Chapter 13

45.5K 1.8K 177
                                    

Chapter 13
Happy

Bumalik ako sa pagkakaupo habang hinahanda ni Danayah ang kanyang sarili sa kanyang pagsasalita.

Bumaling naman ako kay Jefferson na ang takot ngayon sa kanyang ekspresyon ay hindi na isang pag-arte lamang.

Hindi ako makapaniwalang magiging ganito ang pangyayari. I thought Danayah really did turn her back on me and let me fall on my own but she didn't. She was doing everything for me.

"For everyone's information, I only have two strong evidences on hand," Danayah started to speak and showed a screenshot on Facebook with our pictures posted. "The first evidence was the clothes that we wore during that night."

Ito ang kinuha naming mga litrato noong gabing 'yon bago kami pumunta kina Jefferson. Nakalimutan ko nang pinost niya nga pala 'to sa kanyang Facebook account.

"This post was posted April 8, 2017, 7:36PM. I posted this before we went to Jefferson's condo on the same date. It was his brithday that day. He invited Thana to come," she said. "Sa video po kita roon ang uniform ng mga kababaihan sa institute namin. The same as what we're wearing right now. Pero ang suot po namin noong pumunta kami roon ay itong suot namin sa picture. It means that Jefferson already planned to ravish my bestfriend beforehand. Nakapaghanda pa siya ng uniform namin bilang props."

Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil natandaan pa ito ni Danayah.

"And the other evidence is the video I took last night," she said, and I can see that she slightly hesitated but still decided to continue. "Knowing that Jefferson's coming to my condo, I set-up a camera on my room. I was able to make him sing the truth that my camera caught. And please, excuse me for the explicit content that it contained."

Napakunot ang aking noo ngunit ng iplay na ni Danayah ang video ay naintindihan ko na ang kanyang ibig sabihin.

The setting of the video was in her room. She and Jefferson can be seen lying on the bed while covered with sheets.

"Fuck this!" Jefferson cursed.

"Keep quiet, Mr. Carillo," pagsuway sa kanya ng Dean.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Danayah at nakita ko siyang nag-iwas ng tingin sa video.

"You think Thana's gonna be expelled?" Danayah asked Jefferson on the video.

"Maybe," simpleng sagot ni Jefferson. "Malaki ang tiyansang ma-expelled siya."

"Pero... hindi niya naman talaga ginawa 'yon, 'di ba?" Nag-aalangang tanong ni Danayah. "Alam ko ang totoo. Sinabi sa akin ni Thana 'yon pagkagaling niya sa inyo. Pi-Pinagsamantalahan mo siya."

Panandaliang nanaig ang katahimikan sa video bago muling nagsalita si Jefferson.

"Kung alam mo naman pala, bakit nilapitan mo pa rin ako pagkatapos no'n?" Punong-puno ng paghihinala ang boses ni Jefferson. "Why did you cover up for the truth? Are you planning something? Are you gonna stab me behind?"

"I'm not!" Maagap na sagot ni Danayah.

"I swear, if you will turn me in, you wouldn't like it. Huwag na huwag kang magkakamali. I can easily make your life miserable," Jefferson threatened Danayah.

Muli kong nilingon si Jefferson na nakatingin lamang sa kanyang nakakuyom na kamao sa ibabaw ng lamesa. Mas lalo lamang nanaig ang galit ko para sa kanya nang madinig siyang binabataan si Danayah.

"No! I wouldn't do that, Jeff..." Malambing na sabi ni Danayah at kita sa video ang pagyakap nito kay Jefferson. "I love you so much. Iyon lang ang dahilan."

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon