Prologue

152K 3.5K 1K
                                    

Prologue

"Why is it that everyone is afraid to die,
When it is an inevitable part of our lives?

If death comes knocking at my door,
I will glady accept him in.
For he is a part of my life.
I know it is already my time."

—Nina WP

I stooped my head down as I was walking along the quiet hallway. It was quiet, not because there wasn't any person along the path. There were a lot of them, actually. But the only thing was that they were only looking at me with their disgust and judgemental stares that showed their deprecation towards me.

Hindi na nila kailangan pang magsalita. Titig pa lang nila ay alam ko na ang kanilang gustong iparating. Ang mga titig na punong-puno ng pang-aakusa at paghuhukom.

I'm trying my best not to pay attention. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na baliwalain na lamang silang lahat dahil alam ko naman sa sarili ko ang totoo. Pero siguro'y sa sobrang dami at bigat ng titig at panghuhusga nila sa akin ay hindi ko na kayang pasanin ang lahat sa aking likod upang hindi ko makita. Pilit na may sumisilip dahil hindi na magkasya at gusto nang magpakita.

I tried to redeem myself. I didn't know how many times I tried to. It's innumerable. I tried that for the last week since I've started to receive this kind of pain from their silent but eloquent criticisms but nothing happened. They think that I'm just trying to turn the tables around and save myself from more humiliation.

Minsan ay mas gusto ko pa iyong naririnig ko ang mga sinasabi nila sa akin kaysa iyong pinag-uusapan ako sa aking likuran. Hindi ako mapakali kapag nakikita ko ang mga tao na nag-uusap habang nakatingin sa akin at hindi ko naririnig. Pakiramdam ko'y may panibagong mga akusasyon at mga paninira nanaman na ibinibintang sa akin.

I can't believe that this is what I got from saving myself. I can't believe that this is the result of fighting for my right as a woman. Kaysa ako ang kailangang mapanitiling buo ay mas lalo lamang nilang sinira ang pagkatao ko.

Pero ano nga naman ang magagawa ng isang katulad ko? Of course, they will believe the one who's higher than me; the one who has the upperhand; the one who has more power.

Napahinto ako nang makarating ako sa aking upuan. Sari't saring panlalait at maduduming salita ang aking nadatnang nakasulat doon.

Hindi na bago sa'kin ang ganito pero umaasa pa rin akong kahit papaano ay makakalimutan din nila ang kasinungalingang pinaniwalaan nila, ngunit sa nakikita ko'y mas lalo lang nananaig at tumatanim sa isipan nila ang lahat.

Hindi ko lubos maisip kung bakit mas madaling paniwalaan ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan. Iyong tipong pinagsisigawan mo na ngunit parang wala silang naririnig. Sadyang nagbibingi-bingihan lang ba sila o ayaw nilang talikuran at lumaban sa pinagmulan ng kabulaanan?

Napapikit ako nang may tumamang magaang at maliit na kahon sa aking pisngi.

Unti-unti rin akong dumilat bago sinundan ng tingin ang kahon ng condoms na ibinato sa akin at ngayo'y nakakalat sa sahig.

"Baka naubusan ka na ng stock, Thana," sabi ng isang lalaki kong kaklase bago sila nagtawanan lahat.

Namuo ang aking luha ngunit nakuha ko pa ring kunin ang box na ibinato niya sa'kin. Huminga ako ng malalim bago inilipat ang tingin sa kaniya.

Garret Pascual.

He is one of the guys who courted me way back. First year palang kami ay ka-block ko na siya dahil magkaparehas din kami ng course. Bandang second year ay niligawan niya ako pero maayos ko naman siyang tinanggihan.

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon