Chapter 60.1

120K 2.7K 1.5K
                                    

A/N : MAGHANDA NG TISSUE O KAYA PANYO. TEKA MAGBUBULLET PROOF VEST MUNA KO HUEHUE .. PEACE TAYO GUYS!

Miyu’s POV

All white. Blurred. Silence.

Yan ang bumungad sakin pagmulat ko ng mga mata ko. Pansamantalang  akong natulala. Pinilit kong ibalik sa isipan ko ang mga nangyari. Kung bakit ako nandito. Anong ginagawa ko. Kung ano bang nangyari sa akin. Then suddenly .. I remember ..

The van. My friends. The vacation. The accident.

Biglang nagflash back sakin ang mga nangyari . Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Ang huling nangyari. Tumulo ang luha ko ..

Pero maya maya lang ay may pagmamadali akong tumayo .. tinangka kong umalis .. pero naramdaman ko ang sakit sa bandang kamay ko, malapit sa pulso ko .. napatingin ako doon .. nakita ako ang karayom na nakatusok sakin .. pinalandas ko ang tingin ko sa maliit na tubo na nakasaksak sa kamay ko papunta sa dextrose.

Wala akong maramdamang sakit. Pero ng Makita ko ang pagpatak ng dugo mula doon ay bigla akong naghisterikal .. nakita ko ang mga kaibigan ko . si Kuya Elo at Iko .. parang bigla kong narinig ang mga huli nilang sinabi ..

I started to cry. Hanggang sa hindi ko na na namalayan na napalakas na ang pag iyak ko .. Nakita kong pumasok sila Nanay at Tatay.

“Princess ..” yakap nila sakin ..

“Where’s Kuya Iko?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. 

“Nasa ICU pa ang Kuya Iko mo.” Sagot ni Tatay sa akin.

I can’t breath. But there’s still hope .. lumalaban pa si Kuya Iko.

“Si Kuya Elo?” Tanong ko ulit.

Nanay started to cry. Nakikita ko pang pinipigil nya pa ang paglakas nito, si Tatay naman ay tila pinipigil ang pagpatak ng luha nya pero hindi nakatakas sa mata ko ang pagpatak nito na agad nyang pinahid.

“Wala na ang Kuya Elo mo.” Basag ang boses ni Tatay ng magsalita sya.

Natulala ako sa una saka umiling, tila gripong nabuksan ang mata ko at nag unahan ang luha dito ..

“No.. no..” tanggi ko .. “ Hindi pwede .. Tatay you’re just kidding right ? matapang si Kuya Elo .. di nya tayo pwedeng iwan .” pilit kong pinaniniwala ang sarili ko.

“Miyu calm down. Dead on arrival na  ang Kuya mo ng dalhin dito .. he’s gone.”  Umiiyak na paliwanag ni Nanay.

“No.” umiiyak na sagot ko. Ayokong maniwala. Di ako makapaniwala.

“I’m sorry Princess. I’m sorry.” They both hugged me tight. But the feeling is empty.

Masakit malaman na wala na si Kuya Elo,  Pero alam kong mas doble pa ang sakit nito Kina Nanay at Tatay.

Parang biglang nagbalik sa ala ala ko yung  mga masasayang  ala ala naming ni Kuya . He is the best and most sweet and caring Kuya I ever had.  Napakarami nya pang pangarap sa buhay  at napaka unfair na bigla na lang syang kinuha.

Biglang pumasok sa isip ko si Ate Venice. “ Alam na ba ni Ate Venice?”

Tatay shook his head. “Not yet. And we don’t know how to start telling her about this.” Nanay keeps on sobbing. Naawa ako kay Nanay. Hindi na natigil ang pag iyak nya simula pa kaninang pumasok dito.

On the other hand naawa din ako kay Ate Venice .. kaka-engage lang nila  , tapos malalaman nyang wala na ang fiancee niya? Paano na lang yung mga pangarap nila ?

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon