Chapter 7

50.3K 2.1K 191
                                    

Chapter 7
Syllables

"Kanina ka pa pabalik-balik sa kusina, Thana. Pumirmi ka nga muna sa isang tabi," sabi ni Mommy sa akin nang mapansin ang paglabas-pasok ko sa kusina.

May pinapakuluang karne kasi ako sa pressure cooker para mas maging malambot itong kainin kaysa kapag normal na pinapakuluan lang. Alam kong matagal-tagal pa ang dapat kong hintayin bago matapos ang pagpapakulo nito ngunit hindi ako mapakali at pabalik-balik ako sa aming kusina.

I decided to cook a dish that I've mastered in cooking which were Kaldereta and Cheesy Baked Mussels. Sumang-ayon din naman si Mommy sa napili kong putahe na lutuin. Gusto rin nila kasi iyon ni Tyrone.

"Mukhang todo bigay ka sa dinner na hinahanda mo para kay Savior, ah," makahulugang sabi ni Mommy at nagtaas pa ng kilay sa akin.

"Ate, crush mo po ba si Kuya Savior?" bigla namang pagsingit na tanong sa akin ni Tyrone.

Natawa naman si Mommy sa tanong ng aking kapatid kaya naman agad ko siyang pinaningkitan ng mata.

"Tyrone, huwag mo akong tatanungin ng ganyan kapag nandito na ang Kuya Savior mo, ah?" paalala ko sa kanya. "Nakakahiya sa kanya kapag narinig niya 'yan."

"Wala pa naman si Kuya Savior, Ate," pagdadahilan niya sa akin at bahagyang ngumuso.

"Kahit na, Tyrone. Quiet ka lang," sabi ko naman.

"Pero, Ate, crush mo nga ba siya? Ha, Ate? Crush mo?" Makulit niyang pagtatanong sa akin.

Sa tingin ko'y kung hindi ko sasagutin ang kanyang tanong sa akin ay hanggang mamaya siya mangungulit.

"Oh, sige. Kung crush lang naman ang tanong mo ay ang sagot ko, oo," walang pag-aalinlangan kong pagsagot sa kanyang katanungan.

Lumawak naman ang ngiti ng aking kapatid at nakuha pang pumalakpak sa sobrang tuwa. Hindi naman nakatakas sa tingin ko si Mommy na nagtaas ng kilay at ngumisi nang dahil sa narinig na sagot galing sa akin pero hindi ko na lang siya sinita upang hindi na ako ako tanungin pa ng kung ano.

"Crush mo nga si Kuya Savior!" Pasigaw na sabi ng aking kapatid.

"Crush lang 'yon, Tyrone. Paghanga lang," paglilinaw ko naman sa kanya. "Kapag malaki ka na, maiintindihan mong normal lang ang magkaroon ng crush."

"Okay, Ate. Sabi mo po, eh..." iyon na lang ang kanyang sinabi habang ngingiti-ngiti pa rin.

Napailing na lamang ako at saka bumalik sa kusina. Doon ko na lang hinantay na matapos ang pagpapakulo ko sa karne, habang nilalagyan ko na ng ginadgad na mozzarella cheese ang ibabaw ng tahong at saka ito inilagay sa oven. I took extra care in cooking the main dish for tonight's dinner that it took me more time to cook the dishes than how I usually cook it.

Matapos kong magluto ay nagawa ko pang maglinis sa aming tanggapan at pati ang kusina ay nilinis ko na. Punong-puno ng galak si Mommy dahil wala sa oras na nalinisan ko pa ang bahay dahil sa pagbisita ni Savior.

"Dapat pala ay papuntahin natin dito si Savior bawat linggo para malinisan ng Ate mo ang bahay every week," wika ni Mommy kay Tyrone kahit na naririnig ko naman 'yon.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti at isiping every week namin iimbitahan si Savior dito sa bahay para kumain ng hapunan kasama namin, ngunit agad din namang nawala ang ngiti sa aking labi.

It must be so nice if we could have Savior here for a dinner every week, but I don't even know if my life could even last another week. Pero kung papalarin at hindi ko pa natatapos ang mga tasks na ibinigay para sa akin ni Magwayen sa susunod na linggo ay walang pagdadalawang-isip ko siyang iimbitahan muli dito sa aming bahay para sa huling hapunan ko kasama sila. Kung pu-pwede nga ay kasama na rin si Daddy. Siguro'y habang buhay kong dadalhin ang hapunan na 'yon hanggang sa kabilang buhay.

Halos mahulog ko ang cellphone ko habang hawak ko ito at hinihintay ang tawag ni Savior nang bigla itong tumunog dahil sa hinihintay kong tawag.

Sabay namang napatingin sa akin sina Mommy at Tyrone na may mga makahulugang tingin.

I lightly cleared my throat before answering his call. "Nasaan ka na?" tanong ko nang masagot ko ang tawag.

"Uhm... I'm sorry, Thana," he began to apologize, and my shoulders already fell down because of disappointed.

If he apologized, it means he can't come. But maybe, something very urgent came up. May next time pa naman, 'di ba?

"I can't come tonight. Something suddenly came up. I'm really sorry..." His voice sounded so sorry.

"Uh..." Parang hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong isatinig.

Panandaliang binalot ng katahimikan ang aming magkabilang linya.

Huminga naman ako ng malalim bago tinulak ang sarili na makapagsalita.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman. May next time pa naman, eh," dire-diretso kong sabi na para bang tumutula na lang ako.

Muli naman siyang napatahimik sa kabilang linya bago siya nagsalita. "Really?" Paninigurado niya sa akin.

"Oo naman!" Sinubukan kong siglahan ang aking boses.

I will really need to invite him again next time. It's part of my death wish. It's one of my tasks. I need to invite him and cook dinner for him, again.

Bahagyang napakunot ang aking noo nang bigla kong narinig ang kanyang marahan na paghalakhak.

"Joke lang," sabi niya at agad akong napatayo sa aking kinauupuan kasabay nang pagkabog ng puso ko dahil mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Nandito na ako sa labas ng bahay niyo."

Hindi na ako sumagot pa at agad na nagmadali palabas ng bahay. Nang makita niya akong lumabas ay ibinaba niya na ang kanyang cellphone at saka ngumiti sa akin. Mula sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan ay tumayo siya ng maayos upang salubungin ako.

Mas lumakas ang pagkabog ng aking puso. Sa sobrang lakas ay parang nasasaktan na ako sa paghampas nito sa aking dibdib.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay lumapit ako sa kanya upang paluin siya sa kanyang dibdib.

"Oh!"

Tumagilid siya at ang aking kamao ay sa kanyang matipunong braso lamang lumagapak kaya naman sinundan ko pa iyon ng isa.

"Kakakita pa lang natin, sinasaktan mo na ako kaagad," reklamo niya naman sa akin habang iniiwas ang sarili sa aking palo at suntok.

"May pa-joke joke ka pa kasi," naiinis kong sabi at saka humalukipkip.

Natawa naman siya kaya mas lalo lamang akong nainis.

"At tumatawa ka pa talaga?" Masungit kong tanong sa kanya.

Kinagat niya naman ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Nagulat naman ako ng bigla niya akong akbayan.

"You really think I would miss this once in a lifetime dinner with you?" he asked me, like the answer's very obvious. "You know, I wouldn't, Thana. I could say no to all the plans others had prepared for me just to have a dinner with you. Kahit saan mo pa ako ayain. Kaya kong tumanggi sa iba at sa'yo lang ako papayag."

Hindi naman ako nakapagsalita. He can always make me speechless.

"Tara na! Excited na akong kumain!" Nagmamadali niyang sabi at saka hinila na ako papasok sa loob ng bahay na para bang sa kanya ito.

Nang makapasok naman kami sa loob ay tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin at saka tumayo ng pormal.

"Mommy, nandito na po si Savior," pag-anunsyo ko kay Mommy.

"Good evening po, Tita."

"Kuya Savior!"

Nalunod ng boses ni Tyrone na patakbong lumalapit kay Savior ang pagbati ni Savior kay Mommy. Natawa naman si Savior at saka yumuko upang batiim ang aking kapatid.

"Kumain na tayo roon sa may kusina," sabi naman ni Mommy nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. "Thana, ayain mo na si Savior." Sabay pagbaling sa akin ni Mommy bago naunang maglakad patungo sa kusina.

Nilingon ko naman si Savior na buhat-buhat na ang aking kapatid. Nagngingitian silang dalawa, ngunit nang lumingon ako sa kanya ay agad niyang pinutol ang kanyang tingin sa aking kapatid upang harapin ako.

"Tara na sa may kusina," pag-aya ko sa kanya.

Tumango naman siya at tumungo na kami sa kusina habang buhat-buhat niya pa rin ang aking kapatid na ayaw magpababa sa kanya. Nang makarating kami sa hapag ay roon lang nagpababa si Tyrone sa kanya madalas na inuupuan.

Hindi ko matandaan kung kailan pa ba kami nagsabay-sabay na kumain sa hapag. Magmula nang mag-umpisa ang pagkakalabuan nina Mommy at Daddy ay hindi na kami madalas kumakain ng sabay-sabay. Madalas ay si Tyrone lang ang kasabay ko at minsan ay ako lang mag-isa. Si Mommy naman ay napakadalang. Even if Dad wouldn't be able to share this dinner with us, I'm still glad that we're kind of complete because of Savior's presence.

"Kumuha ka lang ng kumuha, Savior. Huwag kang mahiya," nakangiting sabi naman ni Mommy kay Savior nang mag-umpisa na kaming sumandok ng aming pagkain.

Ang walang hiya ngang si Savior ay kumuha ng kumuha gaya ng sabi ni Mommy. Halos mag-umapaw na ang kanyang plato dahil sa pagkaing kanyang kinuha. Kita ko namang natuwa si Mommy nang dahil doon at lalo na ako, ngunit nakaramdam din ako ng kaba dahil baka hindi niya magustuhan ang aking luto.

Titig na titig ako sa kanya nang sumubo siya sa kauna-unahang beses. Nang nagsimula siyang ngumuya ay napalunok ako. Unti-unti namang umaliwalas ang kanyang mukha at unti-unti rin akong nakahinga ng maluwag.

Ngiting-ngiti niyang nilingon si Mommy. "Ang sarap po ng luto niyo, Tita."

Natawa naman si Mommy. "Masaya akong nasarapan ka, pero hindi ako ang nagluto niyan kundi si Thana." Sabay turo sa akin ni Mommy.

Mabilis naman akong nilingon ni Savior na mukhang hindi inaasahan ang sinabi ni Mommy.

"Weh?"

Mabilis ko naman siyang siniko at bahagya siyang napadaing.

"Joke lang! Nananakit ka na naman," natatawa niyang sabi sa akin.

"Ang hilig mong mang-inis. Alam mo ba 'yon?" Nakakunot noo kong sabi sa kanya.

"Sorry na po," biglang naging malambing ang kanyang boses. "I just really like teasing you."

I just rolled my eyes at him and looked away. I was about to start eating when my brother suddenly stole the scene.

"Like ka rin po ni Ate, Kuya Savior!" Walang pakundangang sabi ng aking kapatid at sobrang lakas pa ng kanyang boses.

"Ha?" Mukhang hindi agad nagsink-in kay Savior ang sinabi ng kapatid ko.

"Tyrone!" Pagsuway ko sa aking kapatid at pinanlakihan ko pa siya ng mata, ngunit hindi man lang niya ako pinansin. Ngiting-ngiti pa rin siyang nakatingin kay Savior na hanggang ngayon ay parang hindi makaintindi.

"Sabi po ni Ate, crush ka niya. Huwag nga raw po akong maingay, eh!" Tuwang-tuwang sabi ni Tyrone bago lumingon sa akin. "'Diba, Ate? Sabi mo 'yon!"

Halos mapadugo ko na ang aking labi sa sobrang pagkagat ko rito dahil sa kahihiyang nararamdaman. Parang gusto ko na lang na magtago sa ilalim ng lamesa at doon na lang kumain ng hapunan para hindi nila ako makita.

So much for telling a little boy some secret that should only be kept to myself. Nakalimutan kong mahirap patahimikin ang isang batang may gustong sabihin lalo na kung katulad ni Tyrone na may pagkamadaldal.

Unti-unti naman akong nilingon ni Savior at halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa lawak ng kanyang ngiti sa akin. "Crush mo ako?" tanong niya sa akin.

"Kumain na nga lang tayo!" sabi ko na lang at saka nag-umpisa nang kumain.

"Pero crush mo nga ako? Oo o hindi lang naman, eh," sabi niya naman at namimilit pa rin.

Padarag ko namang binaba ang kubyertos at saka nilingon si Mommy na mukhang kanina pa nagpipigil ng tawa. Manang-mana sa kanya ang bunso niyang napakakulit.

"Mommy! Si Savior nga po, oh..." Parang bata akong nagsumbong sa kanya.

Bahagya namang napatawa si Mommy bago sumeryoso. "Mamaya na kayo magkulitan. Nasa harap tayo ng mga pagkain. Kumain na muna tayo," sabi ni Mommy.

Matalim naman akong tiningnan ni Savior bago inirapan at saka muling nagsimulang kumain. Napailing na lamang ako at kumain na rin.

Binilisan ni Savior ang kanyang pagkain habang ako naman ay binabagalan ko. Alam kong may plano na siyang kulitin ako sa kakatanong kaya naman pagkatapos kong kumain ay agad ko na siyang pinalayas paalis ng aming bahay.

"I will not go home, yet," he made himself sturdy that I can't even push him to go outside of our house. "Not until you tell me what you feel for me. Crush mo ako? Oo o hindi lang ang sagot doon. Madali lang namang sagutin 'yon. Two syllables lang parehas ang dalawang pagpipilian."

"May gagawin pa ako, Savior. Saka na lang natin pag-usapan 'yan," sabi ko at muli siyang tinulak ngunit hindi pa rin siya natitinag.

"Twenty syllables," sabi niya. "Ganyang kahaba ang sinabi mo kahit na dalawa lang ang hinihingi ko sa'yo."

"Eh, ano naman kung malaman mo ang sagot ko?" Pabalang kong tanong sa kanya.

"Importante sa akin ang magiging sagot mo," giit niya.

"Bakit nga?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay kong tumutulak sa kanya. Walang kahirap-hirap niya akong inikot upang isandal sa aming pintuan, ngunit bago tumama roon ang aking likod ay binitawan niya ang aking isang kamay upang suportahan ang aking ulo para hindi tumama sa pintuan.

Gulat na gulat ako at nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin ng diretso sa kanya.

"State your question again," he told me.

"Savior―"

"If you really want to know why I'm so crazy about whatever your answer is, say it. Ask me again," he challenged me.

Huminga naman ako ng malalim bago pinantayan ang kanyang nag-aalab na titig. "Bakit importante sa'yo na malaman ang sagot ko?" tanong ko at ngayon ay mas klaro at buo na.

"Para alam ko kung may pag-asa ba ako sa'yo o sadyang umaasa lang ako dahil sa atensyon na binibigay mo," seryosong pagsagot niya sa aking tanong.

Ang akala ko'y mas bibilis ang pagtibok ng puso ko, ngunit iba ang naramdaman nito. Pakiramdam ko'y huminto ang oras dahil huminto rin ito sa pagtibok. Para akong hindi makahinga habang pilit na iniintidi ang kanyang sinabi. At nang maintindihan ko na ay nabalot ako ng takot.

I'm scared...

"You shouldn't fall for me," I seriously said before I looked away.

"Well, you're too late because I already did," he said without any hesistation.

Muli ko naman siyang hinarap. "Masasaktan lang kita, Savior," sabi ko at halos hindi ko na makilala ang boses ko. "Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo."

"Tatanggapin ko kung ano man ang kaya mong ibigay sa akin," sabi niya.

Napakaswerte ng babaeng iibigin mo sa oras na wala na ako sa mundong ito. Sa oras na wala na akong importansya sa buhay mo. Sa oras na makalimutan mo na ang lahat ng pinagsamahan natin sa loob ng maikling panahon dahil kapag nawala ako ay mabubura na rin ako sa iyong ala-ala. Sana lang ay magawa niyang suklian ng buo at ng walang takot ang pagmamahal na kaya mong ibigay.

Pero kung makakalimutan niya rin naman ako sa oras na mawala ako, baka pu-pwedeng pagbigyan ko na rin ang sarili ko sa huling pagkakataon na mayroon ako.

I never knew how it feels to be in love.

Before, I was looking for a kind of love that will last long. Well, I found it now, but too bad that I can't keep that love. Maybe, I can. I will keep it with me until my last breath... until I'm already in the world of death.

We, people, only have one chance to live in this world. It's a miracle if God will give us another life to start a new. But there's no guarantee that you would be able to receive that kind of miracle from above. That's why we should make the most out of our lives. We should make decisions that we're afraid to take. We should try risking things that we can't risk. We should fall in love when we have a chance.

And right now, I've decided that I'm going to choose the choice that I'm afraid to choose. I'm going to risk my feelings and bet on it. I would not stop myself from falling in love with someone who clearly deserves my love.

I'l choose to be happy, while I still have time; while I still can.

"Yes, Savior," I told him when I turned to look at him again. "Sumobra ng isa sa hinihingi mong syllables. Three syllables 'yan. Same as the words, I like you."

His lips parted in surprise. Now, it was his turn to be speechless.

"I'm falling for you." Walang paawat kong sabi. "Five syllables 'yan. Okay lang ba? Hindi kasi sapat ang dalawang pantig para masabi ko ng maayos ang nararamdaman ko para sa'yo."

And because he wasn't able to speak, he pulled me for an embrace and hugged me tightly.

"No one can stop me now..." he whispered. "No one. Even if it's you who will try to stop me. I won't, Thana. I won't."

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon