Chapter 14

46.4K 1.9K 258
                                    

Chapter 14
Happiness

"This is too all of a sudden, Thana."

Nilingon ko si Danayah na kakalabas pa lamang ng sasakyan, dala-dala ang kanyang duffel bag kung saan nakalagay ang kanyang panligo sa dagat at pamalit.

"Yay! Swimming!"

Naagaw ng kapatid ko ang aking atensyon na ngayo'y sumasayaw at pumapalakpak dahil sa sobrang tuwa. Mula ng sinabi ko sa kanila kagabi ang tungkol sa plano kong bakasyon dito sa Batangas para magswimming ay hindi na mapakali si Tyrone dahil matagal na siyang hindi nakakapagswimming.

"Excited ka na ba?" malambing kong pagtanong sa aking kapatid.

"Opo, Ate! Thank you po!" sabi niya at walang pasabing hinalikan ako sa aking pisngi dahil sa sobrang tuwa.

My brother has been always sweet to me, but today, he's gotten sweeter.

"Oh, nandiyan na pala si Savior!" Si Daddy.

Nilingon naman namin ang kakadating lang na si Savior. Kanina ay nakasunod lang siya sa aming sasakyan dahil mas gusto niyang gamitin ang kanyang sariling sasakyan papunta rito kaysa sumabay sa amin. Nang nasa bayan na kami ay bigla siyang nawala at nagtext lamang sa akin na mauna na raw kami rito sa resort.

Savior went out of his extravagant car, wearing his wayfarers. He was wearing a plain white v-neck shirt and khaki shorts. His sports bag was hanging on his shoulder, while his hand was carrying a plastic.

"Pasensya na po kung nagpahuli ako," agad niyang paghingi ng pasensya sa mga magulang ko at saka itinaas ang bitbit na plastik. "May nadaanan po kasing stall ng mga nagtitinda ng langka. Naisip ko pong bumili para may panghimagas mamayang tanghalian."

"Aba'y ayos 'yan! Gusto ko niyan!" Humalakhak si Daddy at saka inakbayan si Savior.

Hindi ako makapaniwalang agad nakuha ni Savior ang loob ni Daddy. I thought my Dad would be too uptight with the man who will court me, but he was not. Masyado siyang maluwag kay Savior at siya pa mismong nagsabi sa akin na ayain si Savior sa pinaplano kong bakasyon. Hindi naman sa ayoko, kasama naman talaga si Savior sa aking pero hindi lang talaga ako makapaniwala.

"Anak, hindi ba masyadong mahal dito sa hotel and resort na 'to?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Mommy nang pumasok na kami sa loob ng lobby. "Baka naubos na ang naipon mo."

"Nako, Tita! For sure po ay waldas ang ipon ni Thana," pagsingit naman ni Danayah na talagang nilalaglag pa ako kay Mommy. "I checked this resort earlier, while we're still on the road. Sobrang mahal po rito sa Vivere Azure."

"Mahal lang naman dito kapag overnight. Kapag hindi naman ay 'di siya ganoong ka-pricey," katwiran ko naman. "At saka ngayon lang naman po, 'Mmy. We all deserve a break after all those struggles."

This would be the last time that I'd be able to go on a vacation with my loved ones, and I wanted to make the most out of it.

Hindi naman na umangal pa si Mommy. Kwinentuhan na lang siya ni Danayah ng mga activities na pwedeng gawin dito sa resort habang abala ako sa pagkausap sa receptionist na ibinigay ang tatlong susi ng tatlong kwartong pinareserve ko.

"Mommy, magkasama po kayo ni Daddy sa isang kwarto," sabi ko at inabot kay Mommy ang isang susi bago lumingon kay Savior. "Savior, ka-room mo si Tyrone, tapos ay kami naman ni Danayah ang magkasama sa kwarto. Please take care of my brother. "

I wanted my parents to have a good time alone after their biggest fight. Ilalayo ko muna sa kanila ang aking makulit na kapatid at isasama sa katulad niyang makulit din.

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon