• Chapter 4 •

9 1 0
                                    

Luke's POV

Walang pasok ngayon kung kaya nandito ako ngayon sa mall. Pumasok ako sa Bench Store kailangan ko na pa lang bumili ng bagong pabango at t-shirt.

Naghanap pa ako ng babagay sa'kin na damit at nakabili na rin ako ng pabango. Pumunta na 'ko sa cashier at nagbayad then lumabas na.

Pagkalabas ko may naririnig akong ingay.

"KINALIMUTAN NA KITA, HINDI NA KITA MAHAL"

sigaw ng babae, naglakad pa ako.
iba talaga kapag inrelationship ka, sakit lang sa ulo kita mo yan may nag-aaway na. -.-"

"PLEASE YESHA PATAWARIN MO NA 'KO, PINAGPALIT MO NA BA 'KO KAY SINICHI? AYAW MO NA BA SA'KIN?"

sabi ng lalaking nagmamakaawa sa harap ng babae.

"NO, MAGKAIBIGAN LANG KAMI NI SINICHI AT UNANG-UNA SA LAHAT WAG MO SIYA IDAMAY AT HULI NA 'TO BRYAN TANTANAN MO NA 'KO."

"SORRY NA YESHA, PATAWARIN MO NA KO PLEASE."

Napansin ko rin na padami na ng padami yung mga tao.

"Bryan tumigil kana, nakakahiya ka."

"Sorry na Yesha, magbabago na 'ko bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon please."

umalis na yung babae dahil ayaw niya rin siguro na pinagtitinginan sila.

"YESHA SANDALI LANG!"

Hinabol naman siya ng Lalaking humihingi ng sorry sa kaniya. nako parang teleserye lang ang drama hindi ko masyadong makita ng maayos ang mukha ng babae sa sobrang daming tao na nakikiintriga. Naglakad na 'ko para makaalis na sa scene na yun hahhahahha. Ang O.a kasi masyado -.-"

"ANO BA! ANG KULIT MO AYOKO NA NGA SABI EH, AYOKO NA! TUMIGIL KANA MAY MAHAL NA KONG IBA KAYA PLEASE LANG TUMIGIL KANA."

"SINO?"

Nagulat na lang ako ng may biglang humatak sa'kin.

"Siya!"

sabay hawak sa kamay ko at iniharap ako sa lalake.

"Nagpapatawa kaba Yesha?"

bigla akong namula at nahiya, Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, sobrang nakakahiya.

"KUNG AYAW MO MANIWALA, EDI H'WAG!"

sabay hinatak ako at tumakbo siya kaya napatakbo na rin ako.

Nang makalayo na kami, binitawan niya na 'ko at tinignan ako.

"IKAW?!!!" Gulat na gulat na sabi niya.

Bigla ko siyang natandaan, Siya yung babaeng nadulas kahapon.

tumalikod siya at hawak-hawak ang forehead niya.

"Uy bakit? may dumi ba sa mukha ko?"

umiling siya.

"Eh ano lang?

"Wala, uuwi na ko sorry sa nagawa ko."

mahinahon niyang sabi habang nakatalikod sa'kin.
patakbo na sana siya ng bigla ko s'yang hinawakan agad sa braso.

"Teka lang Yesha!"

humarap siya sa'kin.

"Bakit?

"Wala lang sige na makakauwi kana."

ningitian niya ko.

"Salamat pala--"

"Luke ang pangalan ko"

"Salamat Luke at pasensya na talaga sa nangyari kanina."

"Ayos lang, kaibigan mo pala si Sinichi."

"Oo actually kapatid na ang turing ko sa kaniya pero teka bakit mo siya kilala?"

"Nakita ko na siya dati na pinagkakaguluhan ng mga tao, artista ba yun, athlete o model?"

natawa siya sa sinabi ko.

"No, kahit isa sa sinabi mo wala. Malakas lang talaga yung karisma ni Sinichi pero alam mo ba ayaw na ayaw niya na pinagkakaguluhan siya."

"Ah ganun ba ang lakas kasi ng impact niya sa mga babae."

"Oo tama ka, maiba tayo bakit parang ngayon lang kita nakita?"

"Nag transfer ako kaya wala pa akong gaanong kilala pero varsity player na ako ngayon."

_____

Yesha's POV

Nakauwi na 'ko at hanggang ngayon hindi ko makalimutan yung eksena kanina sa Mall.
Pumunta-punta pa kasi ako dun eh ayan tuloy nakita ko si Bryan. Mabuti na lang si Luke yung nahila ko, kung ibang tao yun panigurado magrereklamo at malalagay na naman ako sa kahihiyan.

Si Bryan Lazaro ang first love ko, kaya sobra akong nasaktan sa kaniya.
Nasaktan ako dahil niloko niya ako, sobra akong nahirapan mag move-on dahil mahal na mahal ko siya at hanggang sa lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at isang taon naging okay na 'ko at nakaya ko na kahit wala siya. Nagawa ko na rin maging masaya kahit wala siya sa tabi ko pero ngayon? kung kailan okay na 'ko, kung kailan pagod na akong umasang babalikan niya 'ko, kung kailan nawala na yung pagmamahal ko sa kaniya, babalik siya para manghingi lang ng isa pang pagkakataon. Kung alam niyo lang kung gaano na karaming pagkakataon ang binigay ko sa kaniya sa likod ng mga kasalanang ginawa niya.

I met a Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon