1. Coffee

198 6 3
                                    

Kalaban ko talaga tuwing umaga ang antok. Sino bang matinong studyante ang natutuwa kapag nagigising ng maaga? Wala naman diba? Sige nga, iharap niyo sakin kung sino man ang halos mag-tatalon sa tuwa tuwing nagigising ng maaga? Odiba wala?

Bilang mortal enemy, isinumpa ko lahat ng morning klases ko. You see, I'm not a morning person at kahinaan ko ang antok at kama. Kumbaga, twin sister ko na siya. Speaking of morning classes, alam niyo ba drop out ako sa PE. YEHEY! Derp face. Paano ba naman kasi, ang aga nun. 7am – 9:30am? Wudafaq.

Kung di niyo naitatanong, pwes itanong niyo na na proud ako na drop out ako sa PE. Bakit? Good question. Bilang freshmen sa college kailangan ko mag sasayaw ng mga walang kwentang sayaw para pumasa. Dancing is definitely not my thing. Isinusuka ako ng pagsasayaw at balita ko mataray daw prof naming. Good thing di ko nararanasan yung mga nararanasan ng mga classmates ko.

BAT BA KASI PAIMPORTANTE ANG MINORS? -_-

So anong ipinopoint out ko. Wala naman. Bakasyon na kasi kaya magbunyi! Di ko na kailangang gumising ng maaga. *insert super happy face* di ko na tinapos ang clearance ko para lang makapagbakasyon na. sus, ayokong magsayang ng oras kakahabol sa mga paimportanteng tao. Pasamba masyado e. akala mo santo or yeah, akala mo artista. Pinipilahan sila para sa pirma tapos minsan demanding pa. aba ano yan, abuso sila masyado. Ano ulit pinopoint out ko? Wala ulit. Nagrarant lang ako sa kainisan ko sa clearance. Buti pa private school walang clearance clearance. Pag nakabayad ka nang tuition sibat na.

Ang sarap talaga pag bakasyon. Parang ngayon lang. Naguunat unat ako kasi kakabangon ko lang sa higaan ko. Hinaplos haplos ko ang bed sheet ko at ngumiti ng malawak. I love you talaga bed. You are my ultimate love. Kung napapakasalan lang to kanina pa kami kasal.

“Shanaaaaa!”

Kung ultimate love ko ang kama ko, ultimate enemy ko naman ang mama ko. Ang aga aga e. pouts.

“I’ll be back mi amor!” hinalikan ko ang kama ko at dumiretso sa CR para maghilamos at tumae. Nakakabawas ng pimples ang pagbabawas ayon sa aking reliable source. Ayun nga, I did all my morning duties bago bumaba. Nasilip ko ang orasan sa bedside table ko.

 

2:47pm

Kaya naman pala nagdedelirio na sa inis si mama. Tanghali na pala, literally.

Pagbaba ko binati ko agad si mama. “Hi mom!” sabay kiss sa cheeks.

“Anong oras na? tanghali na oh!” si mama talaga o. Mahal talaga ako masyado, biruin niyo binubusog ako sa sermon. Haay, ayaw niya talagang nagugutom ang unica hija niya. Smiles.

“Good morning to you too mom.” Bati ko sakanya with a fake smile.

“Naku ikaw talagang bata ka.” Nilapag niya sa harap ko ang cereal na may fresh milk.

Kumain ako ng tahimik ng mapansin ko na bihis na bihis si mama. Aba, may date si madeerr. Lakas maka love life oh! Talo pa ako. Wala kasi akong papa, patay na. Aw so sad.

“San punta niyo?” tanong ko.

“Sa puso mo.” Ah okay. Nice one mom!

[NUEST] Lovely DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon