa hinahanap ng pinsan mo ah?" agad na bungad ni Venice sakin. "Anong ginagawa mo dito? Good afternoon po Tita." bati nya kay Ma'am Asha.
BINABASA MO ANG
Dear LoveBug (PUBLISHED)
Teen FictionAragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the wave of life.