• Chapter 6 •

4 0 0
                                    

Yhana's POV

3 weeks na ang nagdaan, hindi pa rin pumapasok si Yesha. Nakita ko na lang na nasa harapan ko pala yung mga kaibigan ko na sina Faye, Micah at Magenta. Si Yesha lang ang kulang.

Si Micah tumatawa, Si Faye nakangisi at si Magenta naman naka-cross arms na halatang nagpipigil ng tawa.

"Yhana, Bakit ganyan itsura mo?" Magenta said, habang si Micah hawak-hawak pa rin yung bunganga niya katatawa.

"Ay sorry, Micah anong nakakatawa?" napangisi na lang ako.

"HAHAHAHHA, nakakatawa kasi mukha mo eh, sino ba iniisip mo at bakit tulala ka?" sabi ni Faye

"Si Yesha ang tagal niya ng hindi pumapasok." malungkot na sabi ko.

"Oo nga 4 weeks na." - sabi ni Micah

"Oo nga noh? ang tagal na, bisitahin kaya natin sa bahay niya at alam ko wala din s'yang kasama dun." - Magenta said.

"Bakit ngayon mo lang naisip yan Magenta? sige puntahan natin siya." - Micah said

na sa ngayon ay hindi na tumatawa, seryoso na siya. ^°^

_____

Sinichi's POV

Nandito ako sa Dorm. Sa isang kwarto may tatlong kama, air-conditioned din at kompleto lahat. Nakakapagtaka nga, Bakit ayaw ni Yesha mag dorm. tutal mag-isa lang siya sa bahay niya, naaawa na rin ako sa kaniya. Ang tagal ko na s'yang hindi nakikita, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko.

"Tara na brad papasok na tayo!"- Nathe said habang inaayos niya ang buhok niya sa harap ng salamin at ako naman ay nakaupo lang sa dulo ng kama.

Kasama ko si Nathe sa dorm. Basketball player si Nathe at kaibigan niya si Luke basketball player din. Hindi ako mahilig sa sports ang hobby ko lang ay ang magbasa at kumanta mahal ko ang musika madalas nga akong nasa music room.

"Sige Nathe, papasok na tayo." natatawang sabi ko at inayos ko na sarili ko at lumabas na kami.

Pumunta muna kami ni Nathe sa music room at umupo agad ako sa sofa, tinatamad na naman ako ngayon. -.-"

"Sinichi Blake, ano problema?" - Josh said.

wala naman akong problema e, wala lang ako sa mood. Si Josh pala ang music room coordinator ng school.

"hays, kanina pang-umaga ganyan yan!" - Nathe said.

"Kaya naman pala, bakit ba?" tanong ni Josh,  Question and answer ba ito? kinuha ko ang isang magazine sa lamesa na nasa harapan ko.

"H'wag niyo na nga akong kausapin wala lang talaga ko sa mood ngayon, pupunta na lang ako sa klase at mukhang doon manabago yung awra ko ngayon."

tinignan nila kong dalawa.

"Sinichi, ano bang nangyayari sa'yo? ang moody mo na para kang babae ha!" sabi ni Nathe

-_______-

"Baka gusto mong batuhin kita nitong hawak ko makaalis na nga!"

tumayo ako at pinatong ang magazine sa lamesa at umalis na.

"Pre, joke lang!" pahabol na sabi ni Nathe.

_____

Magenta's POV

Pupuntahan namin ngayon si Yesha, para malaman kung ano na nga ba ang nangyayari sa kaniya. Halos lahat kami tinatawagan siya pero hindi niya sinasagot kaya ito palabas na kami ng school.

"Hala may guard, Paano tayo makakalabas?"- sabi ni Micah

"Edi tumakas tara na!" - sabi ni Yhana

"Paano naman?" sagot ko

"Kung tatakas tayo dapat walang nakakaalam, kumbaga walang makakaalam kung walang nakakaalam." sabi ni Faye

ano daw? hindi ko gets. -.-"

"Tama na daldal mga Girls, let's go!" - sabi ko saktong may nakita kaming kotse na papasok sa gate pagkakataon na para tumakas.

sobrang laki ng bukas ng gate, dahan-dahan kaming tumakbo habang nakayuko dahil natatakpan kami ng kotse, may bisita yata ewan ko bahala na.

"Bilisan niyo guys, dali!" - sabi ni Faye

Pagkalabas ng gate, tumakbo kami ng mabilis.

takbo .... takbo .... takbo

Grabe ang saya, nahingal kaming apat pero okay lang.

"SUCCESS!" - sabi ni Yhana at nag-apir naman silang dalawa ni Micah.

"Tara na mag-commute na lang muna tayo." sabi ko, nagpara kami ng taxi at sumakay na.

*After 30 minutes*

nakarating na kami sa bahay ni Yesha.
hindi nakasarado ang gate, napansin kong wala rin siyang security guard. Mabuti ligtas pa rin siya kahit siya lang mag-isa. Pinindot naman ni Faye ang doorbell ng tatlong beses.

"H'wag kana mag doorbell, tara na pasok na tayo." sabi ko at sumunod naman sila hanggang sa nakarating na kami sa Pintuan ng bahay niya.

sinubukan naming kumatok.

"Wala naman yata si Yesha, nagsasayang lang tayo ng oras!" nakasimangot na sabi nj Faye, iniis talaga ko ng babae na 'to. -.-"

"Alam mo Faye kung kontra ka sa ginagawa naming tatlo, umuwi kana lang hayaan mo na lang kami." sabi ko sa kaniya na medyo naiinis na.

"Pati ba naman dito gagawa kayo ng eksena, please lang h'wag kayo magtalo please pumu ta tayo dito para kay Yesha kaya please manahimik kayo!" pagmamakaawa na sabi ni Yhana

"Tara na buksan na lang natin ang pinto para makapasok na tayo." Sabi ni Faye

Hinawakan ko ang door knob at binuksan na ang pinto.  Ang ganda ng loob ng bahay ni Yesha malaki pa pero hindi mo aakalain na siya lang mag-isang nakatira dito kung ako sa kaniya mag-dorm na lang siya.

hinanap. namin kung nasaan siya.

"Guys, baka nasa taas ang kwarto niya." sabi ni Micah.

"Tara, akyat tayo!" - sabi ni Yhana

habang papaakyat kami ng hagdan paulit-ulit namin tinatawag si Yesha.

"Yesha."

"Yesha"

"Yesha nasaan ka? nandito na kami."

may nakasaradong pinto at sigurado ako na kwarto ni Yesha ang pintuan na nasa harapan namin ngayon at sa pangalawang pagkakataon ako na naman ang nag bukas ng pinto.

Nadatnan namin si Yesha na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Unang pumasok si Yhana at nilapitan si Yesha, hinawakan niya ito sa forehead.

"Nilalagnat siya." - Yhana said

lumapit naman kami at hinawakan namin si Yesha, sobra siyang inaapoy ng lagnat.

nataranta naman kaming apat dahil 3 weeks siyang hindi pumapasok at hindi nag a-update sa amin kung ano na yung nangyayari sa kaniya. kaya sobra talaga kaming nag-aalala ngayon.

I met a Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon