Yesha's POV
Uwian na pero parang ayoko pang umuwi malapit na rin mag 6 p.m nandito ako sa covered court ng school nanonood ng basketball, nagpapalipas na rin ng oras. Naboboring din kasi ako sa bahay kapag umuwi ako ng maaga kaya madalas akong nandito sa covered court.
Nakikita ko yung mga babaeng nag chi-cheer, nakacostume sila. Ewan ko ba feeling ko Final na yung laban. hahahahhaha!
Nakita ko yung referee, pinapahinto lahat sa paglalaro halos nagkakagulo na. Pagtingin ko sa right side ko may lalaking na injured.
Gusto ko sanang tignan kung sino yun pero wag na lang, uuwi na 'ko. Tumayo na ako para makauwi na.
_____
Luke's POV
Habang nakatingin ako sa mga nagkakagulo dahil isa sa mga ka teammates ko ang napilayan may babaeng napadaan ...
sa hindi sinasadyang pangyayari kitang-kita ng dalawang mata ko na madudulas siya, so mabilis akong lumapit at sinalo siya mula sa pagkakadulas.
*______* ang bigat.
eye to eye *^*
ang ganda niya. ^.^
ang haba ng pilik mata. •~•"Ay, sorry." sabi niya at sabay tumayo at pinagpag ang uniporme niya.
"Wala kang kasalanan" sabi ko
ngumiti ako sa kaniya pero sorry pa rin siya ng sorry.
"Sorry talaga, ang clumsy ko sorry."
dinampot niya ang bag niya at mabilis na umalis sa harap ko.
"Bakit siya nagsosorry, wala naman siyang kasalanan." ang tanging nasabi ko
"Nice brad!" sabi ni Nathe, sabay hagis ng bola sa'kin at nasalo ko naman ito.
"Kilala niyo yun?"
"Hindi ko kilala eh, bakit love at first sight?"
sabi ni Nathe habang sumesenyas na ibalik ko sa kaniya ang bola malakas ko naman itong ibinalik sa kaniya.
"Hindi brad" - sabi ko
"Ako kilala ko yun pero hindi ko alam kung ano yung pangalan niya, madalas siyang kasama ni Sinichi eh."
eksena ng isa kong ka teammates na si Paul
"Ah ganun ba hayaan niyo na siya tara na sabay-sabay na tayo mag-dinner." sabi ni Nathe habang pinapaikot ang bola sa daliri niya.
"Tara na nga kumain na tayo, nagugutom na rin ako" - Paul
nauna na silang umalis wala na ring tao sa covered court, may nakita akong kumikinang. Singsing lang pala kanino naman 'to? pinasok ko sa bulsa ko yung singsing at sumunod na sa kanila.
_____
Yesha's POV
Nandito na ako sa bahay, nakakahiya naman yung nangyari kanina ang lampa ko talaga. :(
Simula kanina hindi ko na nakita si Sinichi, matawagan nga.
"Hello Yesha, bakit napatawag ka?"
"Wala lang saan ka pumunta kanina?"
"Ah umuwi na ako ang sama kasi ng pakiramdam ko nun bestfriend eh."
"Ah sure ka? pagaling ka oyyy!"
"Bakit hindi kaba naniniwala?"
"Naniniwala naman"
"Ahh, kumain kana Yesha?"
"Hindi pa" - ramdam kong nagrereklamo na rin yung tiyan ko.
"Bakit hindi pa?"
"Eh hindi pa eh!" sabi ko
"HAHAHAH, nagpapatawa ka nanaman, Bakit hindi nga? share mo naman!"
"Ayaw!"
"Sige naaa!"
"Ayaw ko nga!"
"Bakit ayaw mo?"
"Basta ayoko lang talaga."
"Luh, sige wag na lang bukas kwento mo ah?"
"Sabado bukas, walang pasok!" sabi ko
"Wala nga, samahan mo ako bukas."
"Anong oras?"
"8 a.m Yesha"
na shocked ako dahil ang aga, tanghali pa naman ako nagigising kapag walang pasok.
"Ang aga naman" reklamo ko
"Ayaw mo ba? kung ayaw mo ayos lang inaya ko din kasi si Lucy pero mas gusto kong ikaw na lang ang sumama sa'kin'
"Sige sige na, Oo na sasamahan kana, teka saan ba? kakain na ko Sinichi gutom na ko eh!"
"Hahahaha sige bye na, eat well"
"Sige bye!"
-- call ended.
BINABASA MO ANG
I met a Stupid Guy
RandomAng kuwentong ito ay naisulat ko noong March 31, 2015. Dalawang taon s'yang nakatago sa'kin kung kaya't handa na akong ipabasa at ipaalam sa inyo ang istorya ni Yesha Scarlett Rodriguez, at umaasa ako na sana ay mainspire ko kayo at mapasaya sa simp...