JR’s POV
Ang ineeeeeet sa Pinas putainers. =__=
Kaka-alis lang nung maingay na bisita ni Shana. ‘ta mo ‘tong babaeng ‘to… bisita niya pero tinulugan niya lang.
Ibang klase. =__=
IBANG KLASE ANG HOSPITALITY NIYA. NO WONDER WALA SIYANG GAANONG BISITA SA BAHAY.
Inalis ko ang buhok na naka takip sa mukha niya. Ang ganda niya talaga lalo na pag tumatalak siya >:D
Inabot ko ang pamaypay sa tabi niya at pinaypayan siya. Grabe kasi ang pawis niya, kawawa naman.
May mga ganid kasi dito sa electricfan.
PUTA ITUTOK BA NAMAN SA SARILI NILA?!!
Uso kaya i-rotate. Tangina. Nakakasura talaga ‘tong sina Ren. Masisira daw ang balat nila sa init at kailangang mahanginan. Sarap bulyawan ng ‘TANIYO! MAY AIRCON SA TAAS PAUBAYA NIYO ELECTRICFAN DITO PUTA’.
Bat di nila gayahin si Baekho.
Tamo, muntanga sa may ref. Gawin ba namang aircon yung ref?! Kita niyo oh, tutok na tutok yung mukha sa may freezer.
Naputol ang pagmumuni muni ko ng mga rants ko about them nang marinig ko silang nag uusap.
“asretrchdgvmb, .kmk;” wala akong maintindihan.
TRANS: Hansweyt nila hyung.
Punong puno ang bibig ni Minhyun habang nakatunganga sa amin.
Narealize ko NGAYON lang na kanina pa pala nila kami pinapanuod at as usual ay kumakain nanaman sila ng popcorn. SHEYT!
Naginit ng pisngi ko sa mga pinagsasasabi ng mga loko lokong ito. Hinablot ko agad yung throw pillow na nasa gilid ni Shana at binato kay Minhyun kaso nakailag siya at nabullseye si Ren.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH” kaming lahat yan na super tawa.
Paano ba naman. Ang epic ng mukha niya e.
Tawa pa rin sila ng tawa ng mapagtanto ko na may tulog pala.
“Tumahimik nga kayo!” saway ko sakanila.
“Makasita ka naman, HOY NAKITAWA KA DIN SAMIN. GAGO BA U?” sabi ni Aron hyung.
Aba,kelan pa ‘to natutong magmura? O_o?
Inirapan ko nalang sila at pinagpatuloy ang pag papaypay sa donya niyong tulog.
Tagaktak ang pawis niya kaya pinunasan ko ito.
Humagikhik naman sa tabi ang mga bakla. Hay =___= why are they like that?
“Nakakakilig sila, hyung!” sabi ni Minhyun.
“Pshh… tumahimik ka kaya, baka masira ang moments nila NAKUUU!!!~ gugulpihin kita ‘tamo.” Bulong naman ni Ren. Bulong ba yun? Rinig ko e. =__=
“Manahimik nga kase sabi kayo! Kita niyo tulog si Shana!” dahil sa rampage mode na ako ay nagsitakbuhan ang tatlo paakyat.
YAN! MAGSILAYAS KAYO AT NANG MAKAPAGSOLO KAMI DITO—ESTE NANG MATAHIMIK DITO!
“Ikaw? Di ka sasabay sa kanila?” tanong ko kay Baekho na busy sa pagpapalamig sa ref.
“A-a-ahh HEHE syempre susunod ako sa kanila.” Paano ba naman siya hindi matatakot at kakaripas ng takbo pataas e pinanlilisikan ko siya ng mata. MAKUHA KA SA TINGIN. >___>
Okay.
The coast is clear.
Binalingan ko ulit si Shana. Nakangiti siya… HALA! Tsk. Ang gwapo ko talaga.NYEHEHEHEHE >:D pati sa panaginip kasama ako kaya napapangiti siya.
Tsk tsk tsk gwapo problems nga naman. *iling iling*
Kinurot ko ng mahina ang pisngi niya. Mahina lang. As in mahina lang.
Ang kyot kasi putaaaa!
Shet na malagket yan! Napapamura ako sa kakyutan niya pero mas cute pa din si… nevermind.
“Oh ano, tapos ka na bang pagnasaan ako?”
“Oo naman,ang kyooooot mo. Nyahahahaha.” Sabi ko sabay kurot ulit. Nakakagigil!
“Sabi na, may hidden desire ka sa akin.”
“HD? Wag feeling uy. Baka crush pwede pa.” sagot ko nang mapa D____O?!!!! ako.
Nakita ko na nakatingin sa akin si Shana na ngiting ngiti.
Yung ngiting tagumpay ba?
“Crush pala ha?” pang asar niya saka siya tumawa ng malakas.
“NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAH! SINASABI KO NA NGA BA! IKAW ANG MAY GUSTO SAKIN.SUS. DENY KA PA JAN, WAG KA MAG ALALA, SECRET LANG NATIN ‘TOH NYAHAHAHAHAHAHAHAHA.”
Hala, sige. I-BROADCAST mo pa. =____=
Secret daw pero kung isigaw moakala mo isinisigaw mo sa buong mundo. ANTAE.
Di ako makasagot kasi nakakahiya >//////<
Huli sa akto Chong!
BUKING MATS!
--
Tatlong araw na ang nakakalipas pero tuwing makikita ko ang pagmumukha ni Shana andun nakaplaster sa pagmumukha niya yung mapangasar niyang ngiti.
Badtrip!
Uso move on.
Di siya makaget over, ako nga di ko na siya crush e… Joke.
Wala namang masama sa crush e. crush lang naman, di naman love. Sa panahon ngayon dipa ako handing magmahal. Masyado akong nasaktan noon kaya hirap akong magmove on—tangina ang drama ko.
“Ang boring.”napabuntong hininga si Ren.
“Yep, no fun.” Sabi ng nakapout na si Aron hyung.
“No fun at all.” Paggaya sakanya ni Minhyun.
“Ang boring.” Baekho.
“Ginaya mo lang ako.” Sabi ni Ren.
“E wala na akong masabi e.”Baekho.
“Gusto kong lumabas.” Malungkot at madramang sabini Aron hyung.
Tumayo sa upuan si Shana at tinuro ang pinto.
“Ayan oh, pinto. HALA SIGE! LABAS!”
“IHHHHH! Shana naman. Ang ibig kong sabihin ay gusto kong lumabas para gumala.” Paliwanag niya.
“Kaya nga ayan yung pinto oh. Labas na, gumala ka sa labas.” Sabay irap.
Nice din tong kausap no? minsan ang sarap niyang bigwasan e. Yung tipong sa sobrang lakas e aayusin na niya ang pagsagot niya. =___=
Nagpout nalang ito at bumuntong hininga. Ilang linggo na kasi kaming tengga dito sa bahay ni Shana. Well, oo nagtatago kami kasi tumakas nga kami pero ayoko naman na habang buhay kami nakatambay dito.
“Ano yang mga mukhang yan? Tsk. Yung mga nguso niyo sayad na sa lupa. Tsk tsk tsk. Hala sige! Magsibihis na kayo. Aalis tayo.” Sabi niya.
“YEHET!~ OHORAAAAT!~” sigaw nila.
Tae, pati sila nahawa sa alien language ng EXO? =___=
Saan naman kaya kami dadalhin nitong si Shana?
--
ALAM KO. Opo, sorry. Tinatrankaso kasi ako HUHUBELTH. madami ding typo kaya pasensya na.
Gusto ko mag UD kaso wala akong inspirasyon. WALA TALAGA :((((( so sad em gene kreeey HUHUBELTH tologo.
VOMMENT naman jan :DD plish. Para ganahan akong ipagpatuloy ‘to. Yaan niyo next UD may kabuluhan na. :)))
Lovelots.XOXO
p.s.: basahin niyo naman yung EXO fanfic ko pag may time kayo :D sa profile ko yun, tingnan niyo nalang. SLMT!

BINABASA MO ANG
[NUEST] Lovely Disaster
FanfictionIsang araw umalis si mama papuntang Starbucks kase ayaw niya ng 3in1 na kape. Pag uwi niya di siya nag iisa. Akalain mo yun nag ampon pa ng lima? Wudafaq mga pre. Riot na ituuu~