Clifford’s POV
Soccer sucks.
Kung hindi lang dahil kay Clinton never na ‘uli’ akong maglalaro ng soccer. Because soccer reminds me of her ..
Flashback 5 years ago ..
“Sige na Ken .. maglaro ka na for me?”
Napakaganda talaga nya .. she really looks like Barbie Doll .. di nga ba’t yun ang dahilan ko kaya tinawag ko syang Barbie ..
“Eh hindi nyo naman ako Team eh ..”
“Ok lang yan .. laro lang naman to ..”
“Di ako marunong ..”
“Tuturuan kita .. halika na!”
Wala akong nagawa kung hindi ang pagbigyan si Chelsea .. ang nag iisang Barbie ng buhay ko .. and she’s calling me Ken in return.
“Go Ken!” pag cheer nya sakin.
She used to play soccer at masasabi kong magaling nga sya ..”
“Ang galing mo Ken!” and she kissed me in my cheeks and hug me tight. How sweet of her.
But everything goes bitter.
“One week na syang hindi pumapasok .. wala nga kaming alam kung anong nangyari sa kanya .. basta ang alam namin .. nag drop na sya .. sorry Ken.”
Bigla na lang syang nawala na parang bula .. nag aaral sya sa isang exclusive school for girls malapit sa school kung saan kami pumapasok nila Clinton. Malapit sa Zeal Academy.
I used to sneak out every lunch .. and after school to see her. To date her.
Oo masikreto akong tao .. I didn’t say anything about her. I just hide her by the name of Barbie ..
And Barbie is gone.
End of flashback ..
‘Clifford that’s enough .. umalis na yung mga barkada mo .. off to bed ..” napatingin ako kay Mommy.
“Uubusin ko lang po ito ..” saka ko pinakita yung lata ng beer na iniinom ko.
“May pasok ka pa bukas ..”
“Last na po ito ..”
Pag si Mommy talaga ang kumakausap sakin napagsasalita ako.
“Anak .. can I ask you a very personal question?” tumabi sya sakin ng pagkakaupo sa balcon. Tiningnan ko lang sya at hinintay magtanong.
“Are you courting one of the Proffesor in Zeal Academy?”
Napalipat ang tingin ko sa mga lata ng beer na naubos namin,
“Mom –“
“You can’t lie to me Clifford .. malilinlang mo lahat ng tao sa paligid mo .. but not me .. I’m your mother.”
Napalunok muna ako bago magsalita. “Yes Mom. I’m courting Alliyah. She’s a twenty three years old professor and a single mother in Zeal Academy.”
“Oh Son ..” hindi ko mabasa ang reaksyon ni Mommy. Basta nakatingin lang sya sakin.
“My Baby is finally a man now..” niyakap nya ako. Bahagya akong nagulat , matagal na din since huli akong niyakap ni Mommy ng ganito katagal.
BINABASA MO ANG
Dear LoveBug (PUBLISHED)
Teen FictionAragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the wave of life.