Sinichi's POV
Nandito ulit ako sa music room. Dalawang linggo na wala pa rin akong contact kay Yesha. Kung puntahan ko kaya siya sa bahay nila? nakakapanibago ang tagal niya ng wala nakakamiss tuloy. Isinama na ba siya ng parents niya sa ibang bansa? h'wag naman sana dahil ako malapit na rin akong bumalik sa Japan at inaayos ko na yung mga dapat ayusin pero wala akong balak sabihin kay Yesha na babalik na 'ko sa Japan isang taon lang naman ako dun at hindi naman siguro matagal yun. Okay naman na kami ni Prince Evan. :)
"Pssst!"
"Pssst"
Sino yun? may nag sisitsit may pangalan ako at hindi 'Pssst' minumulto na yata 'ko °---° Mag-isa lang kasi akong nandito sa music room hays, bigla kong naalala na dati raw itong sementeryo tapos ginawang simbahan 0______0 Baliw. Hindi pala yun totoo, tinatakot ko lang sarili ko. Kung ano-ano pinag-iisip ko.
Lumingon-lingon ako at pinatong ang hawak kong gitara sa sofa at naglakad-lakad.
"Sino yan?" - matapang na sabi ko.
"Sinichi dito sa likod mo."
isang familiar na boses ang narinig ko.
tumingin naman ako sa likuran ko si Yhana lang pala."Grabe papatayin mo ba 'ko sa takot Yhana?"
"Hindi papatayin kita ng buhay, hahahhaha joke by the way natatakot ka? sa ganda kong ito matatakot ka, teka bakla na ba ang bestfriend ng bestfriend ko?"
0________0 Ako bakla? ASA!
"Gravity mare hindi noh."- sabi ko at tawa naman kami ng tawa.
"Biro lang Sinichi alam ko rin naman na hindi, ang gwapo mo kaya at tsaka may sasabihin ako sa'yo."
"Sige ano yun?"
"About kay Yesha."
"Sure ka? sige ano yun? ang tagal ko ng walang balita sa kaniya eh at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko."
"Sinichi mag-isa sa si Yesha sa bahag nila."
natawa naman ako.
"Oo alam kong mag-isa siya."
hinampas naman ako ni Yhana sa braso.
"Teka lang, hindi pa nga tapos."
"Okay."
"So ayun nga may lagnat siya at ayaw niyang magpadala sa hospital nagmakaawa pa nga siya na h'wag namin s'yang dalhin dun kaya hindi na lang namin siya dinala umiiyak kasi siya eh!"
"Edi dapat hindi niyo pinakinggan, dapat dinala niyo sa hospital ganyan talaga si Yesha pasaway pero once na ginawa niyo na hindi na yan magrereklamo."
napabuntong hininga si Yhana.
"Ayaw niya talaga ang hirap niyang pakiusapan at siguro may dahilan siya kaya ayaw niya magpadala sa hospital."
"Okay naiintindihan ko at sino nagbabantay sa kaniya ngayon?"- tanong ko.
"Wala."
"Pupuntahan ko siya ngayon, i-excuse mo na lang ako sa mga subject teachers natin ha? maraming salamat sa pag-inform sa'kin about kay Yesha."
"Walang anuman sige na Sinichi puntahan mo na siya."
tumakbo na ako papalabas ng music room, sakto naman na papasok sina Nathe, Jake, at Prince Evan. Nagtataka nga sila kung saan ako ako papunta. Nang makalayo na ako at malapit na ako sa gate nakita ko yung Guard. Paano ako makakalabas?
"Saan ka pupunta Sinichi?"
ano gagawin ko? -.-"
"Kasi kuyang Guard may problema ako."
BINABASA MO ANG
I met a Stupid Guy
RandomAng kuwentong ito ay naisulat ko noong March 31, 2015. Dalawang taon s'yang nakatago sa'kin kung kaya't handa na akong ipabasa at ipaalam sa inyo ang istorya ni Yesha Scarlett Rodriguez, at umaasa ako na sana ay mainspire ko kayo at mapasaya sa simp...