Yhana's POV
Binabantayan namin ngayon si Yesha, nilalagnat pala kaya hindi pumapasok. Naiwan kami ni Magenta sa kwarto niya at si Micah at Faye naman nasa kitchen maghahanap daw sila ng pwedeng ipakain kay Yesha at mukhang may naluto na sila.
"Kung dalhin kaya natin si Yesha sa hospital."- sabi ni Magenta at mukhang nag-aalala na talaga siya sa kalagayan ni Yesha.
biglang nagising si Yesha."Girlfriends kayo ba yan? ano sabi mo magenta dadalhin niyo 'ko sa Hospital?"- mahinang sabi ni Yesha.
"Oo Yesha dadalhin ka namin para gumaling kana." sabi ko.
"H'wag please ayoko, lagnat lang naman 'to at okay naman ako h'wag kayo mag-alala."
Biglang dumating sina Faye at Micah na may hawak-hawak ng tray na may pagkain.
"Kumain ka muna Yesha, pasensya na kung noodles lang pero mas mainam na rin 'to para mainitan tiyan mo." sabi ni Micah at ibinaba niya sa lamesa yung pagkain.
"Maraming salamat sa inyo." - sabi ni Yesha na may ngiti sa kaniyang labi.
"Walang anuman, sige na kumain kana, susubuan kita."
kinuha ni Magenta ang pagkain at pinakain na si Yesha. Nagsalita si Magenta.
"Yesha dadalhin ka namin sa hospital mamaya ah?"
"H'wag na ayoko, ayoko talaga."
"Bakit ba ayaw.mo? ilang araw kana bang nilalagnat? h'wag ng matigas ang ulo dadalhin kana namin sa hospital." - sabi ni Micah, napansin kong naluluha si Magenta kaya napaiyak na rin si Yesha.
"Please ayoko, dito na lang ako sa bahay magpapagaling please lang, sana maintindihan niyo ako pasensya na kayo ah? ayoko talaga pumunta sa Hospital."
sabi ni Yesha habang sunod-sunod na luha naman ang nakita kong bumagsak sa mata niya.
"Bahala ka Yesha kapag may nangyari sa'yong masama h'wag na h'wag mo kaming sisisihin ha!"
sabi ni Magenta, nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Magenta at pinatong ang mangkok ng noodles sa tray.
"Magenta sorry." - Yesha said
"Ayos lang naiintindihan ko, Yesha magpagaling ka kailangan na namin bumalik sa dorm. babantayan ka ni Yhana at kung ako sa'yo mag Dorm kana para hindi mo mafeel yung homesick dito sa bahay niyo at sorry na rin sa mga nasabi ko."
"H'wag kang magsorry Magenta sige umuwi na kayo at lubos akong nagpapasalamat sa pagbisita at pagkakaroon ng pake sa'kin mahal na mahal ko kayo."
"Mahal ka din namin Yesha."
"Sige magsi-uwi na kayo, ako na lang ang magbabantay kay Yesha." sabi ko at nagpaalam na sila kay Yesha at lumabas
na ng kwarto._____
Yesha's POVUmalis na si sina Magenta tanging si Yhana na lang ang natira, siya na din ang nagtuloy ng pagpapakain sa'kin. Ang swerte ko kasi may mga kaibigan akong kagaya nila.
"Yhana hindi ka paba babalik sa dorm niyo? okay lang ako duto."
"Hindi pa."
"Yhana maraming salamat sa inyo ah?"
ningitiian ko si Yhana at niyakap.
"Ano kaba Yesha, walang anuman alam mo ba kapag mabuti kang kaibigan at totoo ka sa sarili mo may magmamahal sa'yo at tatanggap kahit ano pa ang mga imperfections at flaws mo."
"Oo tama ka, Si Sinichi alam niya lahat ng kahinaan at kalakasan ko eh ang malungkot lang hindi niya ko binisita."
"Yesha h'wag kang magsalita ng ganyan inaalala ka nun at tsaka tignan mo kaya phone mo baka nagtext siya sa'yo, gagawa ako ng paraan papapuntahin ko siya dito bukas."
"Salamat Yhana." sabi ko
Binantayan niya ko, hanggang sa lumipas ang oras ay umuwi na rin siya at ako naman ay nakatulog na.
______
BINABASA MO ANG
I met a Stupid Guy
RandomAng kuwentong ito ay naisulat ko noong March 31, 2015. Dalawang taon s'yang nakatago sa'kin kung kaya't handa na akong ipabasa at ipaalam sa inyo ang istorya ni Yesha Scarlett Rodriguez, at umaasa ako na sana ay mainspire ko kayo at mapasaya sa simp...