2

73 4 0
                                    

Chapter 2

“Parfait! Bon travail tout le monde!” (Perfect! Good job everyone!) Sigaw ni Francine after ng photo shoot and interview namin. Hay natapos din.

Umupo ako tapos tinali ko yung buhok ko tapos lumapit sakin si Francine.

“Jayce, ang ganda mo talaga ano?” Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.

“Fak. nakalunok ka ba ng muriatic acid?” Pagtataka kong tanong sakaniya. It’s not so her to say that. Palagi niya ko sinasabihan ng kawayan dahil sa legs ko. Mahaba daw and firm.

“Hoy! Hindi no. Just stating the facts. Wag ka! Ngayon lang to, lunukin mo na ang compliment ko.” Nagtawanan kaming dalawa at biglang natahimik. “Mamimiss talaga kita, Jayce.”

“France, ano pa ang use ng FaceTime?” tumawa siya ng bahagya.

“Ingat Jayce ha? You are now officially, resigned from RUNWAY.” Niyakap niya ko. At mejo naiyak naman ako.

--

“I’m here.” Naputol bigla yung linya. Napakunot lang yung noo ko. Anong problema non at binabaan ako? Bigla naming nagring ulit yung phone ko. “Hello?”

“Jirah Clarise, sino ang nagturo sayong pagbabaan ako ng telepono?!” galit na tanong sakin ni Kuya Jaydes.

“Kuya, food for your brain, hindi kita binabaan. Sadyang naputol ang linya. Wag kang OA okay?” Tumawa si Kuya na parang sobra bang nakakatawa yung sinabi ko sakaniya.

“Namiss ko talaga yang kasungitan mo, Jayce!” He cleared his throat. “JCP 25, Montero Sport, Pearl white.”

“Okay, bye. See you, Kuya! Love you!” Mejo humagikgik ako.

“Always our little princess. Bye bye.” Then binaba ko na ang phone.

Hinanap ko yung Montero na sinasabi ni Kuya at nakita ko naman. Agad akong nilapitan ni Manong Yves. “Ay Manong ako na po. Kaya ko naman po eh. Sige na po pumasok na po kayo.” Kinarga ko yung maleta ko na wala naming mejong laman kasi madami pa din naman akong damit sa dati naming bahay.

“Ma’am Clarise saan po ba tayo tutuloy?” Tanong ni Manong Yves sa akin.

“Manong wag na po kayo mag Ma’am saakin at pag po. Naiilang ako kasi po mas matanda kayo sakin eh. Hehe. Sa office na lang po ni Kuya Jaydes.”

Dineretso naman ako ni Manong Yves sa kompanya. At binaba niya ko sa mismong entrance ng company naming. Mejo nahihiya tuloy ako.

“Good Afternoon po, Ma’am Jirah.” Yumuko siya sakin. At nginitian ko na lang siya. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad papuntang information desk. Madami na kasing nagbago sa company, hindi ko pa to kabisado kahit dati kasi paminsan lang ako pumunta dito.

“Ang ganda na lalo ni Ma’am Jirah.”

“Grabe dalagang dalaga na si Ma’am.”

“Sana ganyan ako, matalino na, maganda pa, tapos mabait pa yan.”

“Naku, sa UP Diliman grumaduate yan diba?”

Narinig ko silang nagbulong bulungan. Hindi pa rin pala naaalis yun sakanila hanggang ngayon. Napangiti na lang ako. Huling punta ko kasi dito, 18 palang ako. Dito kasi ako nagbirthday. Tapos ngayon, 23 na ko. Hay ang tanda ko na pala.

“Ay Ate, san po bang floor yung office ni Kuya Jaydes?” tanong ko sa babae dun sa information desk.

“Po? Sorry po bago lang po kasi ako dito.” Pagpapaliwanag niya. Ngitian ko siya.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon