Chapter 11

214K 3.2K 841
                                    

Malakas na ulan na sinabayan ng malamig na hangin ang bumungad kay Dara paglabas nya ng bahay nila,  napailing ang dalaga dahil hindi nya naiwasan mapabuntung hininga .. bakit ba parang sumasabay sa nararamdaman nya ang panahon .. parang malamig din ang pakiramdam nya, maulan .. simula kagabi pa .. hindi halos sya nakatulog sa isang bagay na para sa kanya nakakatatwa .. magmula ng malaman nya ang isang elemneto ng emosyon na tinatawag na pagmamahal , si Elo lang ang naiisip nya .. pero kagabi .. walang iba ang nasa isip nya kung hindi si Iko.

Ang mga patingin tingin nito, ang kakaibang trato nito sa kanya at ang pagiging palangiti nito.

Hindi maikakatwa na simula ng dumating si Araya sa buhay nya nagbago ito ..

Nilabas nya ang kamay sa ulan dahilan para mabasa ang kamay nya .. pero hindi pa sya natuwa .. dahan dahan syang humakbang na ikinabasa ng buo nyang katawan .. napapangiti sya ng maramdaman ang lamig ng ulan na dumadampi sa katwan nya .. matagal na panahon na rin simula ng maramdaman nya ito ..

Parang batang nagsimula syang maglaro sa gitna ng ulanan .. ngunit habang tumatagal sumasabay sa agos ng tubig sa katawan nya ang agos ng luha nya .. naaramdamn nya ang lungkot .. lungkot na itinago nya sa mahabang panahon dala ng pagmamahal nya sa lalaking hindi naman sya kayang mahalin ..

Sa gitna ng kalsada nahinto sya at hindi sinasadya na mapatingin sa katabi nilang malaking bahay .. sa terrace ng malaking bahay ay nakita nya ang lalaking laman ng isip nya buong magdamag .. si Iko.

Hindi nya kinaya ang matagal na tingin nito kaya naman agad syang tumalaikod.

“Dara!” napahinto si Dara ng tawagin sya nito. Hindi nya maintindihan pero bigla syang napahinto, kilala nya ang boses na yun ..

Tinangka nyang wag lingunin si Iko .. naglakad sya palaapit sa gate ng bahay nila. Hindi nya pa kayang harapin si Iko.

“Dara .. hanggang kelan mo ba ako iiwasan? Bakit ba hindi mo ako hayaang mapalapit sayo.”

“Iko .. umuwi ka na ..” hindi lumilingon na sabi ni Dara.

“Hindi. Hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako kiankausap Dara.”

“Walang dahilan para mag usap tayo.”

“Meron Dara .. dahil may gusto akong sabihin sayo ..”

Dahan dahan napa lingon si Dara kay Iko .. “Ano?” tila kinabahn sya sa magiging sagot ng binata sa tanong nya, at sa uri  ng tingin nito parang gusto nyang bawiin yung sinabi nya.

Imbis na sumagot ang binata ay lumapit ito kay Dara, basang basa na din ito .. katulad ni Dara, mataman nyang tiningnan ang dalaga at ngumiti ng magkalapit sila .. dahan dahan din nyang pinatong ang mga kamy sa balikat ni Dara at pinaglandas paakyat sa  leeg nito hanggang umabot sa mukha ng dalaga, ninamnam ng binata ang lambot ng kutis ng dalaga, sa gitna ng ulan ay nagkatitigan lang sila.

“Iko ..”

“Dara ..”

Saka niyakap ng binata si Dara, mahigpit at punong puno ng pagmamahal, na sana dalangin ng binata sa pamamagitan ng yakap na yun ay maparamdam nya ang pagmamahal sa dalaga.

Higit isang minuto silang nagsalo sa yakap na iyon sa ilalim ng ulan.

“Daraaaaa! Wake up!”

Mabilis na napabangon si Dara sa kinahihigaan ng marinig ang mga katok sa pinto ng kwarto nya.

“Dara it’s already eight .. sasabay ka ba?” napatingin sya sa pinto .. hindi pa din sya nakakabawi sa panaginip nya.

“Yes Dad .. bababa na po!” hawak ang ulo na napabuntong hininga sya.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon