Dara’sPOV
“Congrats!” malakas na hiyawan ng mga kla-alyansa ko ng malaman namin ang resulta ng botohan para sa Student Council. Panalo lang naman kaming lahat!
“Congrats!” lumapit ako kay Elo na busy sa cellphone nya. Sa sobrang saya ko nayakap ko sya .. well normal lang naman samin yun .. talagang ganoon kami ka-close ni Elo, kaya nga kami naging mag bestfriend.
“So it’s call for celebration?” nangingiti kong tanong sa kanya. Ginulo nya yung buhok ko at saka tumanggi.
“Pass muna ko .. kayo na lang ..” sagot nya samin.
“Hey .. ikaw ang President .. hindi ka dapat mawala.” Harang ng isa naming kasama. Tiningnan nya naman ako kaya pinilit ko na din sya.
“Wag kang KJ oy ..”
“Sorry Dara .. gusto ko lang bumawi kay Venice .. sa department nila tayo nakakuha ng pinakamaraming boto .. I know she work hard too para matulungan tayo .. so in return .. iti-treat ko sya .. saka miss ko na din yung babae na yun.” Napalunok ako as I hear what he says.
Tama, sa Tourism Department nga kami nakakuha ng pinakamaraming boto .. pero unfair naman yata kung si Venice lang ang makikita nyang nag effort sa campaign. Eh ano namang laban ko sa babaeng yun? Bata pa lang kami malaki na ang gusto nya kay Venice .. si Venice na lang ang lagi nyang nakikita, si Venice ang magaling; si Venice ang maganda, si Venice ang cute.
Eh ako? Ako .. ang dakilang bestfriend nya .. forever supporter.
“Ganito na lang guys! Bukas na lang tayo mag celebrate ok?”
Nag sitanguan naman ang mga kasama namin sa sinabi ni Elo, kaya wala na akong nagawa.
“Tara?” aya sakin ni Elo .. uwian na at sobra na syang excited ibalita kay Venice ang pagkapanalo namin.
Magkasabay kaming lumakad palabas ng Student Council Room. “Alam mo Dara, marami na akong plano sa buong sem natin .. this school year, I will give my hundred percent para sa school natin .. at syempre .. with your help ..” inakbayan nya pa ako dahilan para pansamantalang matigil ang paghinga ko ..
Hindi ko alam kung kailan nabago ang pagtingin ko para kay Elo .. basta naramdaman ko na lang sa sarili kong iba na ang turing ko sa kanya .. hindi na simpleng magkaibigan. Kinakakabahan na ako pag nakikita ko sya, natutuwa ako pag pinupuri nya ako, nako concious ako pag nagkakalapit kami . parang ngayon lang .. sobrang lapit nya .. yun tipong ramdam ko yung balat ny sa balat ko ..
Alam kong mali dahil may iba na syang mahal .. at hanggang pagkakaibigan lang talaga kami.
“Ano sa tingin mo Dara?”
“Hah?” he caught me off guard.
“Lutang ka na naman dyan ..” sabay pitik nya sa ilong ko. Napa simangot naman ako. “ Alam mo minsan naiisip ko ng may nagugustuhan ka .. madalas kasing wala ka sa sarili .. baka naman gusto mong i-share ang tungkol sa maswerteng lalaki na yan?” kung alam nya lang ..
“Wala aH .. di ang ako makapaniwala na nanalo talaga tayo .” sagot ko na lang.
“Di ka makapaniwala? Well dapat ka ng maniwala dahil kasama mo ko .. ako pa?” pagmamayabang nya sakin.
“Yeah right.” Irap ko sa kanya.
Paliko na sana kami ng Hall para pumunta ng Garden kung saan kami tumatambay ng makasabay kami ng ilang mga estudyanteng nagmamadali papuntang Gym.
“Tol anong meron?”
“First practice ng cheer dance ngayon .. “
Napataas agad ang kilay ko ng marinig yun .. so anong meron? Practice lang naman.
BINABASA MO ANG
Dear LoveBug (PUBLISHED)
Teen FictionAragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the wave of life.