Chapter 10

45.3K 1.9K 293
                                    

Chapter 10
Pay

Tila parang ulan ang luha ni Mommy na walang tigil sa pagtulo at kulog ang kanyang bawat paghikbi. Ang kanyang mahigpit na yakap na nagbibigay init sa kanyang bumabagyong damdamin ay mas lalong humigpit.

It broke my heart to be reminded of that horrifying past, pero mas lalo lamang itong nasira at parang dinidikdik nang dahil sa naging reaksyon ni Mommy. To be the reason why she's hurting made me feel like I'm being tormented.

"K-Kailan pa, anak?" nauutal na tanong ni Mommy nang harapin niya ako at paulit-ulit na hinihimas ang aking pisngi.

Ang kanyang mga mata'y punong-puno ng luha at namumugto dahil sa pag-iyak.

"Si Savior ba ang nanamantala sa'yo?" pasunod niyang tanong.

Agad namang nanlaki ang mata ko at saka umiling. "Hindi po si Savior, 'Mmy," paglilinaw ko. "Hindi niya po magagawa 'yon sa akin. Hindi ko pa rin po siya nakikila noong mangyari 'yon."

Sa palagay ko'y kung kakilala ko na siya bago pa mangyari ang lahat ay sa tingin ko'y hindi iyon mangyayari. Hindi niya hahayaan na may mangyari sa aking ganoon.

"Kung ganoon ay kailan?"

"Noong... Noong may pinuntahan po kaming birthday ni Danayah," sagot ko naman at halos hindi ko makapa ang mga salitang dapat kong isagot.

Hinilamos naman ni Mommy ang kamay sa kanyang mukha bago muling itinuon ang tingin sa akin.

"Halos tatlong linggo na ang nakalipas, Thana. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Punong-puno ng prustrasyon ang boses ni Mommy. "Bakit ngayon lang?"

"Sinubukan ko pong sabihin sa'yo, Mommy..." Sobrang liit at hina ng aking boses nang isatinig ko iyon. "Sinubukan ko po noong pag-uwi ko pero may problema rin po kayo ni Daddy noon. Hindi ko na lang po ulit sinubukan na sabihin dahil ayoko na rin pong makadagdag sa mga problemang kinakaharap ninyo."

Tumango-tango naman si Mommy at mas bumuhos ang kanyang luha. "Naaalala ko... Naaalala ko na..." Umiiyak niyang sabi. "Sinubukan mong sabihin sa'kin. Sinubukan mo pero hindi ako nakinig. Inuna ko ang problema ko sa Daddy mo... I'm sorry, anak. I'm so sorry..."

Agad naman akong umiling at niyakap si Mommy. "Mommy, ayos lang... Wala kang dapat ihingi ng paumanhin."

"I'm such a failure. Hindi ko man lang inisip ang anak ko. Hindi man lang kita inisip." Patuloy sa pagsisi ni Mommy sa kanyang sarili. "Hindi na dapat kita hinayaang pumunta sa party na 'yon. Nakinig man lang sana ako sa'yo kinabukasan para agad kitang naipaglaban at nasamahan sa paghihirap mo. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kapabayaan ko sa'yo, Thana."

"Mommy, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo..." sabi ko at humilay sa aking pagkakayakap sa kanya upang punasan ang luhang lumalandas sa kanyang pisngi.

Huminga naman ng malalim si Mommg bago hinawakan ang aking magkabilang balikat. Punong-puno ng tapang at determinasyon ang kanyang mga mata. Parang isang sundalong handang sumabak sa giyera ng walang takot ang ipinapakita sa akin ni Mommy.

"Ipaglalaban kita, anak," desididong sabi sa akin ni Mommy. "I will fight for you. Wala akong pakialam kung umabot man 'to sa korte, basta ipaglalaban kita."

Umiling naman ako.

Ayaw ko nang mag-aksaya pa si Mommy ng oras at pera para magfile ng kaso laban kay Jefferson lalo na kung hindi naman na kakailanganin pang gawin 'yon.

Maybe before... when I was still looking for justice; when I was still looking for someone who will listen to the silenced truth; when I wasn't done making a deal with death and giving up on my life... maybe, I'll agree.

Death WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon