• Chapter 9 •

2 1 0
                                    

Yesha's POV

Magaling na 'ko, tumingin ako sa orasan 6:03 a.m Ano bang nangyari kagabi?
nasaan na si Sinichi? Saan siya pumunta? ang naalala ko lang pinakain niya 'ko ng Pizza tapos mainit na sopas at pinainom ng gamot. Nasaan na ang box ng Pizza? wala na sa lamesa, niligpit na yata ni Sinichi. Bababa na sana ako ng kama ng makita ko na nakahiga si Sinichi sa sahig. Bakit sa sahig? pwede naman sa sofa na lang siya natulog. Ang himbing ng tulog niya wala man lang s'yang manangga sa lamig ako nga nilalamig pa rin eh. Kumuha ako ng kumot at kinumutan siya.

"Salamat Sinichi." - sabi ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina magluluto na lang ako ng almusal naming dalawa.

______

Luke's POV

Umaga na, ramdam ko yung sakit ng ulo ko dahil uminom nga pala ako kagabi. halos masubsob ko ang mukha ko sa unan ng bigla kong maalala na ngayon pala yung night party ni Margaret. Ang dami naman kasing alam hays.

Narinig kong may kumakatok.

"Anak gising kana ba?"

"Anak may pag-uusapan tayo."

sabi ni Mommy Veronica.

"Oo Ma, gising na 'ko."

binuksan ni Mama ang pinto at nilapitan ako.

"Anak bumangon kana d'yan!"

bigla akong nalungkot.

"Bakit ganyan mukha mo Luke? diba napag-usapan na natin 'to? wala ng urungan diba?"

"Mommy until now naguguluhan pa rin ako."

umupo si Mommy Veronica sa tabi ko.

"Anak gusto mo ba ako makulong ha?! ito lang naman yung paraan para matapos na 'tong problema ko kaya anak pumayag kana."

*Ma, anong problema ko? Problema natin Ma, H'wag lang ang sarili mo ang isipin mo ako din. Malaki na ako kaya may karapatan ako kung ano yung gusto kong gawin sa buhay ko."

basang-basa ko sa mga mata ni Mommy ang kalungkutan na nararamdaman niya.

"Anak sorry."

"Ayos lang Ma, sige na babangon na 'ko."

Yumakap sa'kin si Mommy at hinalikan ako sa noo at umalis na. Ayusin ko na raw ang sarili ko, maghanda na raw ako at wala akong magagawa kundi ang sundin si Mama dahil mahal ko siya.

_____

Sinichi's POV

Pag-gising ko, nakakumot na ako at wala na si Yesha sa higaan niya. Lumabas ako ng kwarto at may naaamoy akong mabango mukhang may niluluto si Yesha. ^____^
Pumunta ako sa kusina.

"Yesha magaling kana ba? Bakit ka nagluluto mag o-order na lang uli ako ng pagkain."

"Nako Sinichi h'wag na, mas masarap pa 'tong niluto ko."

sabay kaming napatawa ni Yesha, ngayon ko na lang uli siya nakitang ngumiti.

"Talaga lang ha!"

Pinatay ni Yesha ang gas stove at nilagay na sa lalagyan ang niluto niyang fried rice. Ang bango! ^o^

"Ang bango naman n'yan siguro masarap yang fried rice na niluto mo." sabi ko.

"Hindi lang siguro masarap talaga to, ako ba naman ang nag-luto."

Ang kulit niya naman ngayong araw nakaka-goodvibes.

"Umupo kana dito Sinichi at tayo'y kakain na."

Pumunta na ako sa lamesa at umupo na, ang bait ni Yesha tapos ang sipag pa. Nilagyan niya rin ako ng plato sa harap ko.

"Sinichi pasensya kana sa attitude ko kagabi ah pati na rin sa mga nasabi ko."

tumingin ako sa kaniya.

"Okay lang yun naiintindihan kita at sana hindi kana magkasakit ang sungit mo kapag may sakit ka eh!"

sabay naman kaming natawa.

"Hahaha nako ka talaga, kumain na nga tayo nagugutom na ako kanina pa."

sabay namin pinagsaluhan ang breakfast na inihanda niya.

"Bestfriend, alam mo ba may nawawala akong singsing."

O_____O

"Ha? kailan pa at saan mo naiwala?"

"Hindi ko alam kung saan tsaka ko lang siya naalala nung nandito na 'ko sa bahay."

"Anong singsing ba yun?"

patuloy pa rin kami sa pagkain habang nag-uusap.

"Bigay sa'kin ni Mommy yun at may sentimental value talaga siya para sa'kin basta silver at may diamond sa gitna then sa likod ng singsing, nakasulat pangalan ko."

may narinig kaming nag doorbell, tumayo si Yesha.

"Titignan ko lang Sinichi kung sino yun."

"H'wag na ako na lang, kumain kana lang d'yan."

Bumalik sa pagkakaupo si Yesha at ako na ang nagprisintang lumabas. Pagdating ko sa gate wala naman akong nakitang tao patalikod na sana ako ng naramdaman 'kong may naapakan ako.
Isang maliit na envelope. Dinampot ko naman ito at binasa.

Isang invitation card galing kay Luke Monteñero

tumakbo ako pabalik sa loob.

"Sino yung bisita Sinichi?" sabi ni Yesha

"Actually walang tao pero may iniwan na invitation card galing kay Luke, ito oh!"

binigay ko naman ito kay Yesha.

"Night Party punta tayo dito Sinichi please."

bigla 'kong naalala na mamayang gabi na pala yung flight ko papuntang Japan.

"Uy, Sinichi okay ka lang?" - tanong ni Yesha.

"Oo naman" - tugon ko.

"Ano punta tayo dito?" - sabi niya hindi agad ako nakasagot.

"Sinichi ano ba?! tinatanong kita."

"Oo sige punta tayo."

natuwa naman si Yesha.

"Para sayo sasamahan kita, Anong oras ba?"

"8 pm salamat Sinichi, sino kaya nagpadala nito."

sabay tingin sa invitation card.

"Ah si Luke nga pala hehe."

_____

I met a Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon