Chapter 3

260K 3.8K 1K
                                    

Chapter 3

Dara’s POV

“Dara!” napahinto ako sa pinto ng kwarto ko at napatingin sa tatlong maton na nasa harapan ko.

“Anong meron? Bakit nandito kayo lahat?” nakaaas ang kilay na tanong ko sa mga kuya ko.

“Bakit Dara di mo ba kami namiss?”

“Namiss. Allowance ko?” sabay  lahad ko ng kamay sa kanila.”Ouch.” hawak ang ulo na sinapok ni Kuya JR.

“Kararating lang namin Allowance ka na agad. Di ka ba binibigyan ni Daddy?” tanong ni Kuya JC.

“Hehe .. kala ko makakalusot ako eh.”

Inakbayan ako nila Kuya papasok sa Kusina namin na punong puno ng mga pagkain. Ganoon talaga tuwing umuuwi sila .. di na kasi sila dito nakatira .. may sarili silang bahay kung saan sila umuuwi.  Walang nagmana kay Dad sa pagiging Business Minded nya. At ako ang tutulad kay Dad.

“Kamusta pala ang School Dara? Isang taon na lang graduate ka na ..” saka ginulo ni Kuya JC ang buhok ko.

“Yup one year na lang. Tumatakbo nga pala ako sa pag ka vice ng Student Council ng School. Eh kayo kamusta na kayo? May mga babae na bang natipalok sa inyo?” tanong ko habang kinukuha ang isang slice ng Pizza.

Walang sumagot sakin kaya isa isa ko silang tiningnan. “Huy! Ano? Wala pa rin? Ang hihina nyo naman!” sabi ko ng makitang wala silang intensyon sa mga sinasabi ko. “Ilang taon na kayo? Twenty seven? Tatlong taon na lang wala na sa kalendaryo ang edad nyo pero wala pa din kayong balak mag asawa?”

Hindi nila ako tinitingnan habang nagsasalita ako. Ganyan naman sila eh .. ewan ko ba .. “Ang alam ko ang sabi lang naman ni Dad wag kayong mag asawa ng di pa kayo nakakatapos para walang tumulad sa kanila ni Mom .. eh ano na ? balak nyo bang mag forever single?”

“Dara .. di pa lang talaga namin nakikita ang nararapat samin.”

“Nye nye ..” inis kong sagot kay Kuya JC.

“Dara .. bakit ba atat kang mag asawa kami? Eh gusto lang naman namin masiguradong makatapos ka bago kami lumagay sa tahimik eh.”

Napairap na lang ako sa sagot ni Kuya JR.

“Kuya .. I’m okay .. makakatapos ako ngh pag aaral .. di kayo mabibigo sakin. Kaya don’t worry na ha?” isa isa kong tinapik ang mga balikat nila bago tumalikod. “Sallamat sa Foods .. see ya later .. magmi meeting lang kami ni Elo.”saka ko sila tinalikuran.

“Dara ..” napahinto ako at humarap sa kanila.

“Don’t you ever let your self  be the cause of broken relationship. Tandaan mo .. pwede mo syang mahalin .. pero dapat alam mi kung hanggang saan lang dapat.” Bahagya akong natulala sa sinabi ni Kuya JR.

I know .. ang tinutukoy nila ay si Elo.

Tumalaikod na lang ako at nagmamadaling naglakad palabas. Iniisip ko yung sinabi ni Kuya JR .. oo at hanggang ngayon mahal ko pa din si  Elo. Tatlong taon na akong nagtitiis .. tatlong taon ko ng sinusubukan syang kalimutan .. tatlong taon na sila ni venice .. ayokong maging dahilan ng paghihiwalay nila ..  at alam kong di mangyayari yun .. mahal na mahal ni Elo si Venice ..

Nang makarating ako ng  bahay nila Elo ay agad ko syang hinanap kay Tito Dale na kasalukuyang nakaupo sa sofa ng bahay nila.

“Good Evening Tito .. nandyan po ba si Elo?”

“Si Elo? Kaaalis lang nya .. may lakad ata sila ni Venice.”

“Po?”

Nakalimutan ata ni elo na gagawa kami ng speech  para sa pag iikot para mangampanya ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon