Chapter 2

58.3K 1.6K 183
                                    

This chapter contains scenes that are not very much appropriate or suitable for readers below 18. Please read at your own risks.

---

Chapter 2
Humanity

I took a deep breath as I'm done changing my clothes. I was planning to wear tee shirt and jeans but Danayah didn't let me, saying that it's not appropriate as we're going to a party. She chose what I will wear from my closet, and decided on a light pink off shoulder top, tucked in a white tube skirt.

I guess I really need to take care of myself and Danayah later at the party. Knowing Jefferson, it wasn't going to be stunning anymore if his group of friends were also like him.

We, women, should learn how to take care and value ourselves. We shouldn't be too submissive to men. Let ourselves always remember what we're worth and never let those lustful actions of men get through us. Sa totoo lang, tayong mga babae ang mas may kakayahang magpigil kaysa sa mga kalalakihan.

According to a proven study, guys can be easily turned on, while girls need to take too much time and pleasure before they reach orgasm. Ang problema nga lang sa ating mga babae ay madali tayong matangay ng init na umaagos lalo na kapag sobrang lalim at tindi ng ating nararamdaman. Well, that's what I've read in books.

Nang lumabas ako ng kwarto ay agad kong namataan si Danayah na inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Lumipat naman ang kaniyang tingin sa aking repleksyon sa salamin at napangiti siya nang makita ako bago lumingon.

"Ayan! Perfect!" Danayah exclaimed and clapped her hands. "Bagay na bagay sa'yo, Thana!"

She was wearing a grayish halter dress. She even curled the tips of her hair and painted her face with a smoky kind of make up. Talagang nag-eeffort siya upang mapaganda ang kaniyang sarili ngayong gabi para sa birthday party ni Jefferson.

"Kaunting make-up nalang ang gagawin sa'yo, pagkatapos ay aalis na tayo," sabi naman niya at hinila na ako patungo sa may tukador.

"Dana, kahit huwag mo na akong make-upan. Ayos na ako sa pulbos at liptint," pagtanggi ko.

Parang walang narinig ang aking kaibigan at pinaupo ako sa harap ng tukador. Agad kong nakaharap ang aking sariling repleksyon nang maupo ako. Tuwing nakikita ko ang aking sarili sa salamin ay hindi ko maiwasan ang punahin kung gaano ng karami ang nagbago nitong mga nagdaang taon. Hindi lang dahil sa pagbabago sa aking pisikal na anyo, kundi pati na rin sa aking buong pagkatao.

It's still an enigma how people can't recognize the changes they're undergoing while still in process of growing. They will just realize how much they've changed, once they pay attention to the changes they've had and also when they reflect on their past life-like comparing the way they are right now to the way they were before.

Nagsimula na akong ayusan ni Danayah at mukhang tuwang-tuwa siya sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha.

"Huwag masiyadong makapal," paalala ko naman sa kaniya.

"Sure... Ako'ng bahala sa'yo... Just trust me..." wala sa sariling sabi ni Danayah habang seryoso sa pagm-make up sa'kin.

Hindi pa nakuntento si Danayah sa pagm-make up sa'kin kaya naman nakuha niya pang ayusan ng madalian ang aking buhok. Gaya ng sa kaniya ay kinulot niya rin ang dulo ng akin.

"Okay, we're done!" she announced when she was already done with dolling me up.

Nawala na ang pagkakaharang niya sa salamin na dahilan kung bakit ko nakita ang kinalabasan ng aking itsura.

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon