• Chapter 1 •

20 2 0
                                    

Yesha's POV

"Yesha .. Yesha, Goodmorning time to wake up!"

sabi ng Alarm clock ko at sabay sinundan naman ng malalakas na tunog.

Oo nga pala yung alarm ko kakaiba, regalo sa akin yan ng boy bestfriend kong si Sinichi Blake noong 17th Birthday ko.
Si Sinichi ay Half Japanese at s'yempre gwapo siya, mabait at maaasahan sa lahat ng bagay ang kaso lang naiinis na ako sa mga tingin sa akin ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

kapatid na ang turing namin sa isa't-isa pero marami talagang mga matang mapanghusga. Hindi naman masama magkaroon ng lalaking kaibigan diba?
May mga bestfriends din ako at siya rin naman.

mula sa pagkakahiga ay bumangon na ako at pumunta ng c.r sapagkat may pasok pa.

Ako nga pala si Yesha Scarlett Rodriguez, 17 na ako. Maganda daw sabi nila well totoo naman pero mas naniniwala pa rin ako na ang tunay na kagandahan ay nasa panloob. Simple lang naman ako at masaya naman ang buhay ko kahit papaano pero nalulungkot ako dahil ang magulang ko ay nasa ibang bansa nagtatrabaho, madalas lang silang tumawag sa'kin at kung minsan dalawang beses lang sa isang buwan kung tawagan ako. Aaminin kong ang hirap malayo sa Pamilya dahil 17 years old pa lang ako pero umuuwi naman sila kapag bakasyon pero mas gusto ko pa na dito na lang sila sa Pilipinas magtrabaho tutal nag-iisang anak lang naman ako at hanggang ngayon hindi ko pa rin sila maintindihan kung bakit hinayaan nila akong mag-isa.

Oo feeling ko iniwan nila 'ko kahit na nagagawa at nabibili ko lahat ng gusto ko dahil sa perang binibigay nila sa'kin at hindi pa rin ako masaya. Hindi naman ako totally mag-isa sa buhay nalayo lang sina Mommy at Daddy, may mga kamag-anak din ako na nakakasama pero mag-isa lang ako sa bahay at kung minsan naman binibisita nila ako dahil yun ang gusto ni Mommy.
hanggang sa nakilala ko si Sinichi, na nagsilbing kuya ko.

_____

Sinichi's POV

Nandito ako sa labas ng school ang tagal ni Yesha, nandyan na naman ang mga babaeng nagsisigawan at nagkakagulo. sobrang nakakailang na.

bumaba ako sa kotse ko.

" Waaaaaa, nandyan na si Sinichi Blake!"

"Walang agawan sa akin siya noh!"

"Anong sa'yo, akin siya!"

Psh. -.-" ayan agad naririnig ko. Nakita ko si Yesha, nakangiti habang yakap-yakap ang libro niya. nakatayo siya sa waiting area at nilapitan ko naman siya.

"Goodmorning Sinichi." sabi niya

"Goodmorning din." - tugon ko

"Narinig niyo yun?"

"Tsk, nakakainis na talaga si Yesha!"

"Siguro may gusto si Sinichi kay Yesha, wag naman sana."

napansin kong nalungkot si Yesha sa narinig niya sa mga bulong-bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin kung kaya inaya ko na siyang pumasok sa loob ng school.

_____

Yesha's POV

Recess na, wala ako sa mood ngayon dahil na rin siguro sa ibang babae na naiinis sa'kin akala ko sanay na 'ko, hindi pa pala.

Pumunta ako sa cafeteria.

Nakita kong sabay-sabay na kumakain sina Faye, Micah, Magenta, at Yhana. My Four Bestfriends ^_____^ lumapit ako.

"Yesha, saan ka pumunta?" - Yhana said.

magsasalita na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Magenta.

"Tara na dito Yesha umupo ka at sumabay kana sa'min kumain."

umupo naman ako at sumabay na sa kanila.
hanggang sa natapos kaming kumain at bumalik na kami sa room.

Nilibot ko paningin ko ...

Wala si Sinichi, nasaan na yun?

_____

Prince Evan's POV

Nakita ko si Yesha nakatingin sa malayo mukhang may hinahanap and I'm sure si Sinichi na naman. -.-"

Ang ganda talaga pagmasdan ni Yesha yun nga lang maraming beses na akong na reject, maraming beses ko na s'yang niligawan pero wala pa rin. Kaya huminto na lang din ako dahil alam ko naman na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin.

Simula ng dumating sa buhay ni Yesha si Sinichi ang dami ng nagbago pati ang pagkakaibigan namin ni Yesha lumabo na dahil kay Sinichi.

Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa'kin lahat ng yun hinayaan ko lang dahil si Yesha pa rin talaga yung gusto ko.

Napakagandang babae ni Yesha, tahimik at matalino pero once na kinausap na siya, tuloy-tuloy na yung usapan na parang wala ng katapusan sa dami niyang kuwento.

I met a Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon