May mga bagay na akala natin... WALA LANG. Pero hindi pala...
"Hoy, kalat mo! Ang kapal ng mukha mo para itapon 'to sa bakuran ko!" sigaw ng isang dalaga sa isang binata.
I rolled my eyes. Nakita ko kung pano sinadya nung lalaki na itapon yung balat ng Nova niya sa bakuran nung babae na daig pa ang machine gun kung mag-ingay.
Maganda ang panahon ngayon. Kasing ganda ko lang. Pero wala pading tatalo sa ganda ng cellphone ko. Ang dami ko ba masyadong sinasabi? PAKI MO BA!?
Oh, magrereact pa yan. Eto naman, binibiro lang kita. Magbasa ka nalang dyan :p
*bzzzt bzzzt*
From: Mom
Abby anak, di makakauwi si Mommy ngayon. Need mag-over time eh. Magluto ka nalang mga instant noodles or kung gusto mo, may pang adobo dyan. Tanong mo nalang kay Nanay Emi.
Mago-over time na naman si Mommy. Eh ano bang mapapala niya dun? Magsasayang lang siya ng energy eh! May kaya naman kami, may dalawang kotse, (isa sa akin), may Apple laptop at isang computer, airconized ang kwarto. Kaya bakit pa siya wagas mag-trabaho? -______-
Well sorry, ang isang Abby Gail Mendoza ay hindi magt-trabaho kahit kailan. Para saan pa?! Eh eto oh, buhay ako kahit umupo ako magdamag dito sa may terrace ng kwarto ko. Kumakain tatlong beses sa isang araw AT may pang mall pa. Di ako nagyayabang pero duh? Why work if you can live without it?!
"Abby, heto nang miryenda mo. Tawagin mo lang ako sa baba kapag kailangan mo ko." -Nanay Emi
Tinignan ko lang siya at binalik ang focus sa binabasa ko. Wag kayong magulo, binabasa ko ulit ang Voiceless. Ang ganda kasi ng kwento eh.
*bzzzt bzzzt*
From: +639---------
Hey Abby, san ka? Tara sa mall? :)
I don't save contacts on my phone, piling-pili lang. Based on the text format, the texter is a girl. Si Paige siguro 'to, yung 'bestfriend' ko daw. Ang pagkakaalam ko kasi wala akong 'bestfriend' eh, I hate having friends dahil lahat sila, pera or fame lang habol sa akin (Except for my cousin Nina) The rest, mga epal na lang sila buhay ko. Pero hindi kasama sa mga 'epal' ang Mommy ko.
DAHIL SI MOMMY KO NALANG MAHALAGA SA AKIN NGAYON, KAYA SAPAK ANG MAKUKUHA MO PAG SINAKTAN MO SI MOMMY. . . KUHA NIYO!?
At gaya ng sinabi ko kanina, the rest mga epal nalang yan sa buhay ko. ANG TATAY KO?! Aba malay ko kung nasaan yung gag*ng yun! Basta ang alam ko, maganda talaga 'tong binabasa ko. Tama ba ako mga kapatid?
*bzzzt bzzzt*
From: Nina gorgeous ツ
My senses says you're pissed right now. Cheer up couz! Nakakapangit yan! :)
Medyo napangiti ako sa text ni Nina. Alam niya talaga kung kailan dapat magpaparamdam, para ngang may CCTV camera siya dito sa bahay eh. Pero ano bang malay ko? Mamaya talagang sadya na ganyan siya dahil parehas lang yung dugo na dumadaloy sa katawan namin.
Of all my cousins, she's the only one I care about.
To: Nina gorgeous ツ
Punta ka nalang dito para masaya!
Nilapag ko yung phone ko at sinalpak naman ang earphones. Ganito lang ang ikot ng mundo ko.
Ang tumambay sa terrace ng kwarto ko, isalpak ang earphones sa tenga at magbasa ng kung ano-ano. Masarap mabuhay diba? Wala kang iniisip, just relax.
THIS IS LIFE! ^____^
*POINK*
Nagulat ako nang may dumamping something sa balat ko. Nung tinignan ko 'yon, isang crumpled paper ang nakita ko. Napakunot yung noo ko, pati pa naman dito sa terrace ko may nagkakalat!?

BINABASA MO ANG
One Shot Collections ♥
Short StoryShort Stories inspired by my dreams, my favorite artist or celebrity and the songs I usually listen to. (c) MansDreamGirl aka Mrs. Byun Baekhyun | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | (Sensya na 'ho, tamad mag-compile si ateng eh. Hihi...